|
|
|
Maraming may potential By Manny Pacquiao PhilBoxing.com Thu, 22 Nov 2007 By the time binabasa n'yo itong "Kumbinasyon" ay nasa Amerika na ako, para sa commercial na gagawin ko para sa Nike. Mag-celebrate din ako dun ng Thanksgiving. Siyempre kasama kong aalis ang aking misis na si Jinkee at hindi naman kami magtagal, siguro one week lang. Habang nasa Amerika ako, pag-usapan na rin siguro namin ng promoter kong si Bob Arum 'yung sunod kong laban. Wala pa talagang final kung sino ang sunod kong makalaban, ang sigurado lang ay gawin ang laban sa US. Siguro pagkagaling ko sa Amerika, may masabi na ako tungkol sa sunod kong laban. Bago nga pala ako umalis ay tinapos ko na 'yung pelikula ko na entry for the Metro Film Festival. Sana tulad ng pagsuporta n'yo sa aking mga laban ay ganon din ang gawin n'yo sa pelikula namin. Kapag nagbi-break kami sa shooting, nagbubukas ako ng internet at ang dami ko na nababasa, lalo na may kinalaman sa sunod ko na laban. Marami talaga ang haka-haka, pero don't worry you'll read it first here in "Kumbinasyon" once I get back from the USA, kung ano ang mapag-usapan namin dun ay malaman n'yo. Pero sigurado naman na lalabas din agad sa internet, baka mauna pa nga kayo na makaalam sa akin. Natuwa rin ako sa mga comment na ipinadala ng mga fans tungkol sa huli kong kolum, na may kinalaman sa ating mga atleta na kung bakit hindi pa rin tayo nanalo ng gold medal sa Olympics. Nanghinayang talaga ako sa ginagastos sa mga Filipino athletes, pero hindi pa rin nanalo ng gold. Para sa akin, may mali talaga sa sistema. Una sa pagpili ng atleta, pangalawa sa training. 'Yung iba natin na atleta ay medyo matanda na, pero lagi pa rin sila ang nilalaban. Are we running out of talents? Hindi ako maniwala. Kasi dun lang sa amin sa Gen. San, ang daming potential, pero hindi nabigyan ng tsansa, kasi wala silang backer. Dapat siguro ang magpalakad sa ating mga atleta yong may alam sa sports, 'yong nakaranas kung pano lumaban sa mga kumpetisyon. 'Yang palakasan hindi naman talaga maalis. Pero dapat huwag masyado kasi wala na mangyari kung puro palakasan ang pairalin. Kung talagang gusto nating manalo ng gold medal sa Olympic Games, bigyan natin ng tamang training at suporta ang mga atleta at maghanap din tayo ng mga potential, para may pamalit sa mga kailangan na magretiro. Sana huwag sasama ang loob ng mga opisyal na nakakabasa nito, ang sa akin lang ay kung ano 'yung nakikita ko. Hanggang sa muling "Kumbinasyon." Mabuhay! Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |