|
|
|
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-11 Bahagi): Daan tungo sa pagbangon ni Pacquiao sa pagkatalo noong 2012 By Eddie Alinea PhilBoxing.com Wed, 10 Mar 2021 Mapaait ng KO pagkatalo ni Pacuiao kay Marquez. (Kuha ni Wendell Rupert Alinea) Isang araw makaraang malasap ang marahil ay pinakamapait na karanasan sa kanyang noon ay ika-17 taon bilang boksingero – ang matalong nakadapa sa lona sa ika 6 na round ng kanyang 12 round na pakikiharap kay Juan Manuel Marquez -- agad ipinabatid ni Pilipino icon Manny Pacquiao ang kanyang pagbabalik sa ring. Sa panayam sa reporter na ito noong Disyembre 9, 2012, walong araw bago sumapit ang kanyag ika-34 na taong kaarawan, at kinabukasan makaraang patulugin siya ng maalamat na Mehikano, ipinahayag ng ating si Manny ang kanyang intensyong muling umakyat sa parisukat na lona. Upang ipaghiganti ang kambal na pagkabigo noong taong iyon kasama ang kontrobersiyal na di nagkakaisang talo kay Timothy Bradley, anim na buwan bago ang KO kay Marquez. Ito ay sa kabila ng panawagan mula sa kanyanga ina, si Aleng Dionesia, Mommy D sa fans, kabiyak na si Jinkee, mga anak, kamag-anak at malalapit na kaibigan na panahon nang mag-retiro siya sa dahilang wala na naman siyang dapat patunayan pa base sa mga nagawa niya sa larangan ng pakikidigma sa loob ng kulang sa dalawang dekada sa propesyong napili niya. Iba ang nasa-isip ni Manny. Marami pang bagay ang dapat lupigin at kailangan niya ng isakatuparan ang mga ito. Alang-alang sa kasiyahan ng mga fans sa buong mundo na naniniwala pa sa kanyang kakayahan. “Disyembre na ngayon, kaya tiyak na sa susunod na taon, babalik na tayo,” bulalas ni Pacquiao sa kolumnistang ito. “By that tijme, 35 pa lamang ako. Marami pa tayong magagawa.” Sa nasabing interbyu, nabanggit ni Pacquiao ang kanyang kagustuhang bigyan ng pagkakataon si Marquez na makatabla sa kanya. Sa apat nilang paghaharap, lamang pa ang ating bata sa 3-panalo, isang tabla at isang talo. “In fairness to Marquez, dapat lamang namang bigyan natin siyang maka-tabla bago man lamang siya mag-retiro,” aniya sa reporter na ito. Samantala, ang pagkabigong ito ni Pacquiao ay lalong maka-antala sa planong iharap na siya kay wala pang talong si Floyd Mayweather Jr. na noon ay malapit ng matapos ang mahabang limang taong negosasyon para mangyari. Ang tutoo, matapos mapanood ang panalo ni Marquez, nagkalakas ng loob si Mayweather na ipahayag na halos done deal na ang usapan tungkol sa napipintong sagupaan nila ni Pacquiao. Gaya ng naipangako, Nobiyembre 24, taong 2013, ipinamalas ng noon at dalawang beses na kongresista at ngayon ay senador nang si Manny, ang kanyang kakayahang bumalikwas sa anumang kagipitang maaring mangyari sa buhay ng isang nilalang, boksingero man o hindi. Ang sumalo sa lahat ng kanyang kabiguan -- si Brandon Rios na pinarusahann niya sa 12 round para pasukuin sa isang nagkakaisang hatol at iuwi sa dalampasigan ng Pilipinas ang bakanteng sinturon ng WBO International welterweight sa sagupaang ginanap sa Venetian Resort sa Macau. Ang labang ito sa Amerikanong si Rios ay una sa dalawang nairaos sa lunsod ng mga bisyo sa Asya. Ang impresibong pagbabalik ni Manny ay nasundan ng mas malupit na paglupig sa Amerikano ring si Chris Algeiri, dating kick boxer na nagpanggap na challenger na pinaluhod ni Manny ng anim na beses tungo 12 round na shotout kung saan ay wala ni isa mang yugtong naipanalo ang huli. (May Karugtong) Click here to translate this article to other languages via Google. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |