|
|
|
Paghanga kay Gerry Pe?alosa PhilBoxing.com Thu, 14 Oct 2010 BAGUIO CITY -- Isang magandang araw po ang nais kong iparating sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga sumusubaybay sa kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang sulok ng mundo kayo naroroon. Isang buwan na lang po ang binibilang natin bago tayo sumabak sa isa sa mga pinakamahirap na laban ng aking boxing career, ang pagharap ko sa higanteng si Antonio Margarito sa November 13 sa Dallas, Texas. Handa na raw ang malawak na Cowboys Stadium at inaabangan na ng marami ang laban na ito. Patungo na rin sa pinakamatinding yugto ang training at paparami na ang bilang ng rounds sa sparring habang ang conditioning coach ko naman ay abala sa pagbibigay sa akin ng mas mahirap na drills upang hindi mawala ang aking bilis habang pinalalaki ko ang aking katawan para sa pinakamabigat kong timbang mula nang ako ay magsimulang magboksing. Susubukan nating makamit ang ikawalong sinturon, ang WBC super-welterweight title kontra sa Mexicanong kalaban, na siya ring isa sa pinakamatangkad at pinakamalaking makakalaban ko mula pa noong ako ay magsimula. Mas malaki si Margarito kaysa kay Oscar Dela Hoya at lamang halos siya sa laki, taas at haba. Kaya naman pinagbubuti ko ang pagsasanay, dahil kung makakamit natin ang tagumpay, ito ang magiging karagdagang titulo na siya na namang bubura sa record na pitong world titles sa pitong magkakaibang dibisyon. Opo, isang Filipino ang may tangan ng record na iyan at sana, mapalawig natin lalo ang record na iyan. Utang na loob ko ang pagkamit ng mga titulo sa mga nagdaang kampeon ng Pilipinas gaya nila Gabriel Flash Elorde at kamakailan, si Gerry Penalosa. Nanalo si Penalosa sa huli niyang laban noong Linggo at nagpasya siyang magretiro na sa edad na 38. Ang mga naunang boxer sa akin ang nagsilbing inspirasyon ko, lalung-lalo na si Pareng Gerry na naka-spar ko pa noong ako ay nagsisimula pa lang. Marami akong natutunan kay Ginoong Penalosa na isa sa mga pinakamagaling na boxer ng bansa kaya naman nakuha niyang maging kampeon sa dalawang weight divisions. Bukod doon, ang kaniyang disiplina sa pangangatawan ang isa sa mga dapat nating tularan. Alaga niya lagi ang kaniyang kalusugan kaya naman kahit na umabot siya sa edad na 38, isa pa rin siya sa mga kinatatakutan at nirerespetong boxer. Mahigit na 55 na panalo ang record ni Penalosa maliban sa ilang talo at masasabi kong matagumpay ang naging boxing career niya. Good luck sa iyo, pare, sa mga proyektong iyong plano ngayong retired ka na. Alam kong marami ka pang maibibigay at maipapamahaging magagandang tulong sa mga boxer na susunod sa iyong yapak habang ako naman ay magsusumikap din na dagdagan at itaguyod ang sinimulan ninyong lahat?ang bigyan karangalan ang bansang minamahal natin. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |