Philippines, 16 Sep 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Oras Para sa Pamilya at Sarili

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
22 Dec 2008




GENERAL SANTOS CITY—Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa akin sa aking birthday nitong nakaraang araw at maraming salamat din sa lahat ng mga dumalo at nakisaya sa aking kaarawan. Siyempre, gusto ko ring pasalamatan ang lahat ng mga taong kumilos at nagbigay ng kanilang malaking pagtulong upang maging matagumpay ang pagdiriwang.

Mula sa mga ginawang motorcade sa Kamaynilaan at mga karatig na pook at sa General Santos City hanggang sa party sa Oval Plaza dito sa amin, maraming salamat po sa mga nakiisa sa akin. Pati na rin po iyong aking mga panauhin sa KCC Convention Center sa pangunguna ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo, at sa lahat ng mga pangalang hindi ko na mababanggit, thank you very much. Hindi ko man nakasama ang aking pinakamamahal na asawa na si Jinkee dahil sa kanyang pagbubuntis, lubos na ang aking kasiyahan dahil binati naman niya ako at kasama ko rin ang aming mga anak sa sina Jemuel, Michael at Princess. Lubos po akong nagagalak sa inyong mga pagbati, pagsuporta at mga panalangin.

Matapos ko pong maidaos ang birthday celebration at parade, pati na rin ang reunion ng mga Pacquiao na aming angkan sa Bukidnon, ako po ay tutungo kasama ang aking mga anak upang samahan si Jinkee at hintayin ang kaniyang panganganak sa huling linggo ng Disyembre o unang linggo ng Enero. Doon na kami magdaraos ng Christmas at New Year.

Sa mga panahong ito, importante sa akin na mabigyan ko naman ng malaking oras ang aking mga anak at asawa na kasinlaki rin aking mga sakripisyo ang kanilang mga sakripisyo. Mahirap na palaging wala ako sa tabi ng aking mga anak dahil kinakailangan kong magsanay at maghanda para sa laban. Nangangahulugan na iiwan ko rin sila palagi ng halos kalahati ng taon.

Para sa akin, ang Christmas break ay panahon para sa mga bata at panahon upang madanas nila ang aking pagmamahal. Alam kong mabilis ang paglipas ng panahon at marami rin akong panahong dapat gugulin para sa kanila. Sana, maintindihan nila na ginagawa ko ito para sa kanilang magandang kinabukasan upang hindi nila madanas ang hirap na aking pinagdaanan upang maabot ko ang mga bagay na aking nakamit na sa buhay.

Minsan, kapag bago ako matulog, naiisip ko ang lahat ng aking pinagdaanan, iyong mga panahon noong ako ay bata pa, noong kami ay halos hindi na napapansin ng lipunan, dahil sa kami ay mga mahihirap na tao lamang. Noon, simple lang din ang buhay ngunit siyempre, kailangan mo pa ring gumising ng maaga upang maghanap ulit ng makakain at pangtustos sa pang-araw-araw na mga pangangailangan. Maraming, maraming salamat talaga sa Panginoong Diyos, para sa mga biyayang kaniyang naibigay sa akin na sobra-sobra na.

Kaya naman po, sa mga araw na gaya nito, mahalaga para sa akin na hindi makalimot kung saan ako nanggaling at mabigyan pagpapahalaga ang mga taong nangangailangan. Hindi ko man kayang maibibigay lahat ng pangangailangan ng lahat ng humihingi ng tulong, gagawin ko pa rin ang aking makakaya upang makatulong kahit na sa aking maliit na pamamaraan.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • MAGALI FAILS TO WIN WBA OCEANIA FEATHERWEIGHT TITLE
    By Lito delos Reyes, 15 Sep 2019
  • Tyson Fury on Fire With Decision Over Otto Wallin
    By , 15 Sep 2019
  • JAIME MUNGUIA DEFENDS WBO JUNIOR MIDDLEWEIGHT WORLD TITLE FOR A FIFTH TIME BY STOPPING PATRICK ALLOTEY
    By , 15 Sep 2019
  • NAVARRETE STOPS ELORDE IN THE 4TH ROUND
    By Dong Secuya, 15 Sep 2019
  • WEIGHTS FROM BETHLEHEM, PA
    By , 14 Sep 2019
  • Weigh-In Results: Fury vs. Wallin
    By , 14 Sep 2019
  • Artur Beterbiev-Oleksandr Gvozdyk, Shakur Stevenson-Joet Gonzalez, Miguel Berchelt-Jason Sosa and Jamel Herring-Lamont Roach Jr. Highlight Top Rank’s Fall Schedule
    By , 14 Sep 2019
  • World Championships first international tournament for America's No. 1 ranked Light Welterweight Ravven Brown
    By , 14 Sep 2019
  • US OPEN 9-BALL CHAMPIONSHIP: TICKETS ON SALE SEPT 25
    By , 14 Sep 2019
  • Chance of a lifetime for Elorde
    By Joaquin Henson, 14 Sep 2019
  • CANELO ALVAREZ TO CHALLENGE SERGEY 'KRUSHER' KOVALEV FOR THE WBO LIGHT HEAVYWEIGHT WORLD TITLE
    By , 14 Sep 2019
  • JAIME MUNGUIA VS. PATRICK ALLOTEY FINAL PRESS CONFERENCE QUOTES
    By , 13 Sep 2019
  • Presser Quotes: Naverrete Returns to Defend Title Versus Elorde
    By , 13 Sep 2019
  • Either Garcia in line for Manny
    By Joaquin Henson, 13 Sep 2019
  • SATURDAY: Sunny Edwards—Hugo Rosendo Guarneros Flyweight Battle Kicks Off Full Day of Boxing on ESPN
    By , 13 Sep 2019
  • David Benavidez & Mario Barrios, Plus Josesito Lopez, John Molina Jr. & Robert Guerrero Share Mexican Independence Day Memories
    By , 13 Sep 2019
  • Mickey Bey sets the record on his team and future plans
    By , 12 Sep 2019
  • JAIME MUNGUIA VS. PATRICK ALLOTEY LOS ANGELES MEDIA WORKOUT QUOTES,
    By , 12 Sep 2019
  • Taduran dedicates title win to late sister
    By Joaquin Henson, 12 Sep 2019
  • Breeanna Locquiao changing the way people view Hawaiian boxers as she heads to the World Championships
    By , 12 Sep 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.