|
|
|
Pagkatalo ng Pilipinas sa Palistine sa FIBA Asia, masakit na dagok sa mga Pilipinong baliw na baliw sa basketbol PhilBoxing.com Fri, 25 Sep 2015 Walang dudang papasok ang Team Pilipinas sa susunod na round ng kasalukuyang idinaraos na FIBA Asia Olympic qualifier sa China, subalit ang pagkatalo ng pambansang koponan sa Palistine noong Miyerkoles ay maituturing pinakamasakit at pinakamasaklap sa 55 na taong kasaysayan ng paglahok ng Pilipinas sa torneo mula nang ito ay magsimula noong 1960. Unang-una, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga Palistino ay lumahok sa tuwing ikalawang taong paligsahan ng mga bansang Asyano na nagpapasiya kung anong bansa ang kakatawan sa rehiyon sa World Championship o Olympic Games. Ikalawa, hindi basketbol ang paboritong larong kinahuhumalingan ng mga Palistino. Wala ngang larong na masasabing paborito ng mga mamamayan Palistino, bagamat ang football ay masasabing nilalaro ng mas marami sa kanila. Ang mga mamamayan, partikular ang mga kabataan,ng Palistine ay mas kilala sa pagdadala sa kalye ng baril at bala, kaysa bola ng football, basketbol a anumang parapernalyang ginagamit sa anumang event sa palakasan. May iba pang sports ang nilalaro sa nasabing bansa tulad ng running, field at track games, wrestling at swimming. Walang Palistino ang masasabing sumikat sa mga sports na ito sa alinmang competisyong pang-internasyonal. Noong 1963 pa natanggap ng miyembro ang Palistine sa noon ay kung tawagin ay Asian Basketball Confederation, ngunit ngayong taon lamang ito nakapagpadala ng pambansang koponan sa ngayon ay FIBA Asia.Unang naglaro ang mga atletang Palistino sa OIlympic Games noon lamang 1996. Mahabang panahon na kasing may giyera ang Palistine laban kapit-bansang Israel kung kaya?t walang pagkakataon ang mga kabataan na maglaro ng anumang sport. Iisang basketbolistang Palistino lamang ang masasabing nakapaglaro sa labass ng bansa, si Sani Sakakini, na sa edad niyang 26 ay nangangarap pang maka-ekspiriyensyang masama sai kahit anong koponan sa U.S. NBA. Kasalukuyang naglalaro si Sakakini sa China kung saan ay nakakuha siya ng kinakailangang karanasan para sa ilang taong nakalipas ay maging inaasahan ng Palistine national team sa mga kompetisyong internasyonal na nilalahukan ng bansa. Salat na salat nga ang Palistine sa ekspiriyensyadong manlalaro na ang kasalukuyang pambansang koponan nito ay nabuo lamang dalawang linggo bago magsimula ang FIBA Asia. Katunayan, si Jhamal Abu-Shamala, isa sa tatlong manlalarong pumatay sa mga Pilipino noong Miyerkoles ay nakasama sa koponan dalawang araw bago ang ito tumulak patungong China. Bagama?t nakakalungkot para sa Pilipinas ang pagkatalo ng ating mga manlalaro sa mga Palistino, kahit papaano ay nakapagdulot ito ng maganda sa hangarin ng mga namumuno ng Palistine Basketball Federation na palaganapin ang larong basketbol sa mga mamamayan nito. Umaasa si Palistine coach Jerry Steel, isang abogado by profession na magandang hudyat ang panalo ng kanyang koponan laban sa mga Pilipino sa pagpapakilala ng larong kinalolokohan ng Pilipinas at mga mamamayan nito sa kaniyang bansa. Gaya ng nasabi ko sa simula ng kolum na ito, hindi pa natatapos ang mundo para sa kampanya ng Pilipinas sa ginaganap na FIBA Asia na ang magwawagi ay siyang magiging kinatawan ng rehiyon sa darating na 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil. Maari pa ring pumasok sa qurterfinal o semifinal o maging sa final ang mga bata ni coach Tad Baldwin. Pero gaya rin ng nabanggit ko, napakasakit at lubhang nakakahiya ang pagkatalo ng ating mga bata sa mga bagitong katapat nila mula sa Palistine lalo?t kung tutuusing mula noong 1913 nang matanggap ang Pilipinas sa international sports community hanggang sa mga panahong ito ay itinuturing na ang Pilipinas ang basketball capital sa bahaging ito ng mundo. Mananatiling batik ito sa reputasyon ng bansa at ng lahing Pilipino hanggang tayo ay lumalahok sa lahat ng torneo ng basketbol mula sa Southeast Asian Games, Asian Games, Asian Continental, FIBA World at Olympic Games. Ang pangyayaring ito ay mananatiling isang malungkot at madilim na alaala sa lahat ng Pilipinong nagmamahal sa larong basketbol sa mahjabang panahon. Para sa bansang Palistine at mga Palistino, ang nangyari ay isang napakatamis na sandali na hinding-hindi nila makakalimutan. Na minsan ay tinalo nila ang mga mapagmalaking Pilipino sa larong minamahal at kinahuhumalingan nila at ng kanilang mga kababayan. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |