Philippines, 27 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Kahalagahan ng Pagpapatawad

PhilBoxing.com
Thu, 02 Sep 2010




NEW YORK, NEW YORK -- Magandang araw po sa inyong lahat, mga ginigiliw kong tagasubaybay, kababayan at mga fans ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Narito po kami ngayon sa New York kung saan gaganapin ang pangalawang yugto ng tatlong siyudad na promotional tour ng nakatakdang laban namin ni Antonio Margarito sa November 13, sa Arlington, Texas.

Katatapos lang mga ilang oras kanina ang unang yugto ng press conference. Ginanap ito sa Beverly Hills sa California at sa aking palagay ay lubhang matagumpay ang press conference dahil sa pagdalo ng maraming kinatawan ng media. Pagkatapos ng press conference ay agad-agad kaming lumipad papunta dito sa New York kung saan kami magpapalipas ng gabi at magpo-promote ulit bukas ng tanghali malapit sa makasaysayan at magandang pasyalan sa Hudson River at 23rd street.

Lubhang matangkad talaga si Margarito sa una naming paghaharap sa Los Angeles at alam kong siya na ang pinakamalaki, pinakamabigat at pinakamatangkad na makakalaban ko sa buong 15 taon kong pagboboksing.

Tinanggap ko ang laban dahil sa aking palagay ay si Margarito ang makakapagbigay ng pinakamalaking pagsubok sa aking kakayahan dahil siya rin ay naging kampeon ng mundo sa welterweight division at ngayon ay may tangan ng super-welterweight na titulo.

Sa aking 15 taong pagboboksing ay aakyat ako sa pinakamabigat na timbang. Sa kauna-unahang pagkakataon ay panibagong division ulit ang aking susubukang makamit.

Opo, alam kong nahuli si Margarito at ang kaniyang coach sa pagbebenda ng kamay gamit ang ipinagbabawal na sangkap ng ?semento? o Plaster of Paris. Marami ang nagsasabing hindi na dapat bigyan ng lisensiya si Margarito dahil sa kaniyang ginawa o dahil sa kasalanan ng kaniyang trainer na siyang nagbenda ng kaniyang kamay. Ayon din sa resulta ng pagsisiyasat, walang sapat na batayan na nag-uugnay kay Margarito sa sigalot kahit na siya rin dapat ang managot sa lahat ng pagkakamaling nagawa. Nagdusa si Margarito sa kaniyang kasalanan at nabigyan ng sapat na parusa, sa aking palagay.

Mahirap maipaliwanag at maituro sa marami ang mga pangaral ng Diyos, lalung-lalo na sa nakararami. Wala sa atin ang perpekto pero marami sa atin ang hindi marunong magpatawad at makalimot. Maraming nakapaligid sa akin ang gumawa ng panloloko, pagnanakaw, paninirang-puri at pagtatangkang makaisa sa ngalan ng pagkakaibigan. Pero kadalasan, ipanapasa-Diyos ko na rin ang lahat dahil hindi para sa atin ang maghusga ng kapwa.

Sana, maipaliwanag ko pa sa nakararami kung ano talaga ang mensahe ng pagpapatawad ayon na rin sa pangaral ng Diyos. Pagkatapos ng press conference dito ay wawakasan na namin ang huling yugto ng tour sa Dallas kung saan makakasama namin ang bilyonaryong may-ari ng Dallas Cowboys stadium na si Jerry Jones sa pagpo-promote.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: (L-R) Superstar Manny Pacquiao and three-time world champion Antonio Margarito pose during a press conference in New York for their national press tour Wednesday. Pacquiao and Margarito will do battle, November 13 at Cowboys Stadium in Arlington,Texas. Pacquiao vs Margarito is promoted by Top Rank in association with MP Promotions and Cowboys Stadium. This telecast will be available live on HBO Pay Per View. -- Photo Credit: Chris Farina - Top Rank.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.