Philippines, 27 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Matuwid na Pamumuhay

PhilBoxing.com
Thu, 16 Sep 2010




MANILA ? Magandang araw po ulit sa lahat ng aking mga tagasubaybay, fans at mga kaibigan mula Jolo hanggang Batanes. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon saan mang sulok ng mundo.

Ako po ay nagsimula nang maghanda para sa nalalapit na laban sa Nobyembre 13 kontra sa Mexicanong si Antonio Margarito para sa bakanteng World Boxing Council light middleweight title. Halos walong linggo ang gugugulin sa ensayo at sobra-sobra pa rin ang panahon para sa paghahanda. Maganda na ring umpisahan ang pagbabalik ng hangin sa ating mga baga para pagdating dito ni coach Freddie Roach ay mas maayos ang simula ng pormal na training.

Excited na ulit akong lumaban sa magara at malawak na Cowboys Stadium sa Arlington, Texas kaya naman araw-araw na ang aking pagjo-jogging sa umaga upang magkaroon pa ako ng oras na kumain ng marami at magpahinga para sa sessions sa Congress sa hapon. So far, so good naman ang scheduling at nagagampanan ko ang aking tungkulin sa aking mga nasasaklawang kinatawan sa Sarangani province. Masaya ako dahil nagagawa ko ang dalawa sa passion ko sa buhay: ang boxing at ang manilbihan sa aking kapwa.

Of course, boxing is my passion. This is my life. This is my first love. Iba ang aking nararamdaman kapag ako ay nasa ibabaw ng ring. Kung ako ay nanonood ng boxing lalung-lalo na noong lumalaban pa ang aking kapatid na si Bobby, ako ay ninenerbiyos at kinakabahan. Pero kapag ako ay nasa ibabaw na ng ring, kakaiba ang pakiramdam. Ang takot ay napapalitan ng excitement at saya dahil ito talaga ang pangunahing pinagmulan ng kung anumang tagumpay at yaman meron ako ngayon. Boxing changes me. Being a congressman and being able to help and inspire other people around me completes me.

Sa pamamagitan ng boksing, ipinapaalala sa akin na kailangan kong kumain ng masusustansiyang pagkain. Kailangan ay balanced diet at dahil kailangan kong magpabigat para sa light middleweight division, kailangan puno palagi ang aking plato. Kung hindi ako kakain, babagsak ang aking timbang at lalaki ang kalamangan ni Margarito sa laki, taas at timbang. Sa boksing, ang pangangalaga sa aking katawan ang pundasyon ng tagumpay.

Kaya naman nang nalaman kong nagpabaya na at nagpakalulong sa bawal na droga ang aking nakalabang si Ricky Hatton ng England, lubos ang aking kalungkutan sa sinapit ng aking kaibigan. Opo, kaibigan ang turing ko kay Ginoong Hatton dahil sa labas ng ring, alam kong mabait at masayahing tao si Ricky.

Walang maidudulot na maganda ang droga kaya naman ipinagbabawal ang paggamit nito sa kahit na anumang sports discipline. Bukod sa masisira ang pangangatawan, ang pag-iisip ay lubhang maaapektuhan. Hindi ka makakapag-isip ng matuwid at mawawala ang iyong kontrol sa sarili.

Kaya payo ko rin sa lahat lalung-lalo na sa mga kabataan, mahalin natin ang ating sarili dahil dito magmumula ang simula sa pamumuhay na maayos.

Sana maayos ni Ricky Hatton ang kaniyang buhay. Don?t tell God that you have a big problem, but tell your problem that you have a great God. Kung ilalagay natin ang Diyos sa gitna ng ating buhay, walang bagay na imposible, walang bagay na mahirap. Gaya ng pag-eensayo at paghahanda ko, kapag nasa gitna ang Diyos, palaging masaya at naitatawid ko ang hirap, kahit na higante pa ang kaharap.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: File photo shows Pacquiao (R) and Hatton in England in March, 2009 during the promotion of their May 2009 fight.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.