Philippines, 27 Apr 2017
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao


 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        


 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Ang kahalagahan ng kabutihang loob sa kapwa…

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
07 Dec 2014



NAGING usap-usapan at kontrobersiyal ang desisyon naming mag-asawa na ibenta ang tahanang aming naipundar sa Forbes Park sa Lunsod ng Makati.

Maganda, magara at tahimik ang naturang subdivision at sadyang kaaya-aya ang manirahan sa ganitong uri ng pamayanan.

Subalit may mga panuntunang dapat sundin ang mga nakatira rito. Gaya, halimbawa, tungkol sa mkga tatanggaping bisita na kailangan ay maayos ang pananamit.

At dahil galing po tayo sa pamilyang mahirap, malapit po ang ating puso sa mga taong mahihirap. Ang mga taong pumupunta sa aking pamamahay ay malimit karaniwan kasuotan.

Kahit po mahirap mapantayan ang tagumpay na naabot ko sa larangan ng boksing at kahit maging kasing-yaman ako ni Haring Solomon, hinding-hindi magbabago ang aking pakikitungo lalo na sa mga kababayan kong mahihirap.

Ang isang magandang ugaling namana ko sa aking mahal na ina ay ang pagiging mapagpakumbaba.

Mula pagkabata hanggang sa aking pagtanda, hindi po nakaligtaan ng aking ina na ipaalala sa tuwina ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at kabutihang loob sa kapwa.

“Anuman ang marating mo sa buhay, iwasan mong maging palalo. Alalahanin mong isinilang tayo sa mundong ito na hubo’t-hubad. Ito’y sinadya ng Panginoon upang ipaalala sa ating lahat na nagsimula tayo sa wala,” ito ang ginintuang pangaral ng aking ina.

Gaya ng nasabi ko na sa maraming media interview, humihingi po ako ng taos pusong paumanhin kung nakaistorbo ako sa aking mga kapitbahay sa Forbes Park.

Hindi ko po sinasadya. Bilang isang kristiyano, hindi ako puwedeng mamili ng aking bisita. Bukas po ang aking tahanan kahit kanino man.

May babala po sa atin ang Aklat ng Buhay. Ayon sa nakasulat sa Proverbs 22:22-23 “Do not rob the poor because he is poor, or CRUSH THE AFFLICTED AT THE GATE; for the LORD will plead their case and take the life of those who rob them.”

Sa Zechariah 7:10, pinaalalahan din po tayo, “…and do not oppress the widow or the orphan, the stranger or the poor; and do not devise evil in your hearts against one another.”

Ito po ang gabay ko sa pakikitungo sa aking kapwa lalo na sa mga mahihirap.

Batid ko po ang sakit at hirap ng isang taong lubhang nangangailangan, gutom o may sakit. Naranasan ko po ito at may isang pamilyang ginamit ng Diyos upang akoy kupkupin at iligtas sa kamatayan nang ako ay dapuan ng issang may kalubhaang karamdaman noong ako'y bago pa lamang dito sa Kamaynilaan.

Pagkatapos mangyari sa akin yun, ipinangako ko sa aking sarili na kung bibigyan ako ng Panginoong Diyos ng pagkakataong makatulong sa kapwa, gagawin ko ang kabutihang ipinalasap sa akin ng Pamilya Florentino mula sa Malabon. Sila ang mabuting pamilyang tumulong sa akin.

Dinala nila ako sa ospital, at inalagaan nang ako'y lumabas upang magpagaling, pinakain at regular na pinainom ng gamot hanggang sa tuluyang mawala ang karamdaman ko.

Kaya po, balak naming mag-asawa na bumili ng bahay sa isang lugar na walang panuntunang mahigpit na ipinaiiral sa pagtanggap ng taong dumadalaw anuman ang antas ng kanilang katayuan sa buhay.

Iginagalang ko po ang panuntunang pinaiiral sa Forbes Park. Sa aking mga kapitbahay na nauunawaan ang aking kalagayan, maraming salamat po. Pagpalain nawa kayong lahat ng Poong Maykapal.

Wala po akong sama ng loob o hinanakit kaninuman sa aming pag-alis sa naturang lugar. Malawak po ang ating pang-unawa at mapagpatawad po tayo sa kapwa dahil sa natutunan natin mula sa Aklat ng Buhay.

Ang Bibliya po ang nagmulat sa akin na ang dalawang pinakamahalagang bagay sa mundo ay ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Hanggang sa muli. God bless us all.


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • The Past Week in Action 26 April 2017 -- Part II
    By Eric Armit, 27 Apr 2017
  • The Past Week in Action 26 April 2017 -- Part I
    By Eric Armit, 27 Apr 2017
  • RINGWALKS FOR JOSHUA vs. KLITSCHKO HEAVYWEIGHT BLOCKBUSTER EVENT SET FOR APPROXIMATELY 4:35 p.m. ET/1:35 p.m. PT; FIRST BELL SET FOR 5 p.m. ET/2 p.m. PT
    By , 27 Apr 2017
  • SAC DECRIES DISCRIMINATION OF PROMDI PRESS IN PALARONG PAMBANSA
    By , 27 Apr 2017
  • IBF HEAVYWEIGHT WORLD CHAMPION ANTHONY JOSHUA MEDIA CONFERENCE CALL TRANSCRIPT
    By , 27 Apr 2017
  • Senator Pacquiao vows to push for passage of Death Penalty Bill
    By Aquiles Z. Zonio, 27 Apr 2017
  • MANUEL "TINO" AVILA MEDIA DAY QUOTES
    By , 27 Apr 2017
  • NBA PLAYOFFS -- Without Blake Griffin Clippers face uphill climb
    By Sean Yu, 27 Apr 2017
  • LABOR DAY CHESSFEST IN SAN MATEO MAY 1
    By Marlon Bernardino, 27 Apr 2017
  • NBA PLAYOFFS -- Gordon's return sparks Jazz to Game 5 win over Clips
    By Homer D. Sayson, 26 Apr 2017
  • NBA PLAYOFFS -- Spurs take 3-2 lead over Grizz, Rockets advance
    By Homer D. Sayson, 26 Apr 2017
  • NANTAPECH BANKS ON HIS YOUTH TO PULL AN UPSET OVER NIETES
    By Dong Secuya, 26 Apr 2017
  • JACK ASIS MEETS HIS IDOL MANNY PACQUIAO
    By , 26 Apr 2017
  • LUCAS "LA MAQUINA" MATTHYSSE AND MAY 6 CANELO VS. CHAVEZ, JR. UNDERCARD FIGHTERS WORKOUT QUOTES
    By , 26 Apr 2017
  • WBC HEAVYWEIGHT WORLD CHAMPION DEONTAY WILDER MEDIA CONFERENCE CALL HIGHLIGHTS IN ADVANCE OF ANTHONY JOSHUA vs. WLADIMIR KLITSCHKO
    By , 26 Apr 2017
  • FITE TV streaming Kubrat Pulev vs. Kevin Johnson this Friday on PPV live from Bulgaria
    By , 26 Apr 2017
  • Adrien Broner Shooting 911 Calls -- Counting Bullets Is Hard (AUDIO)
    By , 26 Apr 2017
  • PACQUIAO RECEIVES WARM WELCOME IN BRISBANE
    By Eddie Alinea of Spin.ph, 26 Apr 2017
  • Smith stops Gabejan in 7
    By , 26 Apr 2017
  • NBA PLAYOFFS -- Raptors handle Bucks in Game 5, take 3-2 lead
    By Maria Macatangay, 25 Apr 2017





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2017 philboxing.com.