Philippines, 26 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Stereo, Estero, Steroids?

PhilBoxing.com
Sat, 26 Dec 2009



SARANGANI --- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, kayong mga ginigiliw kong mga fans, kababayan at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo. Malapit nang magtapos ang taon at binabati ko kayo ng isang Manigong Bagong taon. Sana, sa year 2010, lalong gaganda ang ating mga buhay.

Maraming mga naganap sa ating buhay nitong nagdaang taon at akala ko, matatapos lamang ang taon sa pagdiwang natin ng kapanganakan ng ating mahal na Panginoong Kristo. Hindi ko akalaing mayroon pa pala akong magiging importanteng laban sa pagpasok ng taon.

Marahil ay nababasa na ninyo nitong mga nagdaang buwan ang walang-sawang paninirang-puri ng aking mga kalaban patungkol sa aking pagkatao. Nitong mga nagdaang araw lamang, ang kampo ng aking susunod na makakalaban ay nagpalabas ng maraming maaanghang na pananalita na wala naming basehan at puro haka-haka lamang. Opo, sinasabi nila na gumagamit daw ako ng performance-enhancing drugs (PED) o mga steroids.

Ano? Stereo? Estero? Steroids? Natatawa ako na medyo naiinis dahil sa tanang-buhay ko, hindi pa ako nakakakita ng anyo o wala talaga akong nalalaman tungkol sa steroids na binabanggit nila. Tinutukoy ko sina Floyd Mayweather Sr., tatay ng aking susunod na makakalabang si Floyd Jr., si Floyd Jr., at ang CEO ng Golden Boy Promotions na si Richard Schaefer.

Ayon sa mga balita, ako raw ay gumagamit ng steroids kaya naman kakaiba raw ang lakas ko at bagsik sa ibabaw ng ring. Namamangha silang lahat at hindi makapaniwala na isang maliit na Pilipino na nagmula sa Third World ng Asya, ay tinaguriang “Mexicutioner” dahil sa halos inubos ko na raw ang mga magigiting na bayani na nagmula sa Mexico - - - sina Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Juan Manuel Marquez at Oscar Dela Hoya, kasama ang marami pang iba. Si Floyd Sr. ay hindi pa rin makapaniwala na natalo ko ang kanyang manok na si Ricky Hatton. Naaawa nga ako kay Ricky dahil pagkatapos ang laban, ni hindi man lang siya tinulungan ni Floyd Sr., bagkus ay sinisi pa.

Matapos ang laban namin ni Miguel Cotto, lalo pang umugong ang mga tsismis nila na para silang mga inahing putak nang putak. Lalo na namang hindi makapaniwala ang kampo ng mga Mayweather, kaya naman nitong isang linggo lang, gumawa pa sila ng press release na nag-utos sa akin na kailangan daw akong sumailalim sa Olympic-style drug testing.

Dahil sa mahal ko ang aking bayan at ipinaglalaban ko ang dangal ng aking bansa sa lahat ng aking mga sagupaan sa ring, at may takot ako sa Diyos na siyang pinagmumulan ng aking lakas, minabuti kong magsampa ng kaso laban sa mga naninira ng dangal ng aking pangalan, bansa at ng aking Diyos. Saksi kayong lahat, na ako po, sa simula’t sapul ng aking pagboboksing 15 taon na ang nakakaraan, ni hindi ko sinubukan at tinangkang gumamit ng PED o steroids para dayain ang aking mga kalaban. Ang kasiraan ko ay kasiraan nating lahat at malaking kahihiyan sa Diyos nating lahat na nagbigay sa atin ng mga biyayang ito.

Wala akong dapat patunayan at sana, huwag nilang yurakan ang magandang imahe ng sport na boxing gaya ng gusto nilang mangyari — ang diktahan at sampalin ang lahat ng tao at organisasyon kasama na ang Nevada State Athletic Association. I am not guilty and I don’t have to prove anything because I have passed all tests in all my previous fights. I will all just see you in court.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.