Philippines, 26 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


LET'S GET IT ON!

PhilBoxing.com
Sun, 01 Nov 2009




LOS ANGELES — Isang magandang pagbati ang gusto ko sanang iparating sa inyong lahat, nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo. Dalawang linggo na lang at bakbakan na! I am so excited because I think I am very much ready and prepared for the fight against Miguel Cotto on November 14 at the MGM Grand Arena in Las Vegas.

Napakabilis talaga ng takbo ng panahon, ang takbo ng oras. Kamakailan lamang ay nagsisimula pa lang kami sa paghahanda sa laban at ngayon ay halos malalampasan na namin ang pinakamahirap na yugto ng training papasok sa huling dalawang linggo bago ang laban. Bukas, araw ng Sabado, inaasahan kong sasabak ako sa 12 rounds ng sparring kontra sa tatlong sparring partners at mula roon ay pababa na nang pababa ang bilang ng rounds ng sparring habang pataas nang pataas na naman ang lebel ng mental preparation para sa laban.

I feel very good. Training camp has been perfect so far and my trainer Freddie Roach and I think we have a great chance of beating the welterweight champion of the world. Let’s get it on! You know…

Sa tingin namin, napaghandaan na ng aking training team ang halos lahat ng posibleng maaaring gawin ni Cotto sa laban sa tinaguriang pinakamalaking laban ng taon. Handa kami sa anumang maaari niyang gawin sa laban at sa aming palagay ay malaki ang tsansa nating makuha ang minimithing record sa boxing na wala pang nakakagawa, ang makakuha ng ikapitong world title sa ikapitong weight division. Kung papalarin, ako pa lang ang makakagawa noon.

Kontra sa mas malaki at mas malakas na kalaban, kailangan kong pag-ibayuhin ang bilis at pantayan ang kanyang lakas kahalo ng isang masusing technique upang maungusan ko ang kalaban, ang idolo ng Puerto Rico. Hindi naman nagkakalayo ang aming height kaya hindi naman gaanong kalakihan ang kaniyang kalamangan. Ang style ni Cotto, iyong hindi umaatras sa harapang sagupaan, ay lubhang kapana-panabik para sa lahat. Iyan ang gusto ko at iyan ang gustong panoorin ng lahat ng fans ng boksing. Sa tingin ko, itong laban na ito ang isa sa pinakamahirap at pinaka-exciting na laban sa kabuuan ng aking career.

Gaya ng huli kong tatlong laban, ang lightweight championship kontra sa lightweight champion na si David Diaz; ang “Dream Match” namin ni Oscar “Golden Boy” Dela Hoya sa 147 pounds; at ang light-welterweight championship na laban namin ni Ricky Hatton, wala akong naging problema sa timbang at bagkus ay pilit nga akong kumakain ng marami. Sobra-sobra ang aking pagkain dahil kung hindi ay mabilis akong papayat. Nakakatuwang isipin na noong isang taon lamang, sa buwan ng Marso, ako ay lumalaban pa rin bilang isang super-featherweight, 17 pounds na diperensiya ng timbang mula noong makuha ko ang isa pang titulo.

Sa loob ng isa at kalahating taon mula noon, maraming mga bagay ang nangyari na at lahat ay magaganda at halos hindi kapani-paniawalang mga pangyayari. Marami ang naniniwala at karamihan ng mga boxing fans ang nagsasabi na ako ay ang No. 1 pound-for-pound best boxer, kaya naman dapat kong patunayan ito sa tulong ninyong lahat dahil kayo ang aking inspirasyon. Sa inyong mga panalangin nagmumula ang lakas, tapang at pagsusumikap na malusutan ko lahat ang mga pagsubok sa buhay. Sana ay ipagpatuloy natin ang pagdarasal para sa isa’t isa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.