Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Isang Malaking Karangalan!

PhilBoxing.com
Thu, 17 Feb 2011



WASHINGTON D.C. -- Isang magandang araw po ang aking ipinaaabot sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin, ako po ay mabuting-mabuti at halos ay nasa Cloud 9.

Marahil ay nabasa na ninyo ang balita nitong mga nakaraang araw kung saan inumpisahan at tinapos namin ang promotional at media tour ng papalapit naming laban ni "Sugar" Shane Mosley sa May 7. Mula Los Angeles, tumungo kami sa Las Vegas at New York upang imbitahan ang lahat na manood ng aming laban sa MGM Grand Garden Arena ng Las Vegas.

At sa huling araw ng aming promotional at media tour, nakaharap ko at nakasalamuha ang dalawa sa marahil ay pinakamakapangyarihang tao sa mundo. Sa umaga ng Feb. 15, si Senate Majority Floor leader Harry Reid ang nag-host sa akin ng isang madamdaming pagpapalitan ng mga bandila ng America at Pilipinas. Bilang Congressman ng Sarangani province, isang malaking karangalan ang pagpupugay sa okasyong ito.

At sa hapon naman, hindi mapapantayan ang saya at excitement nang ang pinakamakapangyarihang pinuno ng mundo--si US President Barack Obama--ang nagpaunlak na ako ay i-host sa White House.

Hindi ko lubos maisip na minsan ay itinuring akong bale-wala sa lipunan. Sa sobrang kahirapan at karukhaan, halos hindi kami napapansin bilang mamamayan at kung kami man ay pumanaw sa mundo, walang papansin sa aming sinapit. Ngayon, ang presidente ng United States of America ang aking nakaharap at lubos ang aking kasiyahan.

Naging masaya kahit man nakakapagod ang promo and media tour dahil si Mosley ay naging isang mabuting katunggali at pinatunayan niya sa akin na isa siyang maginoo at edukadong boxer. Hindi siya mayabang, marunong rumespeto at alam ko, ang mga katulad ni Mosley ang mga mas mapanganib na kalaban kaysa sa mga boxer na puro dada at bumubunganga.

Natapat ding Valentine's Day noong isang araw at kasama ko sa lahat ng sandali ang aking pinakamamahal na asawang si Jinkee, ang ina ng aking apat na mga anak. Nagkaroon kami ng pagkakataon na masolo rin namin ang isa't-isa sa gitna ng mahigpit na schedule kaya naman inspirado na akong bumalik sa ring at mag-ensayo.

May ilang araw pa ako sa America upang asikasuhin ang iba pang detalye para sa laban bago bumalik sa Pilipinas. At sa pagkakataong ako ay magti-training, marahil ay magpapagupit na rin ako. Marahil... basta bago ang laban ay babawasan ko na rin ang mahaba kong buhok. Para sa mga hindi nagkakagusto sa aking bagong hair-do, sana naman ay respetuhin nila ang freedom of expression at choice ng bawat nilalang.

Excited na talaga ako dahil kailangan kong patunayan sa marami na karapat-dapat ako sa titulong iginawad sa akin bilang No. 1 pound-for-pound best fighter in the world.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Superstar and Filipino Congressman Manny Pacquiao(R) meets with Senate Majority leader Harry Reid on Capitol Hill Tuesday in Washington as part of a goodwill tour. -- Photo Credit: Chris Farina - Top Rank.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.