Philippines, 24 Jan 2026
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Kapalaran ng SEA Games at EJ Obiena, pagpupulungan sa Hanoi


PhilBoxing.com



EJ Obiena.

Matutuloy kaya ang pagdaraos ng 31st Southeast Asian Games na nakatakdang ganapin dalawandg buwan mula ngayon sa Hanoi, Vietnam?

Kung matuloy man, papayagan kayang makalahok ang pambato ng Pilipinas sa pole vault na si Ernest John Obiena, may ranggong panlima sa daigdig at naghahawak ng Asian rekord sa nasabing event?

Malalaman ang kasagutan sa mga katanungang ito simula ngayong araw hanggang sa Linggo sa kambal na kaganapang idaraos sa pangunghing lunsod ng nabanggit na bansa.

Ngayong araw ng Biyernes ay nakatakdang ganapin ang pulong ng lahat ng chef de mission ng 11 bansang miyembro ng SEA Games Federation, kabilang ang Pilipinas, ang naging punong abala sa matagumpay at makasaysayang ika-30 edisyon ng Palaro noong 2019 sa New Clark City sa Pampanga.

Isa pang kaganapan matapos ang pulong ng CDM ang idaraos mula bukas kaugnay ng kampanya ng Pilipinas na makalahok ang talentadong si Obiena sa kompetisyon sa athletics ng palarong para sa mga pinakamagagaling na atleta ng Katimugang-Silangang Asya.

Mismong si Philippine Olympic Committee president Cavite Congressman Abraham “Bambol” Tolentino ang kakatawan sa bansa sa kambal ng okasyong idaraos. Una sa pulong ng mga CDM bilang kapalit ni Philippine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez, ang opisyal na naatasang gumanap ng tungkulin na, ayon kay Tolentino, ay nakiusap na hindi makasama sa takot na mahawa ng Covid 19 virus.

“Mon (Fernandez) begged off maybe because of the reported spike of covid cases in Vietnam, which, incidentally, was also the reason why may lumabas na mga proposal na ipagpaliban muna or completely cancel the Games this year,” paliwanag ng pinakanataas na pari ng POC sa pakay sa kulumistang ito noong Huwebes.

Kasalukuyang nakikibaka ang Vietnam sa pamiminsala ng COVID-19 subalit sa tingin ni Tolentino ay walang makakapigil sa host para matuloy ang palaro sa Mayo 12 hanggang 23.

Ayon sa ulat karaniwann nang may 160,000 na kaso na ang naitatala sa mga nakaraang buwan mula noong Enero.

“So, I myself decided to take over Mon’s job as CDM, at least temporarily during Friday’s meeting of the national contingent to show the Victnam Organizers the Philippines’ resolve to help solving the problems facing them,” dugtong ni Tolentino.

“Dalawa ang misyon natin sa pagpunta sa Hanoi, una nga ay ang makatulong, bilang kaibigan, na maresolba ang kanilang problema sa anumang paraan na gusto nila. At makiusap na payagan ang ating si EJ makipagtagisan ng lakas, talino at bilis sa paraang nalalaman niya.

Ipinaliwanag pa ni Tolentino na bagamat inin-dorso na ng POC si Obiena na katawanin ang Pilipinas sa kanyang event matapos bigong makuha ng pole vaulter ang pahintulot ng kanyang local na pederasyon, ang Philippine Athletics Track an d Field Association (PATAFA), kailangan pa rin, bilang pagsunod sa kagandahang-loob, na ipagpaalam sa host ang paglahok nito.

Ang aksiyon ng POC ay base sa Article 27 ng International Olympic Committee na pinapayagan ang mga NOC ng bawat bansa na mag-rekomenda ng sinumang atleta na hindi makakuha ng indorso mula sa kanilang pederasyon para lumahok sa lahat ng kompetisyong kinikilala ng IOC gaya ng SEA Games, Asian Games, Olympic Games at iba pang regional at inter-continental Games.

Nagpahayag din ng pag-asa si Tolentino na anuman ang mangyari, may Covid 19 man o wala, ay matutuloy ang 31st SEA Games sa Hanoi. “Whatever happens in the next few days, rest assured that the Philippines is behind whatever will be the hosts decide.”

“And, of course, we in the POC, and the entire country, will be doubly glad seeing our own EJ competes against the best in the region not only for his sake, but, likewise, for Philippine sports, that of Asia and the world,” deklara ng pangulo din ng Philippine Cycling Federation.

Makakasama ni Tolentino sa Hanoi si dating POC chair Tom Carrasco, deputy secretary general Carl Sambran at golf federation secretary general Bons Floro na nauna nang nagsilisan mula Maynila.

Ang Pilipinas na siyang magtatanggol na pangkalahatang kampeon sa SEA Games ay magpapadala ng 584 atleta sa Hanoi, kabilang ang 161 coaches mula 39 sports.

Ito ay bukod pa sa may 80 atletang kakatawan sa ilan pang disiplina na naghihintay pa ng pahintulot na makasama sa lugar ng kompetisyon.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Andy Cruz vs Raymond Muratalla: Who Will Execute?
    By Chris Carlson, , Sat, 24 Jan 2026
  • Libranza to fight undefeated Tso for IBF Pan Pacific bantam
    By Lito delos Reyes, , Sat, 24 Jan 2026
  • Filipino Cue Artist RJ Bautista Ready to Shine at the Las Vegas Open 2026
    By Marlon Bernardino, , Sat, 24 Jan 2026
  • MURATALLA VS. CRUZ WEIGHTS AND RUNNING ORDER
    , Sat, 24 Jan 2026
  • Xander Zayas vs. Abass Baraou Fight Week Events to Stream LIVE on Top Rank’s Social Media Channels
    , Sat, 24 Jan 2026
  • Ballesteros not yet ready against Ocum
    By Lito delos Reyes, , Sat, 24 Jan 2026
  • Chocolatito Gonzalez to undergo shoulder surgery
    By Gabriel F. Cordero, , Sat, 24 Jan 2026
  • NM Nika finishes Sixth in Czech Republic Blitz chess tourney
    By Marlon Bernardino, , Sat, 24 Jan 2026
  • The Ninth Annual Box Fan Expo RETURNS! Saturday May 2, 2026 at the Las Vegas Convention Center, Las Vegas, NV
    , Sat, 24 Jan 2026
  • Donaire back in Cebu
    By Joaquin Henson, , Fri, 23 Jan 2026
  • MURATALLA VS. CRUZ IN LAS VEGAS FINAL PRESS CONFERENCE QUOTES
    , Fri, 23 Jan 2026
  • Four Pinoys in line for title shots
    By Joaquin Henson, , Fri, 23 Jan 2026
  • After the meeting in Mexico City, the WBC is ready for 2026
    By Gabriel F. Cordero, , Fri, 23 Jan 2026
  • Former world title challenger Jerry Belmontes Returns to ring at home after nearly a decade in Retirement on January 31 in Texas
    , Fri, 23 Jan 2026
  • SUPER MIDDLEWEIGHT RONNY ALVAREZ TRAINING CAMP NOTES
    , Thu, 22 Jan 2026
  • STRICKLAND STUNS REYES AS SOUQUET SEALS REDEMPTION | WNT LEGENDS
    , Thu, 22 Jan 2026
  • Knicks defeats Nets 120-66 to post largest margin of victory in franchise history
    By Gabriel F. Cordero, , Thu, 22 Jan 2026
  • Mauricio Sulaiman: "We simply urge Zuffa Boxing to respect and protect boxing and the boxer"
    By Gabriel F. Cordero, , Thu, 22 Jan 2026
  • January 31: Xander Zayas-Abass Baraou Junior Middleweight Title Unification Showdown to Stream LIVE on Top Rank Classics FAST Channel in the United States
    , Thu, 22 Jan 2026
  • Mike Tyson to Launch “Mike Tyson Invitational,” a Three-Day Amateur Boxing Showcase Aimed at Elevating the Future of American Boxing
    , Thu, 22 Jan 2026
  • KAIPO GALLEGOS TRAINING CAMP NOTES
    , Thu, 22 Jan 2026
  • REYES AND BUSTAMANTE DELIVER HOME-SOIL MASTERCLASS | WNT LEGENDS
    , Wed, 21 Jan 2026
  • Reigning World 10-ball Champion Filipino cue master Jonas Magpantay to see action in Indonesia pool tourney
    By Marlon Bernardino, , Wed, 21 Jan 2026
  • OLYMPIC BOXING 7: 1936 OLYMPICS AT BERLIN, GERMANY
    By Maloney L. Samaco, , Wed, 21 Jan 2026
  • Usyk and Zuffa Boxing Negotiations Update
    By Gabriel F. Cordero, , Wed, 21 Jan 2026




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2026 philboxing.com.