Philippines, 15 Jan 2025
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Katarungan para kay Beltran

PhilBoxing.com
Fri, 13 Sep 2013



MANILA ? Una sa lahat, binabati ko ang Bandera at ang mga ka-tropa nito sa ika-23 kaarawan ng ating paboritong dyaryo.
Binabati ko rin ang lahat ng mga fans ng boxing at sa mga sumusubaybay sa kolum na ito.

Saan man kayo naroroon, nawa ay pagpalain sana kayo ng Poong Maykapal at biyayaan kayo ng magandang kalusugan ng isip at katawan. Maayong adlaw sa inyong tanan labi na sa akong mga higala sa Visayas ug Mindanao.

Kung ako po ang inyong kukumustahin ay nasa mabuti namang kalagayan po ang inyong abang lingkod. Patuloy pa rin tayo sa paghahanda para sa nalalapit na laban kontra sa Mexican-American na si Brandon Rios sa Nobyembre 24 sa Macau, China.

Puspusan at seryoso ang paghahanda natin para sa laban na ito gaya na rin ng lahat ng nakalipas kong mga laban. Lubos na mapanganib ang bawat segundo at araw ng isang boksingerong gaya ko at hindi biro ang pag-aalay namin ng aming sarili upang makapagbigay ng isang kapana-panabik na laban para sa mga fans at karangalan para sa bayan.

Itinataya ng bawat boksingero ang kanyang buhay sa lahat ng pagkakataon at sa bawat laban, sakit, pagod at dugo ang aming puhunan.

Kaya naman, mula noon hanggang ngayon, maraming mga tagahanga ng sport na boxing na tumatangkilik sa lahat ng mga laban ng bawat boxer sa buong mundo.

However, bad officiating has sometimes tainted this sport and I, myself, was not spared from experiencing bum decisions. Halos lahat ng nakapanood sa aking laban kay Tim Bradley noong isang taon ay halos hindi makapaniwala sa naging resulta.

Minsan, may mga laban na mahirap gawaran ng score. Minsan naman, may mga rounds na madaling iskuran. Marami pang mga palpak na desisyon ang aking napanood at hindi na ako magtataka pa.

Kung kayang magkaroon ng dayaan sa high-profile na laban, hindi imposible at magiging mas talamak pa ang ilang mga laban sa maliliit na sulok ng mundo.

Nitong Sabado lamang, ang aking kaibigan at sparring partner na si Raymundo ?Ray? Beltran ay lumaban para sa titulo kontra sa kampeon na si Ricky Burns at sa kasamaang-palad, hanggang tabla lang ang resulta ni Beltran kahit na nabugbog ang kampeon at bumagsak pa ito sa ikawalong round sa harap ng kanyang mga kababayan sa Scotland.

Split draw ang hatol at halos lahat ng tao na nakapanood at nakasaksi ay hindi sumasang- ayon sa resulta. Sa isang tingin lang, alam ko na kaagad na may dayaan na naganap dahil sa isang knockdown na naganap, nagkaroon pa rin ng 114-114 na score. Sa isang 10-point-must scoring round, hindi maaaring magkaroon ng 114-114 score kung may isang knockdown.

Dahil wala ako sa labang ito at hindi ko napanood mismo ang laban at dahil na rin sa walang bisa ang aking opinyon kahit man napanood ko ang laban, mayroon pa rin akong responsibilidad para sa mga fans ng sport na ito na lubos ang aking pagmamahal at respeto.

Dahil na rin sa kagustuhan kong lalong umunlad at sumikat ang sport na ito at mawala na ang mga hindi kanais-nais na mga karakter na nakapalibot sa sport, iminumungkahi kong lalong pag-igihin at itaas ang antas ng officiating.

Darating ang araw na pag-uukulan ko ng pagsusuri ang mga bagay na ito at mapabuti at ma-improve ang judging at mabigyan ng leksiyon ang mga taong mababahiran ng hindi magandang record.

Nararapat lamang na sumailalim ang lahat ng mga hurado sa isang seminar, kasama na rin ang pagbibigay eksamen sa mga mata ng judges, lalung-lalo na iyong medyo nagkaka-edad na.

Kasama dapat ang lahat ng boxing officials dito, upang maiwasan ang ganitong pangyayari. I would also encourage the referees, most especially, to undergo training or else we are going to lose boxing fans.

Naibalita sa akin na iyong referee raw sa laban ni Beltran ay nagpabaya na lang at hindi nagbawas ng puntos matapos magbigay ng maraming warning.

Every boxing official should understand that both fighters train hard for the fight and the referees should at least give justice to our sacrifices. Kung patuloy itong pangyayari na ito, maaaring mawala ang trust ng fans for boxing and that?s very sad for the sport.

Kaya nagkaroon ng Muhammad Ali, Mike Tyson at Sugar Ray Leonard ang sport ng boxing ay dahil na rin sa mga fans. Sana naman, ang lahat ng mga world boxing bodies ay lalong pag-igihin ang pagsasanay ng kanilang mga opisyal.

Ang integridad ng sport na ito ang siyang bubuhay sa fan base na unti-unting nawawala dahil na rin sa katiwalian ng iilan.
Because of my strong faith in God, who is a just God, therefore, we, ourselves, should fight for justice not just for boxers, but for every person on earth.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. May Almighty God Bless Us All.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2025 philboxing.com.