Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Kahalagahan ni Nonoy Neri

PhilBoxing.com
Mon, 07 Oct 2013



GENERAL SANTOS CITY ? Maayong adlaw sa inyong tanan! Panalangin ko ay nawa lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan habang binabasa ninyo ang kolum na ito saan man kayo naroroon sa mundo.

Dalawang buwan na lang ang nalalabi para paghandaan ko ng puspusan ang aking laban sa Nov. 23 (Nov. 24 Philippine time). Sigurado akong naghahanda na rin ng todo ang aking kalaban na si Brandon Rios kaya ganado ako sa paghahanda para makabawi sa labang ito.

Habang wala pa sa Pilipinas si coach Freddie Roach upang pamunuan ang aking training camp sa General Santos City, ang aking Pinoy team ang umaalalay sa aking conditioning.

Si Roach, na siyang nagte-training sa isang kaibigan at dating katunggali na si Miguel Cotto, ay darating pagkatapos ang laban ni Cotto sa Oct. 5.

Nabanggit ko noon na sina Buboy Fernandez at Nonoy Neri ang dalawa sa mga inaasahan ko sa training. Nasimulan ko nang ikuwento ang samahan at sakripisyo namin ni Buboy simula pa noon.

Ngayon naman, si Raides ?Nonoy? Neri naman ang aking ipakikilala sa inyo. Matagal ko nang kasama at kaibigan si Nonoy at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong mga ?heneral? ng aking team.

Simula pa noong late 1990s, nagkasama na kami ni Nonoy sa boksing. Ngayon, kasama siya sa ?pamilya? na aking itinuturing at kahit na iyong kapatid niya ay kasama ko rin araw-araw.

Flyweight pa lang ako ay subok ko na ang kakayahan ni Nonoy. Sa pagdaan ng panahon, naging dalubhasa na rin si Nonoy sa pag-training at conditioning ng mga boxers.

Tubong-Davao si Nonoy at magaling ding magluto at siya ang umaasikaso sa nutrisyon ng aking katawan habang nasa training.
Si Nonoy ang nag-uutos sa team kung ano ang aking kakainin sa pang-araw-araw at isa ito sa mga mahahalagang bagay na susi sa aking tagumpay.

Masasarap na pagkaing Pinoy ang niluluto ni Nonoy at kabisado na niya ang aking panlasa. Kung hindi sa kanya, madaling babagsak ang aking katawan dahil kinakailangan ko ang maraming bitamina at mineral upang matugunan ang aking pangangailangan sa training.

Bukod dito, alam at kabisado na naman ni Nonoy ang trabaho ni Alex Ariza, na hindi na kasama sa team sa pagkakataong ito. Si Ariza ang dati kong conditioning coach at sa ngayon, wala naman akong pangangailangan na hindi natutugunan ni Nonoy.

Sa ngayon, ang mga makabagong training techniques ang ginagamit namin sa paghahanda, kasama na rin ang swimming, sprinting at plyometrics.

Nalulugod akong ipamalita sa inyo na masaya kami sa training at sana maging matagumpay ang lahat sa paghahanda para sa laban.

Sa darating na buwan, darating pa ang ibang miyembro ng aking team tulad ni Marvin Somodio upang makumpleto ang makabagong Team Pacquiao.

Mahalaga ang pagkakaisa at ang isang masayang training camp dahil hindi biro ang training. Naniniwala akong makakabalik ako sa rurok ng tagumpay matapos ang pagkalugmok natin noong isang taon sa tulong na rin ng Poong Maykapal.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. May Almighty God Bless Us All.




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.