Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Eddie Alinea

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG

By Eddie Alinea


TAMANG TAO SA TAMANG PANAHON

PhilBoxing.com
Mon, 16 May 2016

Isang linggo na ang nakararaan, inihalal ng sambayanang Pilipino ang sa akala nila'y lalaking uugit ng pamahalaan at guguhit ng kanilang kapalaran, at kanilang mga anak sa susunod na anim na taon.

At, ang napili ng humigit-kumulang sa 16-milyong botananteng nakalap hanggang kahapon, ay isang taong minsan ay minsan minura ang Santo Papa nang ito ay bumisita sa bansa at lumikha ng mala-heganteng trapik, Isang taong nanghinayang sa hindi pagkakaroon ng pagkakataong makalahok sa pangagahasa sa isang Austrayanang misyonaryo.

Lalaking di nahihiyang nangumpisal sa pagiging babaero, mamamatay tao at iba pang krimeng ni sa guniguni ay di dapat mabanggit sa harap pa naman ng publiko -- si Davao City Mayor Rodrigo "Digong" Duterte.

Bakit nga ba? Tanong ng marami, kabilang na ang mga dayuhang mamamahayag na pinangalanan siyang "Trump of the East," patungkol sa bilyonaryong Amerikanong kandidato sa panguluhan ng Estados Unidos, at "Duterte Harry," patungkol sa isang Amerikanong alagad ng batas sa pelikula na inilalagay ang batas sa kanyang mga kamay'

"Simple lamang," sagot ni Mang Doming, isang taxi driver na suki ng kolumnistang ito. "Si Mayor Digong ay ang taong hinihingi ng buong bayan sa mga panahong ito kung kailan ay kailangang linisin ang Pilipinas sa kriminalidad at talamak na korapsyon. Ang mga Pilipino ay sawa na sa kriminalidad na nangyayari sa buong kapuluan na sa malas ay di na mapigilan. Bantad na kami sa korapsyon at di pakakapantay-pantay," ani Mang Doming.

"Ang mga mayayaman, lalong yumayaman. Ang mahihirap, lalong huimihirap. Si Mayor Digong ay dumating sa panahong ang mga pangako ng mga kandidao ay napapako. Ang kailangan ng mga Piipino ngayon ay isang lider na makakagpatupad ng lahat na dapat ipatupad."

"Ang mga Pilipino ay likas na sugarol. Isusugal natin ang lahat, halimbawa," wika ni Mang Doming may maipakain lamang sa ating pamilya. "Ibebenta ang lupa, kalabaw, baka, lahat ng hayop pangsaka makapunta lamang sa Maynila at mamakuha ng trabaho upang mabigo dahil wala namang makuha. Kaya ang labas, hanggang piyer na lamang. Nasa North Harbor, squatter. Yung papalaring makapag-trabaho, kulang pa ang susuwelduhin sa pamasahe. Malimit walang masakyan. Ang jeep ayaw magsakay. Ang tren laging sira."

"Ang kailangan ng mga Pilipino," dagdag pa ni Mang Doming, "ay isang pinuno na hindi natatakot gumawa ng tama, handang baguhin ang mali na bagamat isang malaking sugal ay pilit gagawin.
Si Mayor Digong, aniya pa, ang kabuuan ng isang Pangulong pamumunuan ang mahigit 100 milyong Pilipino. Gusto namin ang pagkatao ni Mayor dahil totoo siya. Kung ano ang nakikita mo sa kanya ay siya, si Mayor."

Ang Pilipinas, sa madaling sabi, ay kailangan ang isang pinunong mabilis kumilos upang tugunan at maisakatuparan ang mandatong iaatang sa kanyang balikat.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.