Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Pasasalamat Sa Mga Elorde

PhilBoxing.com
Sun, 27 Mar 2011



MANILA--Isang magandang araw po muli ang nais kong ipamahagi sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga sumusubaybay ng kolum na ito at sa lahat ng aking mga kababayan saan mang sulok ng mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.

Bahagya naantala ang aming training camp sa Baguio City at bumaba muna kami sa Paranaque at sa Manila upang bigyan pagpapahalaga ang ilan sa mga bagay na malapit sa aking puso. Tutal, weekend naman at mabilis kong nakuha ang kondisyon na dapat ay sa kalagitnaan pa ng training camp.

Iyan po ang mahirap minsan, iyong mag-peak ka sa kondisyon na hindi tama sa oras. Kapag maaga kang nag-peak, hindi ito maganda dahil masusunog ka sa laban. Ang tamang batayan ng paghahanda ay ang pagkuha ng peak performance sa mismong araw ng laban o iyong huling linggo patungo sa laban. Kaya naman, minabuti na rin naming dumalo sa ika-11 pagsasabuhay ng Elorde Awards, ang isa sa pinaka-prestihiyosong boxing awards ceremonies sa bansa.

Nagpapasalamat ako kay Ginang Laura Elorde, ang asawa ng alamat ng Philippine boxing na si Gabriel "Flash" Elorde, sa pagbibigay sa akin ng Quintessential Athlete Award, ang pinakamataas na parangal na naigawad sa isang boxer sa anumang panahon. Siyempre, pagpupuri at pagpupugay ang aking ibinibigay kay "Flash" Elorde dahil kung hindi sa kanya at sa iba pang mga bpxer na naglinis ng landas para sa aming mga kasalukuyang boxers, mahihirapan kaming tahakin ang parehong landas na pinagdaanan nila.

Kung wala si "Flash" Elorde, marahil wala ako ngayon. At minsan, isa sa mga anak ni Elorde--si Marty--ang gumabay sa akin bilang manager noong ako ay nagsisimula pa. Pasasalamat din sa lahat ng mga anak ni "Bai" kasama na diyan sina Bebot, Johnny, Rita, Malou, Theresa at Cucuy.

Hindi pahuhuli diyan ang asawa ni Johnny na si Liza, ang punong-abala sa selebrasyong ito at kung wala si Liza, hindi magiging matagumpay ang awards night na ito na dinaluhan din ng mga kampeon ng boksing nang nagdaang panahon. Kasama rin ang mga kasalukuyang kampeon at ang beteranong referee ng boksing na si Carlos Padilla. Naroroon din si Z Gorres, isang magiting na boksingero na nagbibigay ng inspirasyon sa marami.

Marami pang mga bagay ang dapat gawin ng bawat isa sa atin, maging ang mga sumisibol na mga boxer sa bansa. Gaya ko, marami pa ring mga bagay ang dapat kong gawin, kahit na nakamit ko na halos ang lahat ng mga parangal na kayang makamit ng isang boxer kahit man lang sa panaginip.

At dahil sa nakamit natin ang isa sa mga pinakamataas na awards sa bansa at sa mundo, hindi magtatapos diyan ang laban. Mayroon pa rin akong mahirap na sultada sa May 7 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada at iyan ay kontra sa beteranong si "Sugar" Shane Mosley.

Sana po ay hindi kayo magsawa sa inyong mga panalangin at suporta dahil lahat ng ito ay para sa ating lahat, at para sa kinabukasan ng bansa.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Pacquiao (C) poses with Laura Elorde (R), and Johnny Elorde (L) widow and son of the late Gabriel 'Flash' Elorde during this year's Elorde Awards at the Sofitel Hotel in Manila Friday.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.