|
|
|
Hangad Ko Ang Kayo'y Mapasaya By Manny Pacquiao PhilBoxing.com Sat, 15 Sep 2007 Kumusta mga kababayan ko? Update ng training ko, ang tindi ng ensayo namin araw-araw, tumatakbo ako sa umaga sa bundok kapag walang sparring at nag-iinsayo ako ng 26 rounds everyday, bukod pa sa nag-iisparring ako every other day, 10 rounds lagi. Kaya ang tindi at mainit pa masyado dito sa Pilipinas, kaya talagang nakakadagdag ng stamina, kaya h'wag po kayong mag-alala, talagang pinagsisikapan ko na mapasaya ko kayong lahat at mabigyan ko kayo ng kasiyahan. Manny Pacquiao (kaliwa) ay nag-isparing laban kay Aaron Melgarejo sa loob ng RWS Gym sa Cebu City. Sa mga nakakabasa ng kolum ko, maraming salamat po. Lalung-lalo na 'yong mga kababayan nating overseas workers na sumusubaybay sa aking "Kumbinasyon." 'Yung overseas workers natin sa Saudi, Afghanistan, Bahrain, pati na sa Houston,maraming salamat po sa inyong suporta, nakakataba ng puso 'yung inyong mensahe. Lagi lang kayong mag-ingat, dahil kayo man ay inspirasyon ng ating mga kababayan. *** Hindi lahat ng tao ay mahilig sa boxing, kaya sa lahat ng mahilig sa billiard ay humanda na kayo. Mag-practice na mabuti, dahil ngayong October 24 to 27 ay may malaking tournament na gaganapin dito sa Pilipinas, "3rd Manny Pacquiao Int'l 9-Ball Open," kasamang lalahok sina Django Bustamante, Efren ''Bata'' Reyes, Ronnie Alcano, Lee Van Corteza, Alex Pagulayan, Bebeng Gallego, Gaga Gabica, Boy "Samson" Luat, Dennis Orcollo at marami pa tayong mga magagaling na pinoy na sasali sa tournament. At hindi lang 'yan, marami ring mga players na galing sa iba't ibang bansa ang lalahok. Kaya pagkakataon na ito ng ating mga Pilipinong manlalaro na ipakita ang kanilang galing, dahil ito ay ipapalabas sa telebisyon sa pamamagitan ng Solar Sports. *** Tulad ninyo, napanood ko ang naging hatol ng Sandiganbayan sa dating pangulo ng Pilipinas na si Joseph Estrada at alam ko na marami sa ating mga kababayan ang nalungkot sa naging hatol. Nararamdaman ko ang lungkot ng mga taga-suporta ng dating Pangulong Erap. Gayunpaman ay kailangan nating igalang at respituhin ang naging disisyon ng Sandigan. Kailangan siguro natin ngayon ay mag-move on at kalimutan na natin ang mga nakaraan at ang harapin natin ay ang ating magandang bukas. Kaya sana magkaisa na tayong lahat mga kababayan ko, magmahalan tayong lahat para sa ikauunlad ng ating bansa. At bago ako matapos, sa sunod na kolum ko po talakayin 'yong rumor na mag-back-out ako sa laban kay Barrera. Hanggang sa muling "Kumbinasyon" mga kababayan ko, mabuhay tayong lahat. This article is also available at Abante Online. Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2025 philboxing.com. |