Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


Alamat Ni Manny Pacquiqao (Ika-20 Bahagi): Ang simula ng mahabang daang tinahak ng Pacquiao-Mayweatgher I


PhilBoxing.com




Ang impresibong 12 round na TKO paglupig ni Manny Pacquiao kay Puerto Rican Miguel Cotto ang naghudyat para lumakas ang ingay galing sa publiko na pagharapin siya at ang wala pang talong Amerikanoing si Floyd Mayweatner Jr., para pagpasiyahan kung sino sa kanilang dalawa ang tatangaling pinaka-dakilang boksingero sa lahat ng panahon.

Bakit nga hindi, Si Pacquiao ang noon ay kinikilala nang kampeon sa walong dibisyon ng kanyang sport at numero 1 sa listahan ng pound-for-pound, at si Mayweather, may hawak ng korona sa limang dibisyon at pangalawa sa P4P.

Subalit gaya ng naiulat sa nakaraang bahagi ng seryeng ito, hindi naging madali ang mga sumunod na negosasyon, na katunayan ay tumagal nang mahigit limang taon. Masalimuot at madawag, sa madaling salita ang naging daan tungo sa hinuhulaang “greatest fight of the century.”

Napaulat noong una na si Pacquiao ay pumayag nang harapin si Mayweather noong Marso 13, 2010, o tatlong buwan makaraang makuha ang 147 librang titulo mula kay Cotto, para sa hatiang $50 milyon at ang lugar na paglalabanan ay ang MGM Grand sa boxing capital ng digdig na Las Vegas sa Nevada.

Ang di pagkakasundo ng dalawang kampo tungkol sa Olympic style ng drug testing ang nagsilbing hadlang sa hindi pagkakatuloy ng planong pagtutuos. Gusto ni Mayweather at ng grupo ang hawakan ang random blood testing ng United States Anti-Doping Agency na tinutulan ni Pacquiao sa dahilang, aniya’y ang pagkuha ng kanyang dugo 30 araw bago sumapit ang laban ay makapag-pahina sa kanya.

Sinangayunan ito ng kanyang trainer na si Freddie Roach na nagsabing, hindi niya papayagang kunan ng dugo ang kanyang estudyante isang linggo bago maglaban. Dahil sa magkaibang opinyon na ito, pinagpasiyahang daanin sa mediation ang usapin sa harap ng isang retiradong huwes.

Makaraan ang mediation, pumayag si “Money Man” sa 14 araw na walang blood testing na muling tinutulan ni Manny na nagsabing payag lamang siya sa 24 araw na walang blood testing. Noong Enero 7, 2010, ipinahayag ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum na planong laban ay kanselado.

Dahil sa pag-a-atubili ni Pacquiao na tanggapin ang alok ni Mayweather, inulit ng kampo ng Amerikano ang bintang nilang tutoo ngang ang Pilipino ay gumagamit ng bawal na gamot.

Bagay na nagbunsod kay Pacquiao na magharap ng demandang paninirang-puri (defamation) laban kay Floyd, sa ama nitong si Floyd Mayweather Sr., tiyuhing si roger Mayweather, Oscars de la Hoya, ang puno ng Golden Boy Promotions, ang promoter ni Mayweatrher, at Golden Boy CEO Richard Schaefer.

Bagamat walang ebidensyang naipresenta ang mga nasasakdal sapat na ang kaso para ang unang pagtatangka ng mga kinauukulan na paglabanin ang dalawang itinuturing ng marami na ‘GOAT’ (Greatest of All Time) ay mauwi sa wala.

At magbigay din ng daan para kay ngayon ay senador nang dakilang Pilipino na humanap ng ibang makakatunggali sa kanyang pagbabalik sa ring para sa kanyang unang depensa sa kampoenato sa welterweight.

Kabilang sa mga pinagpiliang makakalaban ng ating si Manny ay and dating kampeon sa light-welterweight Paul Malignaggi, ang may ari ng sinturon ng WBA welterweight Yuri Foreman at dating IBF 147 librang kampeon Joshua Clottey.

Larawan: Ang pagkikita ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweatgher Jr. sa laro ng Miami Heat noong Enero 27, 2015 sa NBA ang isa sa naging daan sa planong Pacquiao- Mayweather I. (Kuha ni WENDELL ALINEA ng Office of Sen. Manny Pacquiao)

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Thunderdome 48 - Jude Grant vs Fano Kori
    , Sun, 24 Nov 2024
  • World Boxing backs plan to create a new Confederation in Asia
    , Sun, 24 Nov 2024
  • The message is clear – Asian Boxing Confederation remains united with the IBA
    , Sun, 24 Nov 2024
  • OSCAR DE LA HOYA FOUNDATION HOSTS 25TH ANNUAL TURKEY GIVEAWAY FOR EAST LOS ANGELES COMMUNITY
    , Sun, 24 Nov 2024
  • Life vs. Death: The Ultimate Ringside Showdown Immortalized in Pierce Egan’s Boxiana
    By Emmanuel Rivera, RRT, , Sat, 23 Nov 2024
  • SPORTS SHORTS 284: TEAM MARK MAGSAYO CONFIRMS RETURN TO THE RING ON DECEMBER 14
    By Maloney L. Samaco, , Sat, 23 Nov 2024
  • RJP Boxing promotes in Bucana on Dec. 17
    By Lito delos Reyes, , Sat, 23 Nov 2024
  • Good Prospects at Minimumweight, Light Fly, Super Bantam and Super Feather in 2025
    By Teodoro Medina Reynoso, , Sat, 23 Nov 2024
  • Filipino International Master Chito Danilo Garma is the new World Senior Blitz champion; Filipino FIDE Master Mario Mangubat takes the bronze medal
    By Marlon Bernardino, , Sat, 23 Nov 2024
  • KAMBOSOS JR SIGNS CO-PROMOTIONAL DEAL WITH MATCHROOM
    , Sat, 23 Nov 2024
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME TO ANNOUNCE CLASS OF 2025 ON THURSDAY, DECEMBER 5th
    , Sat, 23 Nov 2024
  • Ring Master promotes in Calinan on Dec. 21
    By Lito delos Reyes, , Fri, 22 Nov 2024
  • NP Bansalan boxing team in Matalam
    By Lito delos Reyes, , Fri, 22 Nov 2024
  • New York, Minnesota Biggest Trade Gainers; Los Angeles Has the Rookie Draft Steal
    By Teodoro Medina Reynoso, , Fri, 22 Nov 2024
  • Filipino IM Bagamasbad prevails
    By Marlon Bernardino, , Fri, 22 Nov 2024
  • DC girl’s futsal in Palawan now
    By Lito delos Reyes, , Fri, 22 Nov 2024
  • Filipino FIDE Master Ivan Travis Cu is ready to face challenge
    By Marlon Bernardino, , Fri, 22 Nov 2024
  • Dante Kirkman Secures First Career Knockout with 3rd Round TKO Victory
    , Fri, 22 Nov 2024
  • Filipino Middleweight Star Blazen Rocili Set to Return to the Ring This Saturday in San Antonio, TX
    , Thu, 21 Nov 2024
  • Stallone hands Donald Trump WBC world champion belt
    By Gabriel F. Cordero, , Thu, 21 Nov 2024
  • Filipino International Master Garma beats Lithuanian Grandmaster
    By Marlon Bernardino, , Thu, 21 Nov 2024
  • Saturday: Bakary Samake-Wade Ryan & Elwin Soto-Moisés Caro Headline Separate Fight Cards Streaming LIVE on ESPN+
    , Thu, 21 Nov 2024
  • TrillerTV Launches Exclusive Black Friday Deal: 50% Off TrillerTV+ Annual Pass for Year-Round Sports Entertainment
    , Thu, 21 Nov 2024
  • New NCFP Regional Coordinator
    By Marlon Bernardino, , Thu, 21 Nov 2024
  • DC netters are now ready for BP
    By Lito delos Reyes, , Thu, 21 Nov 2024




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2024 philboxing.com.