|
|
|
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Mas mataas dapat ang ranggo ni Manny Pacquiao sa listahann ng Top-100 ng GOAT By Eddie Alinea PhilBoxing.com Thu, 03 Mar 2022 Ang ngayon ay retirado nang si Pilipino world boxing icon Manny Pacuiao ay ginawaran ng RING MAGAZINE bilang isa sa 100 Pinakadakilang Boksingero Sa Lahat ng Panahon (Greatest of All Time o GOAT). Ayon sa prestihiyosong magasin, pang-siyam ang ating si Manny sa mga magigiting na mandirigma sa ibabaw ng parisulat na lona na sumusunod kina Sugar Ray Robinson, (1); Joe Louis, (2); Muhammad Ali, (3); Tony Canzoneri, (4); Emile Griffith, (5); Floyd Mayweather, (6); Willie Pep, (7); at Ezzard Charles,(8) Pang-sampu ang tinaguriang óld warrior” na si Archie Moore. Sa kinauupuan ng kolumnistang ito na may mahigit nang kulang-kulang na 50 taong sumusubaybay at kumokober ng mga kaganapan sa larangan ng sport na kung tawagin ay “sweet scence”, mula pa noong 1975, dapat ay pumang-apat man lamang si Sen. Manny sa listahan. O mas mataas sa pang-anim at kanyang mahigpit na kaaway na si Mayweather. Bakit? Si Manny, alam ng lahat ng taga-subaybay ng boksing, ay kaisa-sang nilalang sa kasaysayan ng larong ito na nag-mayari ng di kukulangin sa isang dosenang pandaigdig na kampeonato sa walong weight division. Bagay na hindi nagawa kahit na ng mga nauna sa listgahan -- Sugar Ray Robinson, Joe Louis at Ali, “Thre Greatest”. Ang dakilang Pilipinong ito ayg kauna-unahang mandirigma na nanalo ng limang lineal world championships sa limang iba’t-ibang dibisyon. At kauna-unahan din sa kasaysayan na nagkamit ng major world title sa apat na orihinal na dibisyon ng kanyang sports – flyweight, featherweight, lightweignt, at welterweight – na kilala sa tawag na “glamour” divisions. Si Manny rin ang una at kaisa-isang naghari ng pandaigdig na titulo sa apat na dekada (1990s, 2000s, 2010s, at 2020s). Noong Hulyo 2019, si Pacman ay tinanghal na pinaka-matandang welterweight na humawak ng korona sa 147-librang category sa edad na 40. At kauna-unahan sa kasaysayan na kilalaning apat na beses nag-kampeon sa nasabing dibisyon. Noong 2016, ang ama ng limang anak niya kay dating Sarangani Gob, Jinkee, ay pumangalawa sa listahan ng ESPN sa pound-for-pound sa nakaraang 24 na taon. Pinangalanan din si Manny na Fighter of the Dedade noong dekada 2000s ng Boxing Writers Association of America bukod sa pagiging Fighter of the Year ng RING tatlong beses (2006, 2008 at 2009) at Best Fighter of the Year ng ESPY (2010 at 2011). Matagal na naitala si Manny na best active fighter in the world pound-for-pound ng halos lahat ng sporting news at boxing websites, kabilang ang ESPN, SPORTS ILLUSTRATED, SPORTING LIFE, YAHOO SPORTS, ABOUT.COM. BOXREC, at RING. Anim sa walong koronang nakamit ni Manny sa landas na tinahak niya sa pagiging eight-division world champ ay sa pamamagitan ng KO o TKO – flyweight vs, Chatchai Sasakul (KO 8), super-bantamweight vs Lehlo Ledwaba (TKO 6), featherweight vs Marco Antonio Barrera (TKO 11), lightweight vs David Diaz (TKO 9), junior welterweight vs. Ricky Hatton (KO 2), welterweighrt vs. Miguel Cotto (TKO 12). Tanging si Juan Manuel Marquez lamang super-featherweight (w 12) at Antonio Margarito super-welterweight (w 12) ang tinapos ang laban nang nakatayo. Lahat ng mga nakalaban ni Manny, maliban kay Margarito, ay pawang mga first ballot candidate para magawaran ng karangalang mapabilang sa International Boxing Hall o Fame. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |