Philippines, 22 Oct 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

I Love San Francisco

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
28 Feb 2008



LOS ANGELES —- A pleasant day to all of you, I hope everyone is doing well. Ako po, okay lang, masaya at malusog ang pangangatawan at pag-iisip at excited na sumabak sa laban sa March 15 sa Las Vegas.

Kababalik lang po namin mula sa aking media day sa San Francisco noong Miyerkules at masaya po ako na bumalik dito sa lugar na kung saan una ako tumapak sa America.

Sobrang daming tao ang sumalubong sa akin, kasama na dito ang mga kinatawan ng media, mga fans at mga kaibigan. Hindi ko lubos maisip na halos pitong taon na pala ang nakararaan mula nung una akong dumating dito sa America. Naaalala ko, batang-bata pa ako noon at puno ng pangarap. Halos wala pang nakakakilala sa akin dito sa America dahil lahat ng laban ko ay ginanap sa Pilipinas at Asia. Ito po ang masasabi ko: I love San Francisco.

Masarap magbalik-tanaw sa pinanggalingan. Sabi nga nila, ang taong hindi marunong tumanaw kung saan ka nanggaling ay hindi makakarating sa dapat na paroroonan. Naniniwala po ako sa kasabihan na iyan kaya naman po hindi pa rin ako nagbabago sa aking pakikitungo sa mga tao kahit na marami kung minsan ang nanloloko sa akin at umaabuso sa kabaitan ko.

Noong May 2001, pumunta kami ng dati kong manager na si Rod Nazario dito sa America upang harapin ang kapalaran na darating pa lamang sa aking buhay. Sa San Francisco lumapag ang eroplano namin galing ng Pilipinas at tumira kami pansamantala sa bahay ni Kuya Boying, anak ni Rod.

Sa mga tabing daan ako tumatakbo sa umaga. Ako lang mag-isa noon, wala pa akong mga kasama sa jogging na tutulong o gagabay sa akin. Wala pa akong fan base na matatawag dahil hindi pa ako napapanood sa American TV kahit na minsan. At nangyari po ang dapat mangyari. Nagkita kami ni coach Freddie Roach nang pumunta kami sa Los Angeles habang naghahanap kami ng isang magaling na trainer. Kasabay nito ang isa sa pinakamalaking break ng aking career: Bigla pong naisingit ako sa undercard ng laban ni Oscar De La Hoya vs Javier Castillejo, sa isang pay-per-view event.

Sa loob lamang ng dalawang linggo, tinanggap namin na labanan ang kinakatakutan at iniiwasang kampeon ng IBF super-bantamweight division na si Lehlohonolo Ledwaba ng South Africa. Kasama ko pong naghanda sa laban si “Tatay” Ben Delgado at si coach Freddie at ang cutman na si Ruben Gomez at marami ang nagsabi na hindi ako makakalusot sa Aprikano dahil ayaw siyang labanan noong panahon na iyon ng maraming kampeon. Actually, I was a last-minute substitute because Ledwaba’s supposed opponent backed off. Kung iisipin nga naman ang kapalaran ng tao, malayo na po ang aking narating mula nang talunin ko si Ledwaba noong June 23, 2001 sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas.

Sa laban namin ni Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, nandoon pa rin ang batang walang-takot na kumakasa kahit kanino. Lalaban pa rin ang batang nanggaling sa flyweight (112 pounds) division, na ngayon ay sumasabak na sa timbang na 130 pounds.
May tinuturing na respetableng journalist sa Manila na nagsasabi na may problema daw ako sa pagkuha ng timbang na 130 pounds. Sinasabi pa niya na ako raw ay tumitimbang ng 138.5 pounds noong Sunday, ayon sa kaniyang source na di umano’y galing sa loob ng aking apartment.

Isa lang po ang masasabi ko sa manunulat na iyan. Dapat lang na huwag siyang paniwalaan dahil walang basehan ang kanyang sinusulat. Matagal na po ako sa larangan ng boksing at walang taong mas nakakakilala sa aking pagkatao kundi ako rin. Wala po kayong dapat ikabahala sa aking timbang. Everything is under control, no problem! I will easily make the 130-pound limit. Masasabi kong sinungaling ang writer na iyan dahil hindi naman ako nagtimbang noong Sunday.

Hay naku, ang mga tao nga naman.

Sana po ay magkaisa tayo at magsama-sama sa pagdasal sa tagumpay ng bawat isa. Sana po, iwasan na natin ang crab mentality para sabay-sabay ang pag-unlad natin bilang isang bansa, isang lahi, isang diwa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon! GOD BLESS.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • SHANE MCGUIGAN: “I REALLY WANT TAYLOR TO GET HIS HANDS ON THAT MASSIVE TROPHY”
    By , 21 Oct 2019
  • OKOLIE: I’LL STOP NGABU
    By , 21 Oct 2019
  • BRAWL AT THE MALL 13 COMPLETE RESULTS
    By , 21 Oct 2019
  • Pacquiao Rolls Out Red Carpet to FIFA President Infantino
    By , 21 Oct 2019
  • Sergey Morozov retains M-1 Challenge bantamweight title
    By , 21 Oct 2019
  • PETALCORIN WINS IN GENSAN
    By Dong Secuya, 21 Oct 2019
  • Cody "The Crippler" Crowley improves to 18-0
    By , 21 Oct 2019
  • NBA -- New season brings new hope for Pacers
    By Jon Moskowich, 21 Oct 2019
  • Referee's Focus Should Also be Fighters Safety
    By Teodoro Medina Reynoso, 20 Oct 2019
  • OSCAR DUARTE DEFENDS REGIONAL TITLE AGAINST HUMBERTO DE SANTIAGO IN MAIN EVENT OF GOLDEN BOY FIGHT NIGHT
    By , 20 Oct 2019
  • Gov. Claude P. Bautista Inv’tl Boxing Oct. 27 in Malita
    By Lito delos Reyes, 20 Oct 2019
  • Charly targets SEAG gold
    By Joaquin Henson, 20 Oct 2019
  • ERICKSON LUBIN TRAINING CAMP QUOTES
    By , 20 Oct 2019
  • 'BRAWL AT THE MALL 13' WEIGH IN RESULTS
    By , 20 Oct 2019
  • KALLE SAUERLAND: “PROGRAIS-TAYLOR IS THE CAVIAR OF BOXING”
    By , 19 Oct 2019
  • NBA: Pelicans pull off a 117-116 squeaker over the Knicks
    By Oliver Iglesias, 19 Oct 2019
  • ANCAJAS HITS L.A.
    By Dong Secuya, 19 Oct 2019
  • King Artur: Beterbiev KOs Gvozdyk
    By , 19 Oct 2019
  • After Pacquiao, it's Nonito's Turn
    By Teodoro Medina Reynoso, 19 Oct 2019
  • NBA: The San Antonio Spurs Specialty - Flying Under the Radar
    By Reylan Loberternos, 19 Oct 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.