Philippines, 20 Sep 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Inspirado Ako

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
08 Mar 2009



LOS ANGELES — Magandang araw po ulit sa inyong lahat, lahat kayong mga inspirasyon ko.

Gusto ko pa ring balikan at dugtungan iyong huling kolum ko noong Huwebes tungkol sa aking experience sa England. Matapos ang aming promotional tour sa teritoryo ni Ricky Hatton, lalo akong nakumbinsi na mas matindi na ngayon ang pagkakaisa ng lahat ng Pilipino at lalong lumalabas ang pagiging makabayan nating lahat. Uuulitin ko pa ang taos-puso kong pagpapasalamat sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga dumalo sa aming media tour.

Talaga naman hindi ko inaasahan ang pagdagsa at pagdating ng mga kababayan ko sa England. Maging sa Manchester o London man, dinumog ng mga tao ang press tour na nagsisilbing imbitasyon para sa laban namin ni Hatton sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada sa May 2.

Noong una, noong nagsisimula pa lang akong maging isang boksingero, hindi ko lubos maisip na ganito ang magiging epekto ng aking tagumpay sa ibabaw ng ring. Noong nagsisimula pa lang ako, ang tanging nasa isip ko ay ang manalo nang manalo upang maitawid ko sa kahirapan ang aking pamilya at upang maitaguyod ko ang lahat ng aking mga kamag-anak.

Opo, talaga namang kakaiba na ang aking pananaw sa pag-eensayo at paghahanda sa sarili sa lahat ng aking mga laban dahil hindi lamang buhay ko ang nakataya na rito kundi ang hinaing, pag-asa at mga dasal ng isang bansa na matagal nang nagkawatak-watak dahil sa maraming paniniwala, mga magkakaibang politikal na pananaw, at mga magkakaaway na idolohiya. Kung minsan nga, kahit iyong magkakaibang relihiyon ang pinagmumulan ng away.

Ngunit dahil sa nagsimula akong manalo at maging tanyag sa buong mundo, nakita naman natin ang pagtigil ng putukan, ang pagbaba ng krimen, at sa kabilang dako ay nagsisimula ang panibagong pagmamahalan at pagkakaisa ng mga Pilipino, saan mang dako ng mundo.

Sa pagbisita ko sa United Kingdom, noon ko lang nakita ang tindi ng suporta ng mga indibidwal at mga grupo ng Pilipino sa ibang bansa. Kaya naman po, lalo kong pinagbubuti ang training at pagpaparusa sa sarili upang maging mas madali para sa atin ang tagumpay.

Hindi naman po ako si Superman at sa unang linggo ng ensayo sa Wild Card gym ni coach Freddie Roach, medyo sumakit ng kaunti ang aking mga kasu-kasuan at katawan, bunga na rin ng pagkabigla sa training. Pero alam ko naman na pansamantala lang itong kirot na nararamdaman ng katawan. Maganda ang simula ng training dahil nagkakaisa ang team sa pagkamit ng mas malaking karangalan. Gutom pa rin ako sa paghahangad ng mas malaking premyo ng boksing dahil na rin sa inyong lahat. Kung wala kayo, wala si Manny Pacquiao.

Walang paparis sa sakit ng katawan, pagod at dugo na aking ibubuwis upang maipanalo lang natin itong mga susunod pang laban. Sana, ipagpatuloy pa rin natin ang pagsuporta sa bayan at sa pagtulong sa isa’t-isa. Thank you very much.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • MICHAEL DUTCHOVER vs. THOMAS MATTICE FINAL WEIGHTS AND QUOTES
    By , 20 Sep 2019
  • JOSEPH DIAZ JR. VS. JESUS CUADRO UNDERCARD PRESS CONFERENCE QUOTES
    By , 20 Sep 2019
  • Split-T Management's Fred Wilson Jr. and Ernesto Garza III in Action on Friday night
    By , 20 Sep 2019
  • WEIGHTS FROM BENSALEM, PA
    By , 20 Sep 2019
  • Two-Time World Title Challenger Petr Petrov back in Action On Friday Night in Ontario, California
    By , 20 Sep 2019
  • FM Mariano to banner Anvaya Cove executive chess (Sept. 28)
    By Marlon Bernardino, 20 Sep 2019
  • ERROL SPENCE JR AND SHAWN PORTER CONFERENCE CALL
    By , 20 Sep 2019
  • Undefeated Cataraja to fight Omayao Sept. 23
    By Lito delos Reyes, 20 Sep 2019
  • Boxing’s Newest Top Contender, Heavyweight Otto Wallin, Returns Home to Hero’s Welcome in Sweden After Courageous Battle with Lineal Champ Tyson Fury Last Saturday
    By , 20 Sep 2019
  • UNDEFEATED MARTIN RETURNS AGAINST ALOLOD FRIDAY FOR PBF CROWN
    By Dennis Principe, 19 Sep 2019
  • CANELO ALVAREZ VS. SERGEY KOVALEV LOS ANGELES PRESS CONFERENCE QUOTES
    By , 19 Sep 2019
  • SHAWN PORTER, ANTHONY DIRRELL & ROBERT GUERRERO LAS VEGAS MEDIA WORKOUT QUOTES
    By , 19 Sep 2019
  • MICHAEL DUTCHOVER AND RUBEN VILLA TRAINING CAMP NOTES
    By , 19 Sep 2019
  • RYAN GARCIA AND GOLDEN BOY SOLIDIFY THEIR PACT AS THE YOUNG STAR HAS EXTENDED HIS MULTI-YEAR AGREEMENT
    By , 19 Sep 2019
  • ACTION PACKED SPENCE-PORTER UNDERCARD ATTRACTIONS
    By , 19 Sep 2019
  • Ring 8 honors New York Junior Olympic Boxing Team
    By , 19 Sep 2019
  • Q&A WITH FAST-RISING UNDEFEATED WELTERWEIGHT PROSPECT BRANDUN LEE
    By , 18 Sep 2019
  • PACQUIAO'S RECORD DEBUNKS MYTH
    By Teodoro Medina Reynoso, 18 Sep 2019
  • Pacquiao-Lomachenko Compared: A Bee to a Mosquito
    By Teodoro Medina Reynoso, 18 Sep 2019
  • TAYLOR VS. LINARDATOU PRESS CONFERENCE QUOTES
    By , 18 Sep 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.