Philippines, 13 Sep 2025
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-14 Na Bahagi): Lilipad muli si Superman!

PhilBoxing.com



Ang magkababata at matalik na magkaibigang si Manny at si Buboy (Kuha ni Wendell Alinea).

Ang buong daigdig ng boksing ay namangha at na-sorpresa sa pahayag ni Manny Pacquiao ang kanyang pagre-retiro matapos na lupigin si Timothy Bradley sa ikatlo at huli nilang pagtutuos noong a-9 ng Abril taong 2016.

Isang taon na ang nakaraan ay tinalo siya ng mahigpit niyang kaaway na si Floyd Mayweather Jr. Mayo 2, 2015. Noong Disyembre 8, 2012, pinatulog siya ng maalamagt ding si Juan Manuel Marquez sa ika-6 na round.

Matapos ang mga ito, nanaig si Manny kay Brandon Rios sa labang ginanap sa Macau. Sinundan ito ng isa pang impresibong pangingibabaw kay Bradley sa pangalawa nilang pagkikita. At Chris Algieri.

Kung kaya nga’t ni sa guniguni ng marami ay walang nag-akalang sasagi sa isipan ng ating Pamabansang Kamao ang pagsasabit ng kanyang panlabang kasuotan sa kabila ng animo’y magaan niyang pagdispatsa sa maingay at hambog na si Bradley, na tumalo sa kanya sa isang kontrobersiyal na di nagkakaisang hatol at numakaw sa kanyang korona apat na taon na ang nakalilipas.

Ang pahayag ni Manny na mag-retiro ay nakalikha ng isa na naman ng mahabang debate tungkol sa napapanahon na nga baga ito. Marami ang nagsabi, kabilang ang kanyang kabiyak na si Jinkee, mga anak, inang si Aleng Dionesia, malalalapit na kamaganak at kaibigan na dapat na.

Marami rin ang nagpahayag ng pagtutol base, anila sa tatlong sunod na pagwawagi bago haraping muli si Bradley.

Tutoong yumukod siya kay Mayweather bago muling makipagkita kay Bradley, subalit hindi ito dapat gawing sukatan, ayon sa kanila, kung siya ba’y dapat na talagang mag-retiro. Lalo’t ang kanyang pagkatalo kay Mayeather ay nabalot din ng “misteryong” hanggang ngayon ay di pa nabibigyan ng paliwanag.

At samantalang ang sentro ng pagtatalo ay napagitna sa dapat ba o hindi na ang kaisa-isang nilalang sa daigdig na naghawak ng 12 kampeonato sa walong dibisyon ay putulin na ang kanyang noo’y ika-37 taon bilang prizefighter, para kay assistant trainer Buboy Fernandez, hindi ito ang dapat maging paksa ng debate.

Sa isang eksklusibong panayam sa reporter na ito isang araw bago lumipad ang Team Pacquiao pabalik sa Pilipinas, nagdeklarna si Buboy, ang kanyang kaibigan mula pa pagkabata na babaik si Manny sa propesyong pinakamamahal nito na nagbigay sa kanya ng di masusukat na yaman at paggalang ng buong daigdig.

“Lilipad na muli si Superman,“ deklara ni Buboy sa isang pahayag na nagsilbing pagkakanulo sa kanyang kaibigan at kapit-bahay sa Barangay Labangal, General Santos City. “Matagal ko nang kasama si Manny at kalakalaro mula pa noong malilit pa kaming bata.”

“At kung may isang taong lubos a nakakikilala sa kanya, ako na yun,” dagdag ni Buboy. “Sa kilos lang namin, nagkakaalam na kami kung ano ang gusto namin. If you will read between lines, iyon na yun.“

“Pagkatapos ng laban, di pa man kami nakakapahinga, binilinan agad kami ni Haplas na linisin lahat ng aming kagamitan at itago ang mga ito, tulad ng bilin niya tuwing matatapos ang lahat ng laban niya,” pagtatapat ni Buboy tukoy ang nakababata niyang kapatid na si Roger Fernandez, ang tagapag-ingat ng lahat ng gamit ni Pacquiao sa boksing.

“Iisa lamang ang ibig sabihin noon, may mga susunod pang laban si Boss,” ani Buboy. “Mahal na mahal ni Manny ang lahat ng gamit namin na kailangang pamalagiing malinis at walang sira upang magamit agad sa paghahanda para sa susunod niyang laban.”

Nilinaw ng ngayon ay Bise Alkalde ng bayan ng Polangui sa Albay na hindi nagsisinungaling si ngayon ay senador nang si Pacquiao nang ipahayag niya ang kanya pagre-retiro.

“Sa tutoo lang, pagod si Manny sa sunod-sunod niyang mabibigat na laban. Bugbog na ang kanyang katawan sa halos ay dalawa, tatlong laban sa isang taong pakikipag-basagan ng mukha sa ibabaw ng ring. Kailangan na niya ang konting pahinga.”

“Gusto rin naman niyang makasama ang kanyang pamilya, si Jinkee at mga anak na halos hindi niya nakikita tuwing may ensayo sa laban. Tao rin naman syiang may damdamin,“ pangagatwiran niya.

“Para sa akin, ibibigay ko sa kanya ang lahat ng iyon. Sana maunawaan din siya ng mga fans kung kanino iniaalay niya ang bawat laban niya,” dugtong ni Buboy.

“Huwag sana silang mag-alala. Makikita nilang muli si Manny na mamamayagpag. Bigyan natin siya ng pagkakatong malasap ang tamis ng pagiging retirado. Pansamantala lamang yan. Wika nga namin sa trekking team: “Lilipad muli si Superman! Maghintay lang tayo.

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.




Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Canelo Alvarez vs Terence Crawford: Size Matters
    By Chris Carlson, , Sat, 13 Sep 2025
  • BOOTS TALKS SPARRING WITH CANELO IN ‘DAY IN THE LIFE’
    , Sat, 13 Sep 2025
  • WEIGHTS FROM LAS VEGAS: CANELO - 167.5 LBS., CRAWFORD - 167.5 LBS.
    By Dong Secuya, , Sat, 13 Sep 2025
  • BELFAST: WEIGH-IN RESULTS AND FIGHT NIGHT RUNNING ORDER
    , Sat, 13 Sep 2025
  • Canoy cancels title fight due to child’s death
    By Lito delos Reyes, , Sat, 13 Sep 2025
  • Vietnam’s Pool Revolution: Hanoi Open Pool Championship
    , Sat, 13 Sep 2025
  • SUNDAY: Naoya Inoue vs. Murodjon Akhmadaliev Undisputed Super Bantamweight Showdown to Stream Exclusively on Top Rank’s Facebook Channel in the U.S. & UK
    , Fri, 12 Sep 2025
  • National Shelter Month Run on October 25 in DGT
    By Lito delos Reyes, , Fri, 12 Sep 2025
  • Canelo-Crawford: Betting Odds Reveal a Battle of Money vs. Public Opinion
    By Dong Secuya, , Fri, 12 Sep 2025
  • BELFAST PRESS CONFERENCE: EVERYTHING LEWIS CROCKER AND PADDY DONOVAN SAID AHEAD OF HISTORIC WORLD TITLE SHOWDOWN
    , Fri, 12 Sep 2025
  • GABRIELA “SWEET POISON” FUNDORA TO DEFEND UNDISPUTED CROWN AGAINST HIGHLY RANKED NEW FOE ALEXAS “IRON LADY” KUBICKI
    , Fri, 12 Sep 2025
  • Chino Sy Tancontian is Sports Hero of the Year 2025
    By Lito delos Reyes, , Fri, 12 Sep 2025
  • Two (or Three) Lefts Make a Right: Francisco Guilledo to Luisito Espinosa
    By Emmanuel Rivera, RRT, , Thu, 11 Sep 2025
  • Yoseline Perez Advances to 2025 World Boxing Championships Semifinals
    , Thu, 11 Sep 2025
  • UNIFIED WORLD CHAMPION OSCAR COLLAZO HOSTS MEDIA WORKOUT
    , Thu, 11 Sep 2025
  • Jerwin Ancajas Set for IBF Mandatory Eliminator Against Former World Champ Ryosuke Nishida; Winner Fights Naoya Inoue
    By Carlos Costa, , Thu, 11 Sep 2025
  • “Night of Champions” Returns to Caribe Royale Resort in Orlando on September 19
    , Thu, 11 Sep 2025
  • Local Favorite Bryce Mills Tops First Boxing Card At del Lago Resort & Casino
    , Thu, 11 Sep 2025
  • Round 12 with Mauricio Sulaiman: It´s Fightweek Fight: Canelo vs. Crawford
    By Mauricio Sulaimán, , Wed, 10 Sep 2025
  • Casimero comeback next month in Kyrgyzstan?
    By Nick Giongco, , Wed, 10 Sep 2025
  • Team USA Concludes Day Six of 2025 World Boxing Championships
    , Wed, 10 Sep 2025
  • Andrade, Garras rule Milo marathon in Tagum
    , Wed, 10 Sep 2025
  • CROCKER-DONOVAN II: INSIDE LOOK AT FIRST FACE-OFF IN BELFAST
    , Wed, 10 Sep 2025
  • Former Panamanian WBA champ Jorge Lujan hospitalized
    By Gabriel F. Cordero, , Wed, 10 Sep 2025
  • Southern Sports Heroes Night on Sept. 28
    By Lito delos Reyes, , Wed, 10 Sep 2025




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2025 philboxing.com.