Philippines, 26 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


ISANG LINGGO NA LANG!

PhilBoxing.com
Sun, 08 Nov 2009



LOS ANGELES—Magandang araw po sa inyong lahat, sa mga minamahal kong tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Opo, ilang tulugan na lang at araw na ng laban. Isang linggo na lang ang nalalabi at sasabak na naman ako muli sa isang digmaan na siguradong papanoorin ng halos lahat ng fans ng boksing at kasama na rin ang halos lahat ng aking mga kababayan. Excited nap o talaga ako.

Isa-isa nang nagdadatingan ang aking mga kaibigan, mga taga-suporta at mga mahal sa buhay at pamilya upang sabayan ako sa aking pagpunta sa Las Vegas, Nevada sa Lunes, Nov. 9. Nakahanda na ang mga sasakyan, isa rito ay isang magarang bus na ginamit pa namin mula noong isang taon. Nakadikit doon ang aking malaking larawan at inaasahang puno na naman ito ng mga tao. Dahil sa hindi kasya ang isa lang na bus, marami pang sasakyan ang siguradong makakasabay namin patungong Las Vegas, kung saan magaganap ang laban.

Alam kong handa na rin si Miguel Cotto, ang kampeon ng welterweight division na magtatanggol ng kaniyang korona sa November 14 sa MGM Grand Garden Arena sa harap ng isang punong stadium.

Dahil ako ang challenger sa titulo ni Cotto, inaasahan ng marami na kailangan kong maipakita ang liksi, bilis at tapang sa laban. Kailangan ko ring patunayan na ako nga ay karapat-dapat na tanghaling pound-for-pound best boxer sa buong mundo kahit na ako ay lubos na mas maliit kaysa sa natural na welterweight na si Cotto. Sa laban na ito, kailangan kong magpalaki ng katawan upang hindi naman ako madehado sa lakas at bigat sa laban.

Nakakagulat pero nakakataba rin ng puso na malaman ko na ako ang paborito sa laban na ito kahit na ako ang challenger at kahit na mas maliit. Kaya naman pinag-iibayo ko ang training at paghahanda at sa tingin ko ay halos nagawa na namin ang aming asignatura upang pag-aralan ang lahat ng kahinaan at lakas ng kalaban at ang mga pagkakamali niya sa mga nakaraan niyang mga laban. Sa tingin namin ni coach Freddie Roach at kasama ng aking mga Team Pacquiao members, malaki ang pag-asa nating makuha ang pinaka-aasam na record—ang ikapitong world title sa ikapitong weight division—na wala pang nakakagawa sa kasaysayan ng sport na ito.

Nagpapasalamat ulit ako sa mga miyembro ng media na tumulong at tumutulong na mapaganda ang imahen ng boksing. Kung wala sila, wala ring Manny Pacquiao. Special mention also goes to the staff and writers of the prestigious Time Magazine, which put me in the cover of their Asian edition. It is an honor to be written and talked about in that publication. That also includes all the newspapers and internet websites that continue to give support to boxing.

Halos pababa na ang intensity ng training at sa ngayon ay mental at spiritual training na ang focus ko. Sana po ay ipagpatuloy na rin natin ang pagdarasal para sa isa’t-isa para sa tagumpay nating lahat.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Photo: Manny Pacquiao graces the cover of TIME magazine on its latest Asian edition.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.