Philippines, 03 Nov 2025
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


Alamat ni Manny Pacquao (Ika 30 Bahagi) : “Lalabanan ko, kahit sino, kahit saan, kahit kailan” – Pacquiao


PhilBoxing.com





Walang makapipigil kay Manny Pacquiao, ang bayani ng Pilipinas sa larangan ng boksing. Noong Biyernes ng madaling araw, (Sabado sa Maynila) ay ipinahayag ng 42 anyos na senador ang tiyak niyang pagbabalik sa ibabaw ng ring sa ika-21 ng Agosto.

Hindi naman napakalaking balita ang kanyang pagbabalik na noong pang nakaraang taon dapat maganap bilang pagdiriwang sa kanyang ika-25 taon sa larangang kanyang tinahak bago ito naipagpaliban dala ng pandemya ng Covid 19.

Ang ikinagulat ng marami ay ang kung sino ang napili niyang makakalaban – ang Amerikanong 2012 London Olympian na si Errol Spence Jr., na mas bata sa ating idolo ng 12 taon at may hawak ng wala pang talong 27-0 panalo-talong talaan.

May kahalong kaligayahan at pagkabahalang tinanggap ng daigdig ng boksing ang pahayag na ito ni Manny na kakaharapin si Spence galing sa pagkatalo sa pinaka-mahigpit niyang katunggaling si Floyd Mayweather Jr., limang taon na ang nakalilipas kung kailan, matapos ang pagtutuos, ay kinailangan niyang sumailalim sa operasyon sa dislokasyon sa kanyang kanang balikat.

Matapos ang laban kay “Money Man,” hindi iilan ang mga humulang tapos na ang career ni Manny sa boksing at kailangan na niyang mag-retiro sa dahilang wala nang nalalabi pang lakas sa kanya para magpatuloy.

Gaya ng alam na rin nila, hindi pa rin ito naging dahilan para isabit ng ama ng lima niyang anak kay Jinkee ang kanyang sapatos na panlaban.

Makaraan ang sagupaan, na nagbigay sa kanya ng siyam na pigurang kita, tinalo ni Pacquiao si Timothy Bradley sa pangatlo at huli nilang trilohiya, Jessie Vargas, Lucas Matthysse, Adrien Broner at Keith Thurman para sa ika-limang pagkakataon ay mabawi ang kampeonato ng welterweight.

Patunay na ang kanyang ring career ay malayo pa sa inaasahan ng maraming pabagsak na, katunayan ay lumalakas pa. Ang pahayag ay itinuring na “bomba” sa kawikaan ng sports media kapuwa sa print at broadcast – na nagsipamiyestang lahat nang sumunod na mga araw sa pagpapalabas ng balita sa kani-kanilang pormat.

Sino nga ba naman ang lalaban sa wala pa ring talong si Thurman noong 2019? O si Bradley makaraang ang pagkabigo niya kay Mayweatner? Kung hindi si Pacuiao na na ginugol ang kanyang buong buhay para labanan ang kahirapan niya at ang kanyang pamilya at kababayan.

Na siya namang naging dahilan para mahalin siya ng kanyang mga kababayan na nagpakita ng kanilang pagmamahal at suporta hanggang sa marating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon.

Tunay na iilan ang kauri ni Manny sa kasaysayan ng boksing. May ilang pumapanhik pa sa ibabaw ng parisukat na lona sa edad 40 pataas subalit karamihan sa kanila ay mga naghihikahos sa buhay na kailangang lumaban para buhayin ang kanilang pamilya.

Hindi ang ating si Manny, isang mambabatas at iginagalang na utusan sa pamahalaan. Mayaman na siya at nagma-may-ari ng ilang mansion sa kanyang bayan sa General Santos City sa Mindanao at Kamaynilaan. Hindi na niya kailangan ang boksing. Siya ang kailangan ng boksing.

Hindi masisisi ang marami na mabahala na lalabanan ng kanilang idolo si Spence. Nababahala sila sa kaligtasan ni Pacquiao., isang mas malaking katunggaling ginulpi ang lahat ng nakasagupa mula nang mag-pro makaraan ang kanyang pagsisilbi sa bansang Amerika bilang Olympian sa London.

Nakalimutan na nilang para sa Pilipino, ang edad at lalo na ang timbang ay bale wala sa kanya. Ang kalaban ay tumitimbang ng 149 libra na minsan lamang naablot ni Manny nang sagupain niya at talunin ang mas malaking si Antonio Magarito sa timbang na junior middleweight.

Eh ano kung si Spence ay di pa nakalalasap ng pagkatalo sa kanyang 27 na laban? Tandaang simula nang maging pandaigdig na kampeon noong 1998, walong boksingero na ang nakaharap ni Manny na may malinis na rekord. Lima ang ipinanalo ng ating bata sa mga labang ito at dalawa sa kanila ay sa pamamagitan ng KO.

Bukod dito, tatlong iba pa ang nakalaban niyang wala pa ring talo pero may isang tabla. 2-0-1 panalo-talo-tabla ang rekord niya rito.

Bago naging kampeon, nakasagupa rin ni Manny ang 11 sa 10 kalabang wala pa ring talo, kabilang si Bradley na nilupig niya ng dalawang beses sa tatlong laban nilng paghaharap.

Kilala si Manny sa kamunduhan ng boksing na walang inunurungan. Handa niyang sagupain kahit sino, kahit saang lugar at kahit anong oras. Kahit na sa gulang niyang 42 anyos kung kailan ay wala na ang lakas na dati niyang taglay.

Ayon kay Sean Gibbons, ang pangulo ngayon ng MP Promotions, nang banggitin niya ang pangalan ni Spence na susunod iyang kalaban, wala man lang pag-a-atulibing tinanggap ng kanyang amo ang planong laban.

“I have always wanted to challenge myself and take the biggest fights,” ani Gibbons tukoy ang sinabi sa kanya ni Pacquiao. “Errol Spence is an unbeaten champion and those are the kinds of fights I want.”

Walang dudang dehado si Manny sa sagupaang ito vs Spence pero hindi rin mapapasubaliang ilang beses na ring nalampasan ni Manny ang ganitong klaseng hamon.

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.




Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Pero Outlasts Thompson in Orlando, Secures Unanimous Decision Victory
    , Mon, 03 Nov 2025
  • Jonas Magpantay Crowned Qatar World Cup 10-Ball Champion
    By Marlon Bernardino, , Mon, 03 Nov 2025
  • Jonas Magpantay reaches Qatar World Cup 10-Ball Finals
    By Marlon Bernardino, , Sun, 02 Nov 2025
  • Pistons defeated Mavericks in NBA Game 34 in Mexico
    By Gabriel F. Cordero, , Sun, 02 Nov 2025
  • GM Antonio finishes 14th in World Senior Standard event
    By Marlon Bernardino, , Sun, 02 Nov 2025
  • NONITO DONAIRE FIGHTS SEIYA TSUTSUMI FOR THE WBA BANTAMWEIGHT TITLE
    By Maloney L. Samaco, , Sun, 02 Nov 2025
  • Luka Dončić Equals Wilt Chamberlain’s Historic Scoring Feat
    By Gabriel F. Cordero, , Sun, 02 Nov 2025
  • THRILLA IN MANILA II RESULTS: JERUSALEM, TAPALES, MARCIAL LEAD WINNERS
    By Eric Armit, , Sun, 02 Nov 2025
  • Last Pinoy Standing: Jonas Magpantay marches into semis in Qatar World Cup 10-Ball
    By Marlon Bernardino, , Sun, 02 Nov 2025
  • WEIGHTS FROM NIGHT OF KNOCKOUTS XXXVII AT MOTORCITY CASINO HOTEL
    , Sat, 01 Nov 2025
  • 3 Filipinos Reach Qatar World Cup 10-Ball Last 16, Biado Out
    By Marlon Bernardino, , Sat, 01 Nov 2025
  • Joshua Buatsi vs Zack Parker Headlines Manchester Show on DAZN
    By Chris Carlson, , Sat, 01 Nov 2025
  • NBA Referees will wear headsets during NBA games
    By Gabriel F. Cordero, , Sat, 01 Nov 2025
  • PERO, THOMPSON READY FOR ORLANDO SHOWDOWN SATURDAY NIGHT
    By Dong Secuya, , Sat, 01 Nov 2025
  • South Cotabato overall champ in Batang Pinoy boxing meet
    By Lito delos Reyes, , Sat, 01 Nov 2025
  • Bernardino to play in Malaysia and France chess championship
    By Marlon Bernardino, , Sat, 01 Nov 2025
  • Make way for the Philippines' oldest active chess player
    By Marlon Bernardino, , Sat, 01 Nov 2025
  • Canada High: Mikaela Mayer Wins Unified Super Welterweight Crown
    , Fri, 31 Oct 2025
  • Round 12 with Mauricio Sulaimán: The Great Virtues of Champions
    By Mauricio Sulaimán, , Fri, 31 Oct 2025
  • ‘HAPPY’ HEAVYWEIGHT THOMPSON READY FOR PERO WAR
    , Fri, 31 Oct 2025
  • Lakers Sale Approved: Mark Walter Takes Majority Stake, Ending Buss Family Era
    By Gabriel F. Cordero, , Fri, 31 Oct 2025
  • SBA Season 2 Kicks Off November 10
    By Marlon Bernardino, , Fri, 31 Oct 2025
  • History made twice over
    By Joaquin Henson, , Fri, 31 Oct 2025
  • ORLANDO PRESS CONFERENCE QUOTES AND VIDEO: EVERYTHING THAT WAS SAID BETWEEN LENIER PERO, JORDAN THOMPSON AND UNDERCARD
    , Fri, 31 Oct 2025
  • Biado, Magpantay enter last 32 round of Qatar World Cup 10-Ball
    By Marlon Bernardino, , Fri, 31 Oct 2025




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2025 philboxing.com.