Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Walang katapusang pasasalamat

PhilBoxing.com
Thu, 25 Nov 2010



MANILA?Isang magandang araw po ulit sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga tumangkilik ng aking huling laban kontra sa Mehikanong si Antonio Margarito may sampung araw na ang nakakalipas. Sana ay nasiyahan kayo sa resulta ng bakbakan at nakapagbigay ulit ako ng dahilan upang lalo nating mahalin ang ating bayan.

Isang walang katapusang pasasalamat ang nais kong ipahatid sa inyong lahat, dahil sa gitna ng matinding pagsubok at panganib, naniwala kayo na kaya nating talunin ang dambuhalang kalaban na mas malaki, mas malakas at mas matangkad sa atin. Sa tulong ng Panginoong Diyos, hindi tayo lubhang nasugatan o napinsala at nakaligtas tayo sa kapahamakan.

Sa buong buhay ko, ang aking pananalig sa Diyos ang siyang totoong sikreto ng aking pag-angat mula sa paghihikahos. Ang pagiging maralita ay hindi naging hadlang upang ako ay sumuko o gumawa ng masama upang makatawid lamang sa kahirapan. Dahil sa turo na rin ng aking mahal na ina, lalo kong napagtanto ang mga sikreto ng buhay, kasama na diyan ang pagiging isang mandirigma at kawal ng Panginoon.

Marahil ay alam na ninyong lahat na nakamit ulit natin ang isa sa mga pinakabihirang record sa larangan ng boksing at iyan ay ang pagkopo natin sa ikawalong world championship title sa ikawalong magkakaibang weight divisions. Opo, nabura ulit natin ang record na aking naitala noong isang taon nang makuha ko ang pambihirang ikapitong world championship title sa ikapitong weight division. Sa inspirasyon na binibigay ninyo sa akin sa bawat laban, bago man, sa kasalukuyan o matapos ang laban, napapagaan ninyo ang mabigat na bagay na nakatuon sa aking mga balikat.

Sa pamamagitan ng inyong mga pinagdugtong-dugtong na mga panalangin, lumakas at narinig sa itaas ang ating mga hinaing. Kaya naman sana, huwag tayong makakalimot din upang pasalamatan ang Dakilang Lumikha dahil kung wala siya, hindi natin makakamit ang tagumpay na ating natatamasa sa kasalukuyan.

Hindi pa po ako titigil sa pakikipaglaban. Sa itaas man o sa labas ng ring, tuloy ang pag-ikot ng mundo nating lahat. Matapos akong makapag-ikot at makapagpasalamat sa lahat ng tumulong sa akin, hindi pa rin ako titigil sa pagtulong sa aking mga kababayan lalung-lalo na sa aking mga kinatawan sa distrito ng Saranggani kung saan ako Congressman. Dahil sa aking pangako, tutuparin ko ang pagbibigay ng karagdagang puhunan para makaahon sa kahirapan at kamangmangan ang marami sa aking mga kababayan.

Siguro, kaya ako pinagpala ng Panginoon ay dahil mayroon siyang mas malalim na pakay. Kaya naman hanggang sa maaabot ng aking kakayahan at makakaya, sinusubukan kong gampanan ang mga bagay na dapat kong gawin at kahit papaano ay naibabahagi ko sa iba ang ilan sa aking pinaghirapan. Kaya naman, wala pa ring patid ang pagpapasalamat ko sa inyong lahat dahil kayo rin ang dahilan kung bakit ako lumalaban at nananalo.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com

* * *

Photo: Philippine President Benigno Aquino III receives a miniature belt and souvenir shirt from Filipino boxing champion Manny Pacquiao and his wife Jinky during a courtesy call at the Malacanang premier guest house lobby in Manila November 20, 2010. Pacquiao, now a Philippine congressman, eventually cemented his place in the pantheon of boxing greats by recording an unanimous points victory over Mexican Antonio Margarito on Saturday to claim the vacant WBC super welterweight title. REUTERS/Robert Vinas/ Malacanang Photo Bureau.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.