|
|
|
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Bayaning Pinoy surfer nami-mis sa 31st SEA Games By Eddie Alinea PhilBoxing.com Sun, 15 May 2022 Roger Casugay. Marraming tawag at mensahe ang natanggap ng SAKSI NGAYON na nagtatanong kung bakit walang pangalan ni Roger Casugay sa listahan ng pambansang delegasyon. Ang isang sport kung saan ay mas nakilala at hinangaan ang Pilipinas noong nakaraang 30th Southeast Asian Games na idinaos dito tatlong taon na ang nakalilipas ay hindi nnakasama sa mga paglalabanan sa taong ito sa Hanoi, Vietnam. Ang surfing na tinampukan ng pagka-maginoo at kabayanihan ni Roger na hindi inalintana ang maari niyang pagkatalo sa kanyang paboritong event at bagkus ay piniling tulungan ang kanyang nakalaban para sa gintong medalya, si Arip Nurhidiyat ng Indonesia ay natanggal sa 40 sports na paglalabanan sa Hanoi. Ito ay sa kabila ng pagsusumamo ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na dumalo sa huling pagpupulong ng committee na naatasang pumili ng event na makakasama o hindi. “We have appealed for the inclusion of several sports. They (Vietnam organizers) might accept four more sports based on the proposals of eight countries,“ pahayag ni Cavite Congressman sa kolumnistang ito sa isang panayam matapos ang birtuwal na pakikipagpulong sa SEA Games Federation. Ang surfing ay isa sa 15 sports kung saan ang mga atletang Pilipino ay humakot ng 56 na gintong medalya para masungkit ang pangkalahatang kampeonato sa ikatlong pagho-host ng bansa sa tuwing ika-apat na taong palaro noong 2019. Kabilang ang mga Olympioc events na surfing, rugby seven, jiujitsu, baseball, softball, soft tennis, duathlon, windsurfing at wakeboarding/water skiing ang mga sport na nakansela sa kalendaryo. Kung nakasama sana ang surfing, si Casugay na tubong La Union ay tikyak na nanakaw ng pansin ng kanyang kapuwa atletang kumakatawan sa 11 bansang kasapi sa SEAGF, opisyales at iba pang bisitang manonood ng Games. At aani ng lubos napaghanga, papuri at karangalan para sa bansa at sa salitang Pilipino. Tagumpay namang naipaglaban ni Tolentino ang mga Olympic sports na triathlon, skateboarding at modern pentathlon, obstacle racing, sambo at esports na lahat ay nakadagdag sa panakalahataing 149 gintong medalyang napanalunan ng Team Philippines dito mismo sa ating lupain. Hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kabayanihang nagawa ng Pinoy surfer. Umani si Casugay ng papuri at paggalang hindi lamang mula kay Arip mismo kundi maging sa pinuno at lahat ng miyembro ng delegasyon ng Indonesia at maging kay Indonesian President Joko Wijojo. PInasalamatan ni Prez Wijojo si Casugay “in upholding sportsmanship”. Tumanggap din ang Pinoy surfer ng pagkilala mula sa Senado sa pamamagitan ng isang resolusyon kinatha nina Sen. Bong Go at Sen. Nancy Binay na nagsasaad ng for “showcasing the true heart of a champion by setting aside his goal of capturing a gold medal and saved the life of a competitor without hesitation”. Si Casugay na sa kabila ng kanyang ginawa ay makamit din ang gintong medalya, ay pinarangalan “Fair Play Athlete” of SEA Games ni Panguloing Rodrigo Duterte nang siya at ang kanyang mga teammate ay dumalaw sa Malakanyang matapos ang closing ceremony sa New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac noong Disyembre 11. Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |