Philippines, 26 Oct 2025
  Home >> News

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
News  


SALA SA IN IT … SALA SA LAMIG: Nasaan ang pagka-makabayan ng PATAFA?


PhilBoxing.com




Sisimulan ang World Indoor Track and Field Championships sa ika 18 ng Marso nang wala ang Pilipino pole vaulter na si Ernest John Obiena, ang panlimang pinaka-magaling sa daigdig sa nasabing event.

Hindi nakakuha ng endorsement ang 26 anyos na Batang Tundo mula sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) para dalhin ang bandilang Pilipino sa tatlong araw na kompetiksyhon na matatapos sa Marso 20 sa Belgrade, Serbia.

“I have not been endorsed for the worlds. Registration is now closed. I won’t be attending. I am the only top-ranked vaulter not participating,” mapait na nabigkas ni Obiena sa kanyang Facebook.

“I will see other nations take the medal that Philippines should be winning,” punong-punong pagdadalamhating dugtong niya sa kanyang pagkabigong makalahok sa kompetisyong aniya’y handang-handa na siya.

Tinanggihan din ng PATAFA indorsong hiningi ni EJ para sa kanyang partisipasyon sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam, sa Pandaigdig na Kampeonato sa Hulyo sa Oregon, USA, at sa XIX Asian Games sa Hangzhou, China sa Sityembre.

Nakakuha ng upuan si EJ sa World Indoors matapos makamit ang gintong medalya sa Orlen Cup sa Poland noong nakaraang buwan kung kailan nakuha niyang liparin ang taas na 5.821 in metro.

Nasira niya ang nasabing rekord nang sumahimpapawid siya sa taas na 5.91 metro para mai-uwi ang medalyang pilak sa Perche Elite Tour sa France noong nakaraang ika-5 ng Marso.

Si EJ din ang kinikilalang pinaka-mahusay na Asyano sa kanyang event sa daigdig sa likod ng Nmero 1 si Armand Duplantis ng Sweden at Chris Nielsen, kapuwa ng USA, at Sam Kendricks, at KC Lightfoot.

“I am in prime physical and mental condition. I am ready to be the first Philippine homegrown athlete to compete in the worlds and I am ready to compete and bring home a medal,” paniniyak ng communications engineering student ng University of Santo Tomas.

“Now is my time – no, now is our time! But sadly, we will never know,” maluha-luhang wika niya. “The Philippines pays the price for people who set the country aside for personal cause.”

Bigo nang makapagpadala ng kahit isang kuwalipikadonmg atleta sa World Indoor, sinisikap namang mai-salba ng Philippine Olympic Committee ang partisipasyon ni Obiena sa SEA Games kung saan ay nakatakdang ipangtanggol ng Pilipinas ang pangkalahatang kampeonatong naipanalo ng mga Pilipinong atleta noong 2019 dito mismo sa bansa.

Batid ni POC president, Cavite Cong. Abrfaham “Bambol” Tolentino na may kahirapang mapanatili sa Pilipinas ang overall title sa ilalim ng hindi nasusulat na mantra ng tuwnig ikalawang taong palaro na “pagkakaibigan muna bago kompetisyon” na ipinatutupad tuwing may palaro.

A “sure gold,” ang turing ni POC prez sa isang gintong medealyang posibleng mai-dagdag ni EJ sa maaring mapanalunan ng pambansang delegasyong tutungo sa Hanoi. “A gold s a gold and we want to grab it.”

Kung kaya’t, paliwanag ni Tolentino, “EJ’s name must be there,” sa isang pahayag na taliwas sa saloobin ni PATAFA president, Dr. Philip “Popoy” Ella Juico na naniniwalang ang isang gold ni EJ ay mababale-wala sa maraming inaasahang maipanalo ng iba pang miyembro ng athletics team kabilang ang may mga dugong dayuhang atletang inaalagaan ng PATAFA na sa ilang taon ang nakalilipas ay kumakatawan sa bansa sa SEA Games, Asiad at maging sa Olympics.

Nasaan na ang pagka-makabayan dito? Ipinagpalit NA BA ng PATAFA ang isang purong-purong Pinoy na si EJ sa mga may dugong dayuhang alaga nila?

Sumusumpa si Tolentino na tiyak na kasama ang pangalan ni Obiena sa listahan ng atletang inindorso ng POC sa Vietnam SEA Games Organizing Committee noong Sabado, deadline ng pagsu-sumiteng mga pangalan ng mga atletang lalahok sa SEA Games.

“It’s both frustrating and disappointing if we don’t see EJ setting a new SEA Games record in Hanoi,” panaghoy na wika ni Tolentino. “Logic plays a major role here for the need to include him in the SEA Games list, this is sports and he’s a national sports pride.”


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.


Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Pedro Taduran Defends IBF 105 Belt Against Christian Balunan Sunday
    By Dong Secuya, , Sat, 25 Oct 2025
  • DAVID ALCAIDE CROWNED INAUGURAL PHILIPPINES OPEN CHAMPION
    , Sat, 25 Oct 2025
  • Bryce Mills vs. James Bernadin Venue Changed: Randolph House Hotel & Convention Center Will Host Pro/Am Card in Liverpool, New York
    , Sat, 25 Oct 2025
  • Parker vs. Wardley: Who Will Keep Winning Streak Alive?
    By Chris Carlson, , Sat, 25 Oct 2025
  • Dante “The Inferno” Kirkman Stays Undefeated with Second-Round TKO in Southern California Debut
    , Sat, 25 Oct 2025
  • Elmo Traya, Reymond Yanong, Ivan Ognayon in Action in Brico Santig's Show Today in Thailand, LIVE on TrillerTV
    By Carlos Costa, , Sat, 25 Oct 2025
  • Alessio Bisutti Fights for WBF Heavyweight World Title in Highland Show October 25 in Thailand
    By Carlos Costa, , Sat, 25 Oct 2025
  • WEIGHTS FROM NIGHT OF KNOCKOUTS XXXVI AT MOTORCITY CASINO HOTEL TONIGHT IN DOWNTOWN DETROIT
    , Sat, 25 Oct 2025
  • 30 people arrested in NBA gambling operation
    By Gabriel F. Cordero, , Sat, 25 Oct 2025
  • GM Joey beats CM Marc in Italy World Senior Standard chess tourney to climb at 2nd place
    By Marlon Bernardino, , Sat, 25 Oct 2025
  • RomyMac’s Ali memories
    By Joaquin Henson, , Fri, 24 Oct 2025
  • NBA Daily: Warriors Survive Gordon’s 50 to Beat Nuggets in Overtime 137-131
    By Reylan Loberternos, , Fri, 24 Oct 2025
  • Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. wins world seniors blitz title in Italy
    By Marlon Bernardino, , Fri, 24 Oct 2025
  • Russian athlete, first winner of 8 medals in a single Olympic Games, dies
    By Gabriel F. Cordero, , Fri, 24 Oct 2025
  • DAY FOUR: SHAW DELIVERS GREATNESS TO JOIN ALCAIDE, CAPITO AND SEVASTYANOV IN STELLAR SEMI-FINAL LINEUP
    , Fri, 24 Oct 2025
  • Six is ‘Thrilla’s’ magic numbe
    By Joaquin Henson, , Fri, 24 Oct 2025
  • CARLOS LLINAS PRESENTS TWO BOXING SHOWS IN JUST EIGHT DAYS AT SOUND BOARD IN MOTORCITY CASINO HOTEL STARTING FRINDAY OCT 24
    , Fri, 24 Oct 2025
  • Boxing Insider Returns to Tropicana Atlantic City with Local Talent and Regional Prospects on November 7
    , Fri, 24 Oct 2025
  • Lhuillier, Santos Capture Men’s A1 Title in UTP Level-Based Tennis Challenge at Hillsborough
    By Marlon Bernardino, , Fri, 24 Oct 2025
  • MANNY PACQUIAO PROMOTIONS ANNOUNCES FULL FIGHT CARD FOR THE HIGHLY ANTICIPATED U.S. DEBUT EVENT ON SATURDAY, NOVEMBER 29, IN TEMECULA, CALIF.
    , Fri, 24 Oct 2025
  • Mike Tyson visits Kinshasa, Congo to remember "Rumble in the Jungle"
    By Gabriel F. Cordero, , Fri, 24 Oct 2025
  • Former World Champ Javier Fortuna Takes on Rashidi Ellis Nov 1
    , Fri, 24 Oct 2025
  • When to stop a fight
    By Joaquin Henson, , Thu, 23 Oct 2025
  • AJ MANAS STUNS WORLD CHAMPION AS HOME HEROES DOMINATE LAST 16
    , Thu, 23 Oct 2025
  • NBA Daily: Spurs Dominate Mavs 125-92 Behind Wembanyama’s 40 in Season Opener
    By Reylan Loberternos, , Thu, 23 Oct 2025




  •  



     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2025 philboxing.com.