Philippines, 26 Nov 2025
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-19 na Bahagi): Pampitong korona, inagaw ni Pacquiao kay Cotto


PhilBoxing.com





Makaraang dispatsahin ang maalamat na Mehikano-Amerikanong si Oscar De La Hoya sa kanyang unang laban bilang welterweight, uminit ang bulong-bulongang di maglalaon at ang Pilipinong si Manny Pacquiao ay tatanghaling kampeon sa nasabing 147-librang dibisyon para dagdagan ang anim na koronang napagwagihan na niya bago dumating ang buwan ng Nobiyembre, taong 2009.

Nahawakan na noon ng ipinagmamalaking tubong Kibawe, Bukidnon ang mga titulo ng flyweight, super-bantamweight, featherweight, super-featherweight, lightweight at junior-lightweight at hangad niyang mai-uwi rin sa dalampasigan ng Pilipinas ang ang korona sa dibisyon.

At noon ngang gabi ng Nobiyembre 14, 2009 ay ipinagbunyi ng buong daigdig ng boksing ang Pamabansang Kamao ng bansa bilang kauna-unahang nilalang sa ibabaw ng planetang ito na maghari sa pitong dibisyon sa sport ng sweet science.

Nilupig ni Pacquiao ang itinuturing noon na boxing sensation sa Puerto Rico sa pamamagitan ng TKO sa ika-12 round ng kanilang paghaharap matapos pabagsakin niya ang kalaban sa round three at round four bago ito itinigil ng reperi limang segundo na lamang ang nalalabi sa salpukang bininyagang “Firepower” at napanood ng mahigit 18,000 fans na nagsiksikan sa 16,000 upuang MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Bukod sa 147-librang sinturon ng WBC, ginawaran din si noon ay Kongresistang Pilipinong si Manny ng titulo ng WB0 Super Championship at ng kauna-unahang espesyal na WBC Diamond Belt na nilikha eksklusibo sa magwawagi sa sa makasaysayang sagupaan sa pagitann ng ng dalawang elitistang mandirigma ng kanilan panahon.

Ilang araw matapos makabalik sa bansa si Manny, ginawaran si Manny ng Order of Sikatuna With the rank of Datu (Grand Cross) With Gold Distinction (Katangiang Ginto) na kinaugaliang igawad sa mga dayuhang diplomatiko at Punong Tagapagpaganap ng isang Estado.

Si noon ay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-gawad ng mataas na karangalan sa isang simpleng seremonyang ginanap sa Quirino Grandstand sa Luneta bilang pagkilala sa makasaysayang pagkakamit ni Pacquao ng karangalang ng kauna-uahang boksingero sa daigdig na makapag-uwi ng pitong kampeonato sa pitong dibisyon.

“Pacquiao is the greatest boxer I’ve ever seen and I’ve seen them all, including (Muhammad) Ali, (Marvin) Hagler and Sugar Ray Leonard,” deklara ni Bob Arum, promoter ni Pacquiao, pagkaraan ng kapanapanabik na sagupaang nakalikom ng 1.25 million buys at $70M in domestic pay-per-view revenue, para maging most watched boxing event of 2009.

Tinatayang kumita si Pacquiaon ng $22M sa laban. $12M ang naibulsa ni Cotto. Ang pghaharap ng dalawa ay nakalikom ng $8,847,550 sa takilya base sa opisyal na bilang ng mga nanood na 15,940.

Naging dahilan ang pagsupil ni Pacquuiao kay Cotto na manariwa ang usapang pagharapin siya, ang numero uno sa listahan ng pound-for-pound, at wala pang talong pumapangalawang si Amerikanong Floyd Mayweather Jr.

Subalit naging masalimuot at madawag ang daang tungo sa pagtutuos ng dalawang pinakamagagaling na welterweight sa diagdig. Tumagal ng halos limang taon ang negosasyon at napakaraming indibiduwal ang nasangkot sa usapan.

Ang resulta, sa halip na ang hambog na si “Money Man” ang makasagupa ni Manny sa kanyang unang depensa ng 147 librang korona, ang Aprikanong dating harin ng dibisyon ang nakalaban ng ating si Manny.


(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Takuma Inoue World Champion Again; Beats Nasukawa for Vacant WBC Belt
    By Teodoro Medina Reynoso, , Wed, 26 Nov 2025
  • OLYMPIC BOXING 3: 1920 OLYMPIC GAMES AT ANTWERP, BELGIUM
    By Maloney L. Samaco, , Wed, 26 Nov 2025
  • Badenas TKO’s Saknosiwi in 10th round
    By Lito delos Reyes, , Wed, 26 Nov 2025
  • Las Vegas & California Amateurs Shine in a Powerful Fall Rumble Weekend Followed by a Heartfelt Turkey Drive for Local Families
    , Wed, 26 Nov 2025
  • Santa Run Davao on December 14 at NCCC Mall Victoria Plaza
    By Lito delos Reyes, , Wed, 26 Nov 2025
  • Alec “The Rock” Del Rio Fights for WBC Asia Title Friday in Thailand
    By Carlos Costa, , Tue, 25 Nov 2025
  • Eumir, Weljohn put pros on hold
    By Joaquin Henson, , Tue, 25 Nov 2025
  • Toronto Topples Cleveland, 110-99 for 8th Straight Win; Holds on to 2nd in the East
    By Teodoro Medina Reynoso, , Tue, 25 Nov 2025
  • PPP Seniors & PWD Fun Run 2025 on Dec. 13 in Talomo
    By Lito delos Reyes, , Tue, 25 Nov 2025
  • MANNY PACQUIAO PROMOTIONS ANNOUNCES A FULL SELLOUT AND BROADCAST DETAILS AHEAD OF U.S. DEBUT EVENT THIS SATURDAY, NOVEMBER 29, AT PECHANGA RESORT CASINO IN TEMECULA, CALIF.
    , Tue, 25 Nov 2025
  • Tomorrow Night's CB Promotions Card at The Cure Insurance Arena in Trenton is Postponed
    , Tue, 25 Nov 2025
  • PHL bids to host WB Congress
    By Joaquin Henson, , Tue, 25 Nov 2025
  • Joel "Lethal" Lewis talks boxing evolution and upcoming Thunderdome 52 fight this Friday in Perth
    , Tue, 25 Nov 2025
  • Granite Chin Promotions signs Milton pro boxer Jenn Perella
    , Tue, 25 Nov 2025
  • Mabuhay at Salamat: ‘The Thirty’ Filipino Boxers Who Became Giants
    By Emmanuel Rivera, RRT, , Mon, 24 Nov 2025
  • World-ranked Lightweight Dynamo Justin Pauldo Collides with Hard-punching Nike Theran
    , Mon, 24 Nov 2025
  • Fastest Pinay in IronMan 70.3 World comes from Lanao del Norte
    By Kim delos Reyes-Teves, , Mon, 24 Nov 2025
  • Two-time middleweight world champion Gennadiy Golovkin confirmed as new President of World Boxing at Congress 2025 in Rome
    , Mon, 24 Nov 2025
  • Panama City will host the World Boxing Ordinary Congress in 2026
    By Gabriel F. Cordero, , Mon, 24 Nov 2025
  • Tadlas, Busayong rule 42K in 3rd SDSPPO Run for a Cause
    By Lito delos Reyes, , Mon, 24 Nov 2025
  • "The Mexican Monster" Terrorizes the 175: Benavidez Demolishes Yarde to Win WBC Light Heavyweight Title
    By Dong Secuya, , Sun, 23 Nov 2025
  • Harden scores 55 points for a new LA Clippers record
    By Gabriel F. Cordero, , Sun, 23 Nov 2025
  • Devin Haney Dominates Brian Norman Jr. to Claim WBO Welterweight Title
    By Dong Secuya, , Sun, 23 Nov 2025
  • "Bam" Rodriguez Stops "Puma" Martínez in 10
    By Dong Secuya, , Sun, 23 Nov 2025
  • Abdullah Mason Edges Sam Noakes in War, Becomes Youngest Current World Champion
    By Dong Secuya, , Sun, 23 Nov 2025




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2025 philboxing.com.