Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Mayweather, Don King: Let's get it on

PhilBoxing.com
Sun, 08 Aug 2010




MANILA -- Magandang araw po ulit sa lahat ng masusugid na tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin ay nasa mabuting kalagayan naman po ako.

Halos tatlong buwan at isang linggo na lang bago dumating ang pinakahihintay at pinaka-aabangan ng karamihan sa inyo. Napakabilis ng panahon at hindi natin mamamalayan at sasapit na ang Nov. 13. Sa petsang ito ako nakatakdang lumaban at medyo excited na akong bumalik sa ring at mag-ensayo. Nami-miss ko ang amoy ng gym at ang paghahanda sa laban pero gayunpaman, nag-eenjoy naman ako sa Congress kahit na maraming trabaho ang nakatambak.

Hindi naman po nangangahulugan na tinatalikuran ko na o mapapabayaan ko ang aking responsibilidad bilang isang Kongresista sa panahon ng paghahanda sa laban. Sa tingin ko, ang pag-aayos lang ng aking work schedule ang susi para mapadali ang lahat. Mahirap man, wala namang problema at kaya kong magampanan ang aking mga tungkulin sa abot ng aking makakaya. Inspirado akong ipakita sa lahat ng aking nasasaklaw na kahit na ako ay isang bagitong Congressman, kaya kong tuparin ang mga pangakong aking binitawan noong panahon ng kampanya para sa eleksyon.

Namo-monitor ko ang mga kaganapan sa aking distrito at hindi rin naman ako nagpapabaya sa aking kalusugan kahit na dumami ang aking trabaho.

Kahit na busy ako, nasasagap ko pa rin ang pinakasariwang mga balita, gaya ng napipintong pagsasama diumano ni Floyd Mayweather Jr. at ng batikang promoter na si Don King. Ikinagagalak kong malaman na nagbabalak silang magtulungan para sa kanilang kinabukasan. Natutuwa ako dahil baka naman ngayon ay magbabago na ang ihip ng hangin at biglang magdedesisyon si Mayweather na labanan akong bigla.

Kahit na hindi pa final ang pagtatambal nina Mayweather at King, nakikinita ko na ito ay maganda para sa isa't-isa. Sana ay magkasundo sila sa lalong madaling panahon.

I hope Mayweather is serious enough in doing business with Don King and is not doing this only to save face. I hope Don King does the same in return, that he can make miracles happen. I say this to both these men: Let's Get It On. Fight like warriors and brave men. I am the champion, I have the belts and I should not be the one challenging you. I should not even be the one trying to make this fight happen. But Pacquiao vs Mayweather is what everyone wants, that's why I am calling out your names. My promoter Bob Arum will be waiting for your call and will be very glad to hear what you have to say. The sooner, the better...

Marami pang mangyayari sa loob ng tatlong buwan at kung talagang hindi duwag si Mayweather, kailangan niyang patunayan ito sa ibabaw ng ring. Nagbigay na ako ng mga palugit at tinanggap ko ang ilan sa mga requests ni Mayweather para lang matuloy ang laban. Sa ngayon, si Antonio Margarito ng Mexico ang matunog na kapalit ni Mayweather sa November 13 pero para sa akin, walang kasing-gandang balita kung magpapalit ng isip ang kampo ni Mayweather at siguradong lahat ng boxing fans o kahit na mga sports fans ang tututok sa labang ito.

Sigurado ako, itong laban na ito ang pag-uusapan ng lahat sa susunod na tatlong buwan. Tiwala ako na kakayanin ng mga promoters na maisaayos ang lahat sa loob ng panahong ito at lahat ng mga dapat na kasali sa pagtataguyod ng laban na ito ay kikilos para lang matupad ang laban na ito.

This is the only way for Mayweather to save face. Make the fight happen in November and stop using Mr. Don King for publicity stunts. He claims he is the best. He says he is No. 1. There is only one way to prove his greatness and that is to face me. I should be ready by November.

Kung hindi naman, handa pa rin akong labanan ang kahit na sinong maihaharap sa akin ng aking promoter. Sa ngayon, wala pa akong final na balita sa negosasyon tungkol sa Margarito fight at hinihintay ko pa ang mga bids na nagmumula sa iba't-ibang sites.

Sa ngayon, ang Abu Dhabi, Dallas sa Texas, Monterrey sa Mexico at Las Vegas sa Nevada ang mga posibleng lugar kung saan kami maghaharap ni Margarito. Kung hindi kikilos si Mayweather ngayon, marami pa ang mawawala sa kaniya.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.