Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Matinding Pagsubok

PhilBoxing.com
Sun, 31 Oct 2010



LOS ANGELES?Magandang araw po ulit sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga sumusubaybay ng kolum na ito. Binabati ko rin ang aking mga kababayan at fans sa lahat ng sulok ng mundo, saan man kayo naroroon. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.

Dalawang linggo na lang ang bibilangin at ang laban na hinihintay ng marami ay mangyayari na sa Nov. 13 sa Arlington, Texas. Handa na ang malawak na Cowboys Stadium na inaasahang dadagsain ng maraming boxing fans ang laban na ito para sa bakanteng World Boxing Council super-welterweight title.

Ayon sa mga bali-balita, si Antonio Margarito ng Mexico, na siya kong makakaharap sa isa sa pinakamahirap kong laban, ay handang-handa na rin. Alam kong matindi ang motibasyon ni Margarito kaya naman pinagbubuti ko rin ang pagsasanay para sa mahalagang laban na ito.

Kung tayo po ay papalarin sa pagsubok na ito, mapagbubuti natin ang record na hinahawakan ng isang Filipino, na siyang may tangan ng pitong world title sa pitong magkaka-ibang weight division. Para sa inyo ang laban na ito at sana ay makuha natin ang ikawalong title sa ikawalong weight division sa sagupaang ito.

Inaasahang mag-iispar ako ng 12 rounds bukas o sa makalawa, at ito ang isa sa pinakamahirap na yugto ng training matapos kaming nag-spar ng 11 rounds noong Huwebes. Tatlong sparring partners ang aking nakaharap at kabilang dito sina Rashad Holloway, Rey Beltran at David Rodela. Pagkatapos ng linggong ito, bababa na ang bilang ng rounds ng sparring habang papalapit na ang laban.

Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahangad na makuha ang pinakamagandang kondisyon para sa laban na ito at masasabi kong maganda na ang resulta ng aking paghahanap sa bilis at lakas na siyang magiging susi natin para sa tagumpay. Masaya naman ang training camp dito sa Los Angeles at sa ikalawang linggo ng Nobyembre kami tutulak papunta sa Texas.

Malaki man ang kalaban, mas matangkad at mas mahaba man ang mga kamay, tiwala kami ni coach Freddie Roach na ang mga naihanda naming strategy sa laban ang pipigil sa dambuhalang si Margarito. At sa tulong ninyo at ng inyong mga panalangin, magwawagi at magbubunyi tayo sa huli.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Superstar boxer and Filipino congressman Manny Pacquiao (L) speaks at a rally for US Senator Harry Reid, D-Nevada (C) as Hall of Fame Top Rank promoter Bob Arum (R) looks on at Orr Middle School in Las Vegas Friday. Reid is running for re-election against Republican challenger Sharron Angle. Pacquiao takes on three-time world champion Antonio Margarito on November 13, at Cowboys Stadium in Arlington,Texas. Pacquiao vs Margarito is promoted by Top Rank in association with MP Promotions and Cowboys Stadium. The Pacquiao vs Margarito telecast will be available live on HBO Pay Per View. -- Photo Credit : Chris Farina - Top Rank.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.