|
|
|
Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-19 na Bahagi): Pampitong korona, inagaw ni Pacquiao kay Cotto By Eddie Alinea PhilBoxing.com Sun, 11 Apr 2021 Makaraang dispatsahin ang maalamat na Mehikano-Amerikanong si Oscar De La Hoya sa kanyang unang laban bilang welterweight, uminit ang bulong-bulongang di maglalaon at ang Pilipinong si Manny Pacquiao ay tatanghaling kampeon sa nasabing 147-librang dibisyon para dagdagan ang anim na koronang napagwagihan na niya bago dumating ang buwan ng Nobiyembre, taong 2009. Nahawakan na noon ng ipinagmamalaking tubong Kibawe, Bukidnon ang mga titulo ng flyweight, super-bantamweight, featherweight, super-featherweight, lightweight at junior-lightweight at hangad niyang mai-uwi rin sa dalampasigan ng Pilipinas ang ang korona sa dibisyon. At noon ngang gabi ng Nobiyembre 14, 2009 ay ipinagbunyi ng buong daigdig ng boksing ang Pamabansang Kamao ng bansa bilang kauna-unahang nilalang sa ibabaw ng planetang ito na maghari sa pitong dibisyon sa sport ng sweet science. Nilupig ni Pacquiao ang itinuturing noon na boxing sensation sa Puerto Rico sa pamamagitan ng TKO sa ika-12 round ng kanilang paghaharap matapos pabagsakin niya ang kalaban sa round three at round four bago ito itinigil ng reperi limang segundo na lamang ang nalalabi sa salpukang bininyagang “Firepower” at napanood ng mahigit 18,000 fans na nagsiksikan sa 16,000 upuang MGM Grand Arena sa Las Vegas. Bukod sa 147-librang sinturon ng WBC, ginawaran din si noon ay Kongresistang Pilipinong si Manny ng titulo ng WB0 Super Championship at ng kauna-unahang espesyal na WBC Diamond Belt na nilikha eksklusibo sa magwawagi sa sa makasaysayang sagupaan sa pagitann ng ng dalawang elitistang mandirigma ng kanilan panahon. Ilang araw matapos makabalik sa bansa si Manny, ginawaran si Manny ng Order of Sikatuna With the rank of Datu (Grand Cross) With Gold Distinction (Katangiang Ginto) na kinaugaliang igawad sa mga dayuhang diplomatiko at Punong Tagapagpaganap ng isang Estado. Si noon ay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-gawad ng mataas na karangalan sa isang simpleng seremonyang ginanap sa Quirino Grandstand sa Luneta bilang pagkilala sa makasaysayang pagkakamit ni Pacquao ng karangalang ng kauna-uahang boksingero sa daigdig na makapag-uwi ng pitong kampeonato sa pitong dibisyon. “Pacquiao is the greatest boxer I’ve ever seen and I’ve seen them all, including (Muhammad) Ali, (Marvin) Hagler and Sugar Ray Leonard,” deklara ni Bob Arum, promoter ni Pacquiao, pagkaraan ng kapanapanabik na sagupaang nakalikom ng 1.25 million buys at $70M in domestic pay-per-view revenue, para maging most watched boxing event of 2009. Tinatayang kumita si Pacquiaon ng $22M sa laban. $12M ang naibulsa ni Cotto. Ang pghaharap ng dalawa ay nakalikom ng $8,847,550 sa takilya base sa opisyal na bilang ng mga nanood na 15,940. Naging dahilan ang pagsupil ni Pacquuiao kay Cotto na manariwa ang usapang pagharapin siya, ang numero uno sa listahan ng pound-for-pound, at wala pang talong pumapangalawang si Amerikanong Floyd Mayweather Jr. Subalit naging masalimuot at madawag ang daang tungo sa pagtutuos ng dalawang pinakamagagaling na welterweight sa diagdig. Tumagal ng halos limang taon ang negosasyon at napakaraming indibiduwal ang nasangkot sa usapan. Ang resulta, sa halip na ang hambog na si “Money Man” ang makasagupa ni Manny sa kanyang unang depensa ng 147 librang korona, ang Aprikanong dating harin ng dibisyon ang nakalaban ng ating si Manny. (May Karugtong) Click here to translate this article to other languages via Google. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |