Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Ilog ng Ating Buhay

PhilBoxing.com
Sun, 10 Oct 2010



BAGUIO CITY ? Isang magandang araw po ulit ang aking ipinararating sa inyong lahat saan man kayo naroroon sa mundo, mula Luzon, Visayas at Mindanao, mula sa Filipinas hanggang sa America at saan mang sulok ng mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.

Katatapos ko lang mag-spar ng apat na rounds kontra sa boksingrerong si Glen Tapia at medyo maganda na po ang kundisyon natin patungo sa laban kontra kay Antonio Margarito sa dambuhalang Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. Sana ay itala na ninyo ang petsa ng laban sa inyong mga kalendaryo: Nobyembre 14 ng tanghali dito sa Filipinas, November 13 ng gabi sa America.

Nasisiyahan naman po ang ating team sa nakikita nilang pagbabago at improvement ng timing at sa pagtaas ng antas ng kahandaan natin para sa laban. Alam kong mahirap ang labang ito kaya naman puspusan ang aking paghahanda upang sagutin ang alinmang pagsubok na maaaring ibato sa atin ni Margarito.

Gayunpaman, hindi pa rin tayo titigil. Malayo pa ang ating lalakbayin at marami pa tayong pawis at dugong ibubuwis upang makamit natin ang tagumpay. At kahit na nakatutok ang lahat sa training camp, hindi pa rin natin maiipaisang-tabi ang aking responsibilidad bilang isang nahalal na Kongresista na kumakatawan sa lalawigan ng Sarangani at bukod diyan, isa sa mga sumusuporta sa pangangalaga ng kalikasan.

Habang isinusulat ko ang kolum na ito ngayon ay katatapos lang ng sparring, at kaagad gumayak patungong Manila upang makapiling ko ulit ang aking pamilya at maghanda para sa malaking proyekto para sa makasaysayang Ilog Pasig sa Linggo, October 10, 2010 o kung isusulat ay 10-10-10. Sa araw na ito na maaaring maging isa sa mga petsang madali nating maaalala sa ating buhay, inaasahang dadagsa ang mahigit na 120,000 katao upang buhayin muli ang Ilog Pasig.

Ang ?Run for Pasig River? project ay maaaring makapagtala ng isang record sa pinakamaraming kataong kasali at bukod dito, ang pondong makakalap ay gagamitin para sa pagsagip at pagbabalik-sigla sa ilog na ito na pinagkukunan at pinanggagalingan ng kabuhayan ng marami sa atin. Mula Manila sa tabi ng Malacanang, hanggang sa Makati, Mandaluyong, Quezon City, Pasig hanggang Marikina, ang Ilog Pasig ay isa sa mga pangunahing bahagi ng ating mga buhay mula pa nang tayo at ang ating mga ninuno ay bata pa.

Ito ang ilog ng ating mga buhay, at dito tayo magkakabuklod-buklod. Ang kamatayan ng ilog ng ating buhay sanhi ng paglalason ng mga industriya at ang simpleng pagtatapon ng basura ay para na ring pagwasak natin sa mga henerasyon ng mga bayani na nag-alay ng kani-kanilang buhay upang tayo ay maging malaya at upang makamit natin ang tinatamasa nating kasaganahan. Ang pagpatay at pagbara ng mga lagusan sa ilog na ito ay paglalapit sa ating kapahamakan dahil sa mga baha. Sa Linggo, dadalo ako upang makiisa sa inyo.

Gaya ninyo, ako po ay isa lang ang aking bilang pero kung magbibigkis tayo, malaki ang ating magagawa. Gaya rin sa mga nagdaan kong mga laban, hindi ko maaabot ang tagumpay kung wala kayong sumusuporta sa akin. Bawat dasal ng isa ay naririnig sa langit. Gaya ng proyektong pagsagip sa Ilog Pasig, sana ay magsama-sama ang lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.