|
|
|
Cong. Manny at Kia, new pride of PH basketball PhilBoxing.com Fri, 20 Feb 2015 GENERAL SANTOS CITY ? Gaya ng isinasaad sa dateline ng kolum na ito, kasalukuyang nasa GenSan ang SALA SA INIT ? upang mag-ulat sa kasalukuyan ay ginaganap na World Pool Association 10-Ball championship sa Activity SM City dito. Pero hindi muna natin tatalakayin ang bagay na ipinunta ng SALA SA INIT dito sa napakainit at maunlad na siyudad na ito sa Mindanao. Wala pa naman kasing hugis na namumuo sa torneo makaraan ang dalawang araw ng main draw ng may 128 na manlalarong pumasok sa group plays. May kaguluhan ang takbo ng paligsahan na nagsisilbing bangungot sa iilang mamamahayag na naglaksa ng loob na pumunta dito upang iulat ang mga kaganapan sa paligsahan. Una walang grupong namamahala sa mga pangangailangan ng media. Walang press room kung saan ay puwedeng makapagsulat ang media men at maipasa ang istorya nila sa kani-kanilang publikasyon. Noong Miyerkoles, isang kinatawan ng WPA na nagngangalang Ana Marie Matessi, ay pinagbawalan ang isang miyembro ng media na pumasok sa playing area upang makakuha ng resulta na hindi naman maibigay ng mga namamahala sa torneo sa media. Anyway, tayo naman ang nagsisilbing host ng torneo, isang world championship at that?s, so, pasensya na tayo. Lalo?t ang world eight-division champion na si Pacquiao ang siyang gumastos para maidaos dito ang paligsahan. Masyado ang paggalang ng kolumnistang ito kay Con.gManny para sisihin siy sa hindi naman niya pagkukulang. Speaking of Pacquiao, well, binabati ng SALA SA INIT ang pambansang idolo dahil sa pagkakapanlo ng kanyang Team Kia noong Miyerkoles laban sa Grand Slam champion Purefoods Star na nakapagwalis ng tatlong torneo na idinaos noong nakaraang season. Pangalawang panalo ng Carnival ito at kung bibilangin ang panalo nila sa Philippine Cup champion San Miguel Beer, lalabas na dalawang kampeon na sa kaunaunahang liga propesyonal dito sa bansa at Asya ang nalupig ng mga bata ni Sarangani Congressman. Para doon sa mga nakalimot na, and Beermen ay ang kaisa-isang koponang orihinal ng miyembro ng PBA noong ang liga ay maitatag 40 taon na ngayon noong 1975. At ang prankisang paga-ari ni SMC chsair and CEO Ramon Ang ay siya ring may pinakamaraming kampeonatong napagwagihan sa loob ng mahabang apat na dekadang nagdaan. Kung kaya nga?t napakalaki ang ibig sabihin ng kambal na panalong ito ng prankisa ng Columbian Motors hindi lamang sa PBA at maging sa kabuuan man ng mundo ng basketbol at kabuuan ng sports sa Pilipinas. Isang MALUGOD NA PAGBATI ang ipinaabot ng SALA SA INIT sa kay coach Manny, sa kanyang mga manlalaro at sa pamunuan ng Team Kia. Sana?y ipagpatuloy ninyo ang inyong ginawa and here?s hoping that in not a long future, KAYO NA ANG TANGHALING CROWD FAVORITE NG BANSANG ITO NA LOKONG-LOKO SA LARONG BASKETBOL! Napanood ko ang laro sa hotel room ko dito sa Family Country Hotel at nakita ko at narinig ang pagbubunyi ng mga manonood sa loob ng Smart Araneta Coliseum nang pumasok si Manny at makapagbuslo ng isang puntos sa foul line. Napanood ko rin kung paano sila ipinagbunyi nang matpos ang laban na ang Carnival ang tinananghal na nagwagi. Tingin ko nga at ng marami pang mahilig sa basketbol, KIA is, indeed, coming of age. Nagpapasalamat nga pala ang kolumnistang ito kina Daryl Villaroje, Jeric Roy Abueva, Alyka Bautista, Aileen Coronado at Reysan Villacorta ng technical group ng WPA 10-Ball Championship na kung wala sila ay hindi ako makakukuha ng daily result at hindi rin maipahahatid sa aming mambabasa ang mga kaganapan sa torneo. Salamat din kay Kathleen Joyce Cuesta, magandang teller sa Cubao ticket office ng Philippine Airlines, na nag-asikaso sa SALA SA INIT para makabili ng tiket sa pagpunta dito. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |