|
|
|
Irespeto Natin Ang Iba By Manny Pacquiao PhilBoxing.com Sun, 04 Nov 2007 Nabasa ko ang sinabi ni Joel Casamayor na ako daw ay ?class B? na boxer lang, na kung maglaban kami ay hindi ako makapagbigay ng magandang laban sa kanya. Ang masabi ko lang, nirespeto ko ang sinabi niya. Pero sana irespeto din niya ang ibang boksingero tulad ko. May nagsabi sakin baka daw gusto lang ni Casamayor na mag-init ang ulo ko at hamunin ko siya ng laban. Hindi naman nadaan sa ganyan ang boksing e. Una sa lahat, hindi ako nagsabi na ?class A? ako, na ako ay magaling na boksingero. Ang mga tao na nakapanood sa akin ang nagsabi nun at humahanga sila sakin. Kailanman ay hindi ko inisip na magaling ako na boxer. Basta ginagawa ko lang lahat kapag lumalaban ako, kahit matalo ako, ang mahalaga lumaban ako. At ilan beses n?yo na nakita ang laban ko, hindi ako nag-isip na i-knockout ko ang kalaban, pero ginagawa ko ang lahat ng aking makaya para manalo. Kung talagang gusto ni Casamayor na maglaban kami hindi na siya dapat nagsasalita nang hindi maganda. Kasi kung gustuhin ni Lord na maglaban kami, mangyari ?yon. Ako naman kahit sino ilaban sa akin nilalabanan ko, kasi ?yan ang trabaho ko, ang lumaban. Para kasing hindi nagugustuhan ni Casamayor na may mga humanga sa akin sa Amerika, kaya siya parang naghahamon sa akin. Hindi ba siya natuwa na ako na isang Filipino ay nakagawa ng pangalan sa Amerika? Dapat nga tulungan niya ?yong iba pang boksingero na gusto din na sumikat sa Amerika, kahit hindi sila Amerikano. Ako kahit sinasabi ng marami na sikat ako sa Amerika, hindi ko inisip ?yon, kasi lahat ng tagumpay ko inalay ko sa bansang Pilipinas. At hindi ko iwanan ang bansa ko. Si Casamayor, taga-Cuba, pero nagpunta siya sa Amerika, kasi gusto nya rin magkaroon ng malaking laban at malaking premyo, gusto nya magkaroon ng magandang buhay. Ganon din ako, sinubukan ko lumaban sa Amerika dahil nandun ang malaking opportunity sa boksing. Noong una hindi ko naman inisip na sisikat ako dun, inisip ko lang makalaban ako dun. Siguro si Lord na ang gumawa ng paraan para makilala ako dun, kaya pinagbubuti ko sa bawat laban. Saka hindi mahalaga kung ?class A o class B? ka na boxer sa Amerika. Kasi ang pinanood naman ng mga fans kung maganda ka lumaban. Siguro nakita ng mga fans na maganda ako lumaban, kaya nagustuhan nila ako. Natutuwa rin ako, dahil nakilala ako sa US, pati na ang iba pa na Pilipinong boksingero nabigyan na ng chance makapunta at makalaban sa US. Ganun dapat, tulungan natin ?yong iba. Ganun din dapat gawin ni Casamayor, tulungan nya ang kapwa niya boksingero at matuwa siya kung umasenso sila. Sa pagkaalam ko may laban si Casamayor sa November 10 laban kay Armando Sta. Cruz, ?yun dapat harapin niya at sana manalo siya. Sa mga naghanap ng boxing gym na mapag-ensayuhan na mura, punta kayo sa Romano Boxing Gym sa Valenzuela City. Hanggang sa muling ?Kumbinasyon.? Mabuhay! This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com. Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |