Philippines, 19 Oct 2025
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


SALA SA INIT ... SALA SA LAMIG: Ang Maalamat na Trio ng Golden State Warriors


PhilBoxing.com




Siyam na taon ag nakalilipas, ng Golden State Warriors Trio nina Steph Curry, Klay Thompson at Draymond Greeen ay dumayo sa Denver noong isang malamig na gabi nang Abril at talunin ang Nuggets sa Game 2 ng Western Conference first-round series.

Matapos ang serye, nagpahayag si Curry na animo isang propeta: “We’re a resilient team!”

Hindi pa marahil natanto ng Warriors guard kung gaano katama ang kanyang sinabi. Na ang mga ito ay hindi bukam-bibig lamang.

Ang Warriors ay nakapasok sa NBA playoffs ng 27 beses noong siyam na season na iyon. At nanalo sila ng kahit isang laro sa siyam na road games noong pagkakataong iyon. Na hindi pa napapantayan sa kasayhsayann ng NBA.

Subalit posible ring mapagtalunan na wala sa mga road wins na iyon ng Curry-Thompson-Green era ay mas mas tatalo sa huling 107-97 panalo ng mga bata ni soach Steve Kerr laban sa Boston Celtics sa Game 4 ng kanilang kasalukuyang best-of-seven Finals series para sa kampeonato noong Biyernes ng gabi sa TD Garden sa Boston.

Tabla ang serye noon sa 2-2 at kung nagwagi sana ang Celtics ay lalapit sana sila sa isang panalo na lamang para makamit ang koronang hindi na nalasap sa loob ng kuang-kulang na isang dekada.

Noong nakaraang Lunes sana nila nalasap ito sa Chase Center sa San Francisco kung saan ay nahawakan ng Warriors ang pangunguna sa serye, 3-2.

Na kung hindi sana napalawig ng Wrrriors ang kanilang win road series streak, ang Celtics ang sana’y nasa bingit na ng kanilang pang ika-18 kampeonato mula noong sila’y makoronahan sa kaauna-unahang pagkakataon noong 1957.

Ang nangyari, ang Golden State ang ngayon, tungo sa Game 6 ay umusad sa isang panalo na lamang para masugkjit ang kanilang pang-apat na titulo mula noong 2015 at pang anim mula noong 1947.

“What a gut-check win!," bulalas ni Thompson matapos ang panalo na aniya’y nagpa-alaala sa kanya nang nangyari noong 2015 Finals kung kailan ang Cleveand Cavs ay lamang sa Warriors, 2-1, pero nakakuha pa rin ng paraan para talunin ang Cavs at mabingwit ang korona makaraanang anim na laro.

“You have a group of guys who are going to be in the Hall of Fame someday: Steph, Klay, Draymond,” wika ni Warriors coach Kerr.

“These guys are the constant. They have been here together throughout that span. So, they are not only gifted but they are incredibly competitive, and that’s what it takes to win on the road. You have to summon that kind of will and intensity and passion, and those guys have that.”

Isipin na lamang na 48 na oras bago ang Game 4, ay hindi pa malaman kung makalalaro si Curry na noong Game 3 ay napilay ang kaliwang paa, kapareho ng pinsalang nakamit niya sa regular season.

Sa kabila nito, sinilaban ni Curry ang ring sa kanyang 43 puntos na performance, 10 rebounds at apat nqa assist.

“This was nearly a must-win game, and to go out there and shoot as efficiently as he did, and grab 10 rebounds and they were attacking him on defense ... Steph played incredible,” papuri ni Thompson sa kakambal niya bilang “Splash Brothers” ng koponan.

Ang 43 puntos na nagawa ni Steph ay pangalawang pinakamataas niya kumpara sa 44 puntos niya laban sa San Antonio Spurs noong 2013 na ngayon ay halos limot na,

“He wasn’t letting us lose,” obserbasyon ni Green. “That’s just what it boils down to. ... He was going to come out with that type of fire, and he did.”

Tulad ni Curry, ang Warriors, kasama sina Andrew Wiggins at rookie Jordan Poole, ay hinog na at banat na sa laban. At ito ay malalaman natin ngayong araw kung kailan ay idaraos ang game 6 sa Boston.

Kakamtin na kaya ng kopoonan ng Bay Area ang kampeonato o makakabangon pa kaya ang Celtics sa hukay na kinahulugan nila?

Sa tutoo lang si Curry at ang Trio niya kina Thompson at Green ay posible pang matalo sa Game 6 para palawigin ang serye hanggaang Game 7 at talunin ang Celtics upang handugan nang Chase Center, ang bago nilang tahanan bago ang iniwan nila sa Oakland.?

Mas matamis at mas gugustuhin ito ng kanilang fans, kabilang na ang libo-libong Pilipinong naninirahan sa Bay area at karatig na lugar, pero para kay coach Steve at mga Wqrriors, panahon na para maputol ang kanillang apat na taong pagkauhaw sa tagumpay.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • World Boxing Announces Elite Division World Rankings
    , Sun, 19 Oct 2025
  • BEN WHITTAKER PRESS CONFERENCE: EVERYTHING THAT WAS SAID AS NEW MATCHROOM SIGNING MEETS GAVAZI – PLUS: VUONG vs GWYNNE II
    , Sun, 19 Oct 2025
  • BIADO, YAPP, AND DUONG POWER TEAM ASIA TO THE BRINK OF GLORY
    , Sat, 18 Oct 2025
  • Prado, Catubig dominate DTI Run
    By Lito delos Reyes, , Sat, 18 Oct 2025
  • YORK HALL FIGHT NIGHT RESULTS: GEORGE LIDDARD MAKES HISTORY TO BECOME THE YOUNGEST EVER BRITISH MIDDLEWEIGHT CHAMPION
    , Sat, 18 Oct 2025
  • Usyk in Bare Knuckle event?
    By Gabriel F. Cordero, , Sat, 18 Oct 2025
  • IIEE Singapore tops National Chess Olympiad, Quezon City Simba's Tribe wins 2 matches in PCAP
    By Marlon Bernardino, , Sat, 18 Oct 2025
  • Liddard Destroys Conway to Claim British Middleweight Title, Becomes Youngest-Ever Champion
    By Dong Secuya, , Sat, 18 Oct 2025
  • Keiron Conway vs George Liddard: Unbeaten Prospect Faces Stiff Challenge
    By Chris Carlson, , Sat, 18 Oct 2025
  • Alicaba to fight for WBC Asian Continental super fly
    By Lito delos Reyes, , Sat, 18 Oct 2025
  • DAY TWO: STARBOY MANAS STEALS THE SHOW AS TEAM ASIA EXTENDS PERFECT RUN
    , Sat, 18 Oct 2025
  • MANNY PACQUIAO PROMOTIONS INTRODUCES CHIEF FINANCIAL OFFICER AND VICE PRESIDENT TONY COHEN
    , Sat, 18 Oct 2025
  • Joseph Subia Signs with Wise Owl Boxing
    , Sat, 18 Oct 2025
  • Sirimongkhol, Midgley Make Weight for WBF World Title in Thailand
    By Carlos Costa, , Fri, 17 Oct 2025
  • ICTSI South Pacific on Oct. 28-31
    By Lito delos Reyes, , Fri, 17 Oct 2025
  • PIONEERING FILIPINO BOXERS TAKE THE SPOTLIGHT ON FIL-AM HISTORY MONTH (PART II)
    By Dong Secuya, , Fri, 17 Oct 2025
  • California Commission Backs Dana White’s ‘American Boxing Revival’ and Expanded Muhammad Ali Act
    By Gabriel F. Cordero, , Fri, 17 Oct 2025
  • MANNY PACQUIAO PROMOTIONS PRESENTS “COUNTDOWN TO THRILLA IN MANILA” AND “THRILLA IN MANILA 50”
    , Fri, 17 Oct 2025
  • Rafael Espinoza-Arnold Khegai Featherweight World Title Showdown Set for Nov. 15 in San Luis Potosí, Mexico
    , Fri, 17 Oct 2025
  • Irish welterweight contender Paddy Donovan Positioned for another World title shot
    , Fri, 17 Oct 2025
  • DAY ONE: TEAM ASIA LAUNCHES TITLE DEFENCE WITH DOMINANT WHITEWASH AS AJ ‘STARBOY’ MANAS SHINES
    , Fri, 17 Oct 2025
  • CONNOR MITCHELL SIGNS FOR MATCHROOM BOXING AND DREAMS OF SURPASSING HIS LEGENDARY FATHER
    , Fri, 17 Oct 2025
  • CONWAY-LIDDARD YORK HALL WEIGH-IN RESULTS
    , Thu, 16 Oct 2025
  • PR Run - Break Your Record on Oct. 19
    By Lito delos Reyes, , Thu, 16 Oct 2025
  • PIONEERING FILIPINO BOXERS TAKE THE SPOTLIGHT ON FIL-AM HISTORY MONTH (PART I)
    By Dong Secuya, , Thu, 16 Oct 2025




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2025 philboxing.com.