|
|
|
LABAS SI MAYWEATHER, PASOK SI CHOCOLATITO PhilBoxing.com Fri, 18 Sep 2015 Matapos ipahayag na tuluyan na siyang magpapahinga, tinananggal na ng RING MAGAZINE si dating WORLD welterweight champion Floyd Mayweather Jr. sa kanyang trono bilang pound-for-pound king ng boksing. Tinalo ni ?Money May? si Andre Berto sa pamamagitan ng unanimous decision noong Sabado (Linggo sa Maynila) para maitala ang kanyant 49 na panalo at kasunod nito?y ipinahayag ng Amerikanong five-division champion na tiyak na ang kanyang pamamahinga matapos tablahin ang 49-0 panalo-talong rekord ng dating kampeon sa heavywweeight na si Rocky Marciano. At dahilan nga sa kasiguruhanng pahayag ni Mayweather, ipinasya naman ng Ratings Panel at Editorial Board ng RING, kinikilalang biblya ng boksing sa ibabaw ng lupa, na tanggalaon na siya sa kanyang trono. Napagpasiyahan nin ng Panel na ang iakyat sa tronong iniwan ni ?Pretty Boy Floyd? si flyweight champion na si Roman ?Chocolatito? Gonzalez, kilala rin sa taguring ?The Nicaragua Beast.? Nabanggit na rin lamang ang rekord, lumalabas na si Gonzalez ang kauna-unahang boksingerong galing sa 112-pound division na mahirang na pinakamagaling na nilalang sa ibabaw ng ring at tanghling pinakamahusay hanggang sa kung hanggang kailan siya mananatili sa posisyong ito. Si Gonzales, samakatuwid, ang lumalabas ding ?pinakamaliit? na boksingero na mauupo sa trono ng pound-for-pound king,. Magandang balita ang pag akyat ni Gonzalez sa ibabaw ng listahan ng pound-for-pound king sapagkat magbibigay ito ng daan para isa pang Pilipinio, si Brian ?Hawaiian Punch? Viloria na makabalik na muli sa elitistang grupo. Nakatakdang labanan ni dating flyweight king viloria si Gozalez sa darating na ika-17 ng Oktubre at kung mananalo siya at maibalik ang korona sa kanyang ulo ay malamang pinakamababa ang ikalawang puwesto ang marating niya. At nasisiguro ng SALA SA INIT .. SALA SA LAMIG na magiging karagdagang inspirasyon at motibasyon niya ang paggiging Numerio Uno ni Chocolalito sa bnasabing listahan. Ayon kay Michael Rosenthal; staff writer ng RING, hindi naging napakahirap ang pagkakapili kay Gonzalez bilang pound-for-pound king sa dahilang ang halimaw ng Nicaragua ay may ipinagmamalaking 43-0 panalo-talong kartada, 37 dito ay sa pamamagitan ng knokcout. Bukod sa mayroon din siyang impresibong rekord ng mga tinalo, kabilang ang sunod na siyama na pinatulog niya,. Isama ang koronang ipinutong sa kanyang ulo sa tatlong dibisyon at walang duda ngang masasabing siya talaga ang pinakamahusay na maliit na nilalang sa planetang ito. Bago mailuklok sa Gonzalez bilang Numero Uno, pangalawa siya kay Maywweather sa nakaraang pagra-ranggo sa nakalipas nax ilang panahon. Samantala, patuloy na bumulosok sa pangwalo si Filipino eight-division champion Manny Pacquiao, isa ring dating pound-for-pount king sa mga kinikilalang de-kalobreng mansdirigma sa lona. Ang pagkatalo ni ?Fighter of the Decade? kay Mayweather sa naging kontrobersyal nilang laban noong ika-2 ng Mayo ay pinagbasihan ng Editorial Board na ibaba siya ng ranggo. Kabilang sa 10 tampok sa listahan ng RING MAGAZINE sina: Andre Ward, Sergey Kiovalev, Gennady Golovkin, Guillermo Rigondeaux, Vladimir Kiltschko, Terence Crawford, Manny Pacquiao, Shinsuke Yamanaka. o0o SAMOT-SARI: Marami ang nagtatanong sa kolumnistang ito kung ano na ang balita kay Pacman ... Kung lalaban pa ba siya o susundan na lamang anxg yapak ni Mayweather sa pagre-retiro ... Dalawang linggo na nating di nakakausap si Sarangani Congressman pero ay tinitiyak ko ay lalaban pa uli siya.... Nagpapagaling pa nga lamang sa tginamopng pinsala niya sa kanang balikat at kasalukuyang sumasailalim sa proseso ng rehabilitasyon sa pamamahala ng isang doktor na Pilipino ....Medyo galit nga siya sa napabalitang pandaraya sa kanya ni Mayweather na kasapakat ang United States Anti-Drugs Agency na nababasa natin sa ilang media outfit... Lulong din siya sa paghahanda para sa darating na eleksyon sa susunod na taon .... Hindi pa nga lamang malaman kung ano ang tatakbuhin niya ... Kung magre-reelection, tatakbong senador o gobernador ng Sarangani. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |