|
|
|
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Maganda at masamang balita sa SEA Games By Eddie Alinea PhilBoxing.com Thu, 24 Mar 2022 Batay sa kanyang nasaksihan sa tatlong araw niyang pagbisita sa Hanoi noong nakaraang linggo, tiniyak ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na maidaraos ang 31st Southeast Asian Games ng walang sagabal sa orihinal nitong iskedyul sa Mayo 12 hanggang 23 sa pangunahing Lunsod na ito ng Vietnam. Ito ang magandang balita. Ang masamang balitga – hindi pa tiyak kung makalalahok si Pilipino pole vaulter Ernest John Obiena sa kompetisyon ng athletics kung saan ay ipagtataggol niya ang gingtong medalyang napanalunan nniya noong 2019 dito mismo sa bansa. Pumunta si Tolentino noong Biyernes para sa pagpupulong ng mga chef de mission ng 10 iba pang miyembro ng SEA Games Federation at iniulat niyang base sa kanyang nakita ay nasa tamang lugar ang paghahanddang ginagawa ng host sa kabila ng pagdamia ng mga kaso ng Covid 19 sa lugar. “Lahat ng ibang aspeto ng preparasyon, sa tingin ko, ay nabibigyan ng pansin,” paniniguro ni Tolentino, nagsisilbi ring kongresista ng Lunsod ng Tagaytay sa kanyang sinilangang lalawigan ng Cavite sa panayam noong Martes sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum. “Everything seemed to be on track,” aniya. “We did site visitations of the different venues. We also did inspections of the hotel for the athletes and officials.” Naisumite na rin ng POC, dagdag ni Tolentino, ang listanan ng mga miyembro ng pambansang delegasyon ng Pilipinas na kinabiobilangan ni Obiena na hindi isinama ng kanyang sariling pederasyon, ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa listahan nito. “Vietnam has received our entries by names and we’re just waiting for the final confirmation,” anang pangulo ng POC. Si Obiena na may ranggong panlimang pinakamagaling na pole vaulter sa daigdig, ay siyang magma-may-ari ng Asia rekord 5.91 metrong taas sa kanyang event. Hindi rin matiyak ni Tolentino, kandidato sa pagka-alkalde ng Tagaytay sa darating na halalan, kung tataggap ng manonood sa palaro dala ng naitalang 171,446 kaso ng Covid 19sa Hanoi sa nakaraang 10 linggo “But it’s declining now. In fact, they are now open to tourists,” dagdag ng mambabatas na ang kailangan lamang ng mga dayuhang delegado sa Games ay magpakita ng prueba ng pagkapag-bakuna o booster shot. “We just need to be extra careful,” aniya. May kabuuang 979 atleta at opisyal ang nasa listahang isinumite ni Tolentino sa Games organizers. Alinman sa chartered flights ng Singapore Airlines o Philippine Airlines ang maaring sakyan ng delegasyon patungong Vietnam. Pinasalamatan forum ni Tolentino Department of Foreign Affairs sa pagtulong ng ahensya sa 103 ng Team Philippines na nag-apply o nag-renew ng kanilang pasaporte. “We wrote to the Foreign Affairs and they responded by accommodating us,” said Tolentino. Napag-alaman din ni Tolentino na ang Malaysia, isa sa mga makakalaban ng mga Pilipino para maipagtanggol ang pakalahatang kamponato, ay kakatawan ng hindi kukulangin sa 800 athleta, 656 na kakatawan sa nagtatanggol na kampeon. Wala pa siyang impormasyon, ani Tolentino, kung ilan ang ipadadala ng mga malalakas ding delegasyon ng Thailand at Indonesia. “Hindi pa natin alam,” bagamat sinabi niyabng may kumpiyansa siyang ang Pilipin as ay handang lumaban para mapanatili sa dalampasigang ito ang pangkalahatang kempeonato. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |