|
|
|
Thrilla In Manila: Paano ito nagsimula? By Eddie Alinea PhilBoxing.com Mon, 04 Jul 2022 “You gotta have a butterfly net to catch me ... It’s gonna be a chilla, and a thrilla, when I get the Gorilla in Manila.” Ito ang linyang namutawi mismo sa labi ng noon ay nagtatanggol na kampeong pandaigdig sa heavyweight nasi Muhammad Ali “The Greatest” kaugnay ng kanyang darating na pagkikpagtuos laban sa challenger na si “Smokin” Joe Frazier na nakatakdang ganapin noong Okrubre 1, 1975 sa Maynila. July 17, 1975 noon sa New York City kung saan ay binitiwan ni Ali ang pangungusap upang opisyal na ipahayag ang napipintong laban na bininyagan niya mismong “Thrilla In Manila” Pahayag na mula noong araw na iyon hanggang sa panahong ito, 47 taon na ang nakalilipas, ay patuloy pa ring bukang-bibig bilang paalaala kung paano naibalik sa Pilipinas at sa lahing Pilipino ang karangalan at pag-galang ng sangkatauhan na tinangkang burahin ng mga kalaban sa pulitika ng rehiming pinamumunuan ng noon ay Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa harap ng mga tagahangang international media men, ang noon ay 33 anyos ay inilabas ang isang maliit na gorilyang gawa sa goma, pinagha-hampas ito kasabay sa pagbigkas ng mga katagang iyon. Na nagsimula sa tangkang ibenta ang 12 round na pagtutuos, pinakamalaking solong sporting event na gaganapin sa bansa at baguhin ang masamang pagkilala sa bansa at sa Pilipino ng sandaigdigan dala ng maruming pulitikang umiiral sa bansa noon. Sa loob ng 74 na araw mula noong di malilimutang araw na iyon, ang Pilipinas, ang Maynila, ay naging laman ng lahat na pahayagan, narinig at nasaksihan sa lahat ng radyo at telebisyon sa buong mundo. Isang buwan bago ang Thrilla, mula pagdating nina Ali at Frazier sa Maynila, ang pangalan ng bansa at ng pangunahing lunsod nito at mga mamamayan ay patuloy na laman ng front pages at primetime news. At hanggang sa mga araw na ito nga, ang slogan na hinabi ng talentadong si “Louisville Lip” ay patuloy na inuulit-ulit ng kahit sinong maka-alaala kahit na nang lumikha nito at ang taong pinatungkulan niya ay nagsi-panaw na. Si Frazier ay binawian ng buhay noong Nobiyembre 7, 2011. Si Ali ay yumao Hunyo 3, 2016. Maramng mga kaganapan kaugnay ng laban ang nangyari na lalong nagsilbing pampagana sa huling kabanata ng epikong trilohiya ng dalawang pinaka-magagaling na boksingero sa daigdig noong panahong iyon. Naroong puntahan ni Ali ang hotel na naging tahanan ni Smokin Joe na maydalang baril at anyong papuputukan ang kalaban na kabilang sa hinabi Greatest mismo para hikayatin ang fans na panoorin ang pagtutuos. Nandoon din nang pagbisita ng ndalawa sa Malakanyang kung saan ay ipinakilala ng kampeon ang kanyang keridang si Veronica Porsche na siya umano niyang legal na asawa. Na nagdala kay Belinda Boyd (Khalila), ang tunay niyang kabiyak na pagkabasa sa balita habang nasa Chicago ay dali-daling bumili ng tiket sa eroplano papuntang Maynila para komprotahin ang babaerong si Ali na nagdulot ng malaking iskandalo na muntik nang daigin ang main event na laban. Tabla sa tig-isang panalo sina Ali at Joe sa nauna nilang dalawang paghaharap at mangailangan ng isa pang pagtutuos na hinulaang tatabo ng pera bukod sa mabigyan ang Pilipinas ng magandang pagkilala ng sandaigdigan. Wagi si Frazier, ang nagtatangggol na kampeon, sa unang sagupaan na ginanap sa New York noong 1971. Kababalik pa lamang noon ni Ali mula tatlong taong suspensiyon na ipinataw sa kanya sa pagtganggi niyang ma-draftg sa military. Walang itulak kabigin ang sagupaan sa unang 14 round hanggang sa mapabagsak si Ali ni Frazier sa 15th round at manalo sa pamamagitan nng nagkakaisang hatol. Ganoon din ang angyari sa ikalawang laban na pinanalunan naman ni Ali bagamat sa mata ng marammi ay si Frazier ang dapat itinaas ang kamay at manatiling may hawak ng korona sa heavyweight sa mundo. At nagbigay daan para ipanganak ang Thrilla in Manila. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |