![]() |
||||
|
|
|
Tuloy ang Pacquiao-Larios sa Pinas Mayo 20 By Virgi T. Romano PhilBoxing.com Wed, 01 Mar 2006 Tuloy na tuloy na ang sagupaang Manny Pacquiao at Oscar Larios sa Pilipinas sa Mayo 20. Matapos kumpirmahin kamakalawa ng gabi ang kasiguruhan ng 10-round battle na magaganap sa Araneta Coliseum, inihayag naman kahapon ng kampo ni Pacquiao, na magiging "Pinoy kontra Mehikano" ang magaganap na promosyon. Ayon kay promoter/manager Rex "Wakee" Salud, tagapagsalita ni Pacquiao, itatampok din sa naturang paboksing na itataguyod ng MP Promotions, ang mga pangunahing Filipino boxers, sa pangunguna ni World Boxing Council (WBC) light-flyweight champion Brian "The Hawaiian Punch" Viloria, Rey "Boom Boom" Bautista, Jimrex Jaca at Rodel Mayol. Ayon kay Salud, pinag-uusapan na sa kasalukuyan ang mga Mexican fighters na makakaharap ng mga Pinoy boxers. "Ginagawa nila sa Mexico 'yung ganyan, Mexican vs Thai, or other nations, kaya ganoon din ang gagawin natin ditto, we will tap good Mexicans to fight our boxers," pahayag ni Salud, na siya ring manager ni Jaca at Bobby Pacquiao, nakababatang kapatid ni Manny. Sinabi pa ni Salud, na pinag-uusapan pa rin ang mga isponsor na tutulong sa paboksing, na ipalalabas ng ABS-CBN, na siya ring nag-cover ng Pacquiao-Morales noong Enero 22. "Kung may papasok na isponsor, mas maganda, pero kung wala naman, tuloy pa rin ang laban," sambit ni Salud. Samantala, sa sandaling mapanalisa na ang "Pinoy kontra Mexican," darating sa bansa si American trainer Freddie Roach upang personal na pamahalaan ang paghahanda ni Pacquiao. "I will go there (Philippines) six weeks before the fight, we will be training up in the north in the mountains in northern Manila. I am looking forward to the fight with Larios," wika ni Roach. Click here to view a list of other articles written by Virgi T. Romano. ![]() |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2025 philboxing.com. |