|
|
|
Kasal ngyong araw ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at coach Julius Naranjo By Eddie Alinea PhilBoxing.com Tue, 26 Jul 2022 Hidilyn Diaz. Ikakasal ngayong araw ang weightlifter na si Hidilyn Diaz at ang kanyang coach na si Julius Naranjo bilang pagdiriwang ng ika-isang-taong anibersaryo ng kanilang matagumpay na pagbibigay sa Pilipinas ng kauna-unahang Olympic gold medal nito. Nitong araw na ito, kaugnayn ng pagdaraos ng XXXII Games of the Olympics sa Tokyo isang taon na ang nakalilipas nang sa isang madula at makaysayang pagkakataon ay naiuwi ng ipinagmamalaki ng Zamboanga ang 55-kilogram event ng kanyang sport sa harap mismo ng kanyang magiging kabiyak na kanya ring coach. Mismong si dating pangalawang pangulo ng bansa Leni Robredo at eight-division world boxing champion Manny Pacquiao at iba ang personalidad na kumakatawan sa palakasan, negosyo at pelikula ang naimbitahang sumaksi sa marangyang seremonyang gaganapin sa Philippine Military Academy sa Baguio City. Si Hidilyn, matapos mahukay ang ginto sa Tokyo Games, ay na-promote bilang staff sergent ng Philippine Air Force mula sa kanyang regular na ranggong sarhento. Sa Baguio rin ipinahayag ng dalawa ang kanilang napiapintong kasal noong Oktubre, 2021. Sabay na niniulat ng dalawang pagtataliin sa sa banal na Sakaramento na personal nilang pinuntahan sa bahay si VP Leni para imbitahing maging ninang. Si VP Leni at dating Senador Manny ang tatayong mga ninang at ninong sa kasal kabilang ang mga business tycoons na sina Manny V. Pangilinan ng MVP Group of Companies, Ramon S. Ang ng San Miguel Corp. at Teresita Tan Sy-Coson ng SM Investments Corporation. Sina MVP, RSA at SMIC ANG mga walang sawang taga-suporta ni Hidilyn sa landas na kanyang tinahak patungong Olympic gold. At tatahakin pa para sa kanyang pangalawang ginto sa 2024 Paris Games at iba pang karangalan mula sa iba’t-ibang sporting arena sa mundo Sina Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at PBA chair Ricky Vargas ay bahagi rin ng wedding entourage. Nakatakda ring gumampan ng kani-akanilag papel ang mga tanyag na artista sa pinilakang tabing na sina Angel Locsin na gaganap bilang matron of honor; Judy Anne Santos, principal sponsor; at Iza Calzado, bridesmaid; at Vicki Belo, principal sponsor. Ilang matataas na pinuno ng Sandatahang Lakas, kabilang si Philippine Air Force (PAF) chief, Lt. Gen. Allen T. Paredes,ang inaasahang dadalo. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |