Philippines, 25 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Eddie Alinea

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG

By Eddie Alinea


Ika-40 Anibersaryo ng 'Thrilla In Manila"

PhilBoxing.com
Thu, 01 Oct 2015



Ang ika-1 ng Oktubre, ay isang napaka-halagang araw para sa bansa at sa ating mga Pilipino, hindi lamang sa larangan ng palakasan kundi maging sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nang araw na iyan, apatnapung taon na ang nakalilipas ay kung kailan naglaban dito sina heavyweight defending champion Mumahmad "The Greatest' Ali at ang kanyang challenger na si "Smokin" Joe Frazier.

Bininyagang "Thrilla in Manila," ang nasabing pagtatagpo ng dalawang Amerikanong pinakamagaling na boksingero sa mundo ay ibinoto ring "Fight of the Year'noong taong 1975 ng mga manunulat sa boksing sa buong daigdig.

Subalit tulad ng marami pang mga makasaysayang pangyayari dito sa bansa ang ika-40 anibersaryo ng Thrilla ay halos wala man lamang nakaalaala. Tulad ng ika-100 taon ng palakasan sa Pilipinas noong 2011 at ng pormal na pagtanggap sa bansa ng lipunang internasyonal sa palakasan noong 2013.

Napakahalaga ng araw ng ika-primero ng Oktubre sa ating kasaysayan sapagkat sa araw na ito permanenteng naukit ang pangalang Pilipinas at Pilipino sa mapa ng palakasan sa ibabaw ng lupa.

Hindi lamang ito napakalaki na makasaysayang pangyayari sa bansa, kundi sa buong Asya man. Maihahalintulad ang kaganapang ito sa Summer Olympics Games na idinaos sa Tokyo noong 1964, sa Seoul noong 1988 at Beijing noong 2008.

Tulad ng mga Olimpiyadang nabanggit na tuwing may gaganaping Olympic Games ay ginugunita ng mahigit 200 kasapi ng International Olympic Committee, ang Thrilla in Manila ay ginugunita rin ng mundo ng boksing tuwing may ginaganap na malalaking laban at maging kung may nagaganap na pangyayari kina Ali at Fraizier tulad noong simakabilang buhay ang huli at nang pagkakasakit ng una.

Mula noong makamit natin ang karapatang ganapin dito ang laban para sa kampeonato sa heavyweight ng mundo, laman halos araw-araw ang Pilipinas sa lahat ng balita sa lahat ng media sa buong daigdig.

Nang magsimula ang countown patungo sa aktuwal sa laban at nang dumating sina The Greatrest at Smokin Joe sa Manila International Airport, lalong tumindi ang publisidsad para sa Pilipinas at kung anong uri ng tao ang mga Pilipino.

Lalong tumingkad at pagkakilala sa kng anong ganda ng bansang Pilipinas at ang hospitalidad nating mga Pilipino. Ayon sa ilang mamamahaya na nagpunta dito para koberin ang laban ang pangyayari daw ay naisip ni Pangulong Marcos na ganapin dito upang i-promote ang "New Society" at kung gaano siya kadakilala bilang isang lider.

Nagbagong lahat ang akalang ito nang maapos na ang laban kung kailan ay nalaman na ng mga tumutuligsa kung gaano kaganda ang Pilipinas sa ilalim ng Martial Law. Napakalinis ng Metro Manila, mapayapa at disiplinado ang mga tao.

Magagalang ang mga pulis at militar taliwas sa napabalita noong una. Maginhawa ang pamumuhay ng sambayanan. Mabait at may ngiti sa labi ang sinuman tuwing kakausapin ng mga panauhing dumating dito buhat sa iba't-ibang bansa. Wala ring nang-raket na mga taxi fivr at mga nagtitina sa mga pamilihan.

Apatnapung taon na ang naganap ng pangyayri, pero hanggang ngayon, maliban sa bansang ito, ay ginugunita pa rin a ipinagdiriwang ang Thrilla.

Ang mga papuring natanggap ng Pilipinas at ng Pilipino ay mula sa labi mismo nina Ali at Frazier at ng may 80 mamamahayag na nandito at nakasaksi sa lahat ng mga ito. Tatalakayin ko po ang mga ito sa susunod kong piyesa sa SALA SA INIT ... SALA SA LAMIG.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.