Philippines, 22 Oct 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

DUMATING NA ANG ORAS!

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
16 Mar 2008



LAS VEGAS -- Dumating na po ang oras na ating pinakahihintay at pinaghahandaan. Ako po ay nasa pinakamabuting kundisyon at sana, kayo rin.

Halos apat na taon ang ginugol upang muli kaming makapagharap ni Juan Manuel Marquez para paglabanan ang isa sa mga pinakamalaking korona at titulo sa super-featherweight division nitong nagdaang dekada. Sa Marso 15 (Marso 16 sa Pilipinas), wawakasan na namin ni Marquez ang isang yugto ng aming career sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas.

Handa na po ako upang sumabak sa taas ng ring, dala ang lahat ng inyong mga pangarap at mga adhikain. Handa na po ako upang asamin, kopohin at ialay sa inyong lahat ang World Boxing Council super-featherweight belt at ang Ring Magazine "People's Champion" title. Handa na ang aking katawan bunga ng mahigit na dalawang buwang paghahanda. Matalas ang aking pandama at malinaw ang aking pag-iisip. Mataimtim at matibay ang aking pananalig sa Diyos kaya masasabi kong wala na akong pangangamba sa laban na ito.

Para sa inyo ang laban na ito. Para sa inyong mga kababayan ko, para sa inyong mga minamahal ko, para sa bansa ko itong pagbubuwis ko ng pagod, pawis at dugo. Ang nasa isip ko ngayon ay ang pagpapanalo sa laban kontra sa Mexicano na tumabla sa akin noong huli kaming nagkaharap.

May mga bagay-bagay na ginawa kami upang hindi na maulit ang mga maliliit na pagkakamali noong nakabangon pa si Marquez sa unang round kung saan siya ay bumagsak ng tatlong beses.

Malaki na ang pagbabago ng aking buhay mula noong 2004. Malaki na rin ang asenso ng aking style mula nang ako ay magsimulang magboksing. Sa tingin ko, nag-mature na ako bilang isang boxer at fighter at mas maayos na ang aking depensa pati na rin ang pagdagdag ng iba pang mga estilo sa aking mga suntok, lalung-lalo na sa aking kanang kamay. Sa tingin ko, hindi na sikreto na sa pagdagdag ng lakas at bisa sa aking kanang kamay, mas naging mahirap para sa aking mga kalaban ang paghandaan ang aking kaliwang straight punch na isa sa mga pinakamabisa at malakas kong suntok.

Habang sinusulat ko itong column kong ito, ako po ay unti-unting lumilikom ng lakas dahil galing ako sa pagre-reduce ng timbang. Dumating na rin ang aking kaibigan na pari mula pa sa New York na si Fr. Marlon upang magmisa sa umaga bago ako sumabak sa taas ng ring, isang magandang paghahanda namin sa spiritual na aspeto ng aking pagkatao na naging tradisyon ko na bago lumaban.

Sana po ay ipagdasal natin ang isa't-isa para lahat tayo ay makarating ng sabay-sabay sa ating minimithing paroroonan.
Mahirap po ang laban na ito kontra kay Marquez pero walang imposible kung sama-sama tayong kumikilos patungo sa iisang direksyon. Kung iisa ang ating goal sa buhay at walang kumukontra at sumasalungat sa iisang agos, mas madali nating makakamit ang tagumpay. Mas magaan ang pagpapanalo kung lahat tayo ay maniniwala na kaya ng Pilipino na umangat mula sa kahirapan.

Kaya naman po, sana ipagdasal ninyo na ako ay magwagi sa laban na ito at wala sa aming dalawa ang mapipinsala o masasaktan ng malubha.

Hanggang sa muling Kumbinasyon! God bless us all.

Top photo: WBC World Super Featherweight Champion Juan Manuel Marquez (left) and challenger Manny Pacquiao (right) pose following the weigh-in for their world title fight on Saturday, March 15, 2008 at Mandalay Bay Resort & Casino in Las Vegas, Nevada in a bout which will be televised by HBO Pay-Per-View. HoganPhotos.com / Golden Boy Promotions.

---------

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • SHANE MCGUIGAN: “I REALLY WANT TAYLOR TO GET HIS HANDS ON THAT MASSIVE TROPHY”
    By , 21 Oct 2019
  • OKOLIE: I’LL STOP NGABU
    By , 21 Oct 2019
  • BRAWL AT THE MALL 13 COMPLETE RESULTS
    By , 21 Oct 2019
  • Pacquiao Rolls Out Red Carpet to FIFA President Infantino
    By , 21 Oct 2019
  • Sergey Morozov retains M-1 Challenge bantamweight title
    By , 21 Oct 2019
  • PETALCORIN WINS IN GENSAN
    By Dong Secuya, 21 Oct 2019
  • Cody "The Crippler" Crowley improves to 18-0
    By , 21 Oct 2019
  • NBA -- New season brings new hope for Pacers
    By Jon Moskowich, 21 Oct 2019
  • Referee's Focus Should Also be Fighters Safety
    By Teodoro Medina Reynoso, 20 Oct 2019
  • OSCAR DUARTE DEFENDS REGIONAL TITLE AGAINST HUMBERTO DE SANTIAGO IN MAIN EVENT OF GOLDEN BOY FIGHT NIGHT
    By , 20 Oct 2019
  • Gov. Claude P. Bautista Inv’tl Boxing Oct. 27 in Malita
    By Lito delos Reyes, 20 Oct 2019
  • Charly targets SEAG gold
    By Joaquin Henson, 20 Oct 2019
  • ERICKSON LUBIN TRAINING CAMP QUOTES
    By , 20 Oct 2019
  • 'BRAWL AT THE MALL 13' WEIGH IN RESULTS
    By , 20 Oct 2019
  • KALLE SAUERLAND: “PROGRAIS-TAYLOR IS THE CAVIAR OF BOXING”
    By , 19 Oct 2019
  • NBA: Pelicans pull off a 117-116 squeaker over the Knicks
    By Oliver Iglesias, 19 Oct 2019
  • ANCAJAS HITS L.A.
    By Dong Secuya, 19 Oct 2019
  • King Artur: Beterbiev KOs Gvozdyk
    By , 19 Oct 2019
  • After Pacquiao, it's Nonito's Turn
    By Teodoro Medina Reynoso, 19 Oct 2019
  • NBA: The San Antonio Spurs Specialty - Flying Under the Radar
    By Reylan Loberternos, 19 Oct 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.