Philippines, 05 Dec 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Show Business is My Business

PhilBoxing.com
Thu, 27 Aug 2009



MANILA -- Kumusta po ulit kayong lahat, mga masusugid kong tagasubaybay ng kolum na ito. Palapit na nang palapit ang araw ng aking pag-eensayo at paghahanda sa laban kontra kay Miguel Cotto, kaya naman pilit kong tinatapos ang marami pang mga obligasyon sa lahat ng aking mga fans, kaibigan, pamilya at sa lahat ng nagmamahal sa akin.

Noong Linggo ay ipinalabas na ang aking TV sitcom na pinamagatang “Show Me Da Manny” at marami ang tumawag sa akin upang batiin ako sa masaya at magandang komedya na ginawa namin kasama ang ilan sa aking mga kaibigang artista at kabilang na rin ang ilan sa aking pamilya.

Opo, masaya ako dahil maraming mga tao ang aking napasaya sa aking pag-acting sa telebisyon. Kasama sina Marian Rivera, Benjie Paras, Paolo Contis, John Lapus, Rochelle Pangilinan, Lito Camo, Onyok Velasco, Tuesday Vargas, Lovi Poe at marami pang iba, naging maganda at mataas ang pangunahing rating ng show na natutungkol na rin sa boxing.

Opo, pati ang aking nanay na si Mommy Dionisia ay kasama ko rin, bilang aking tiyahin at talaga namang napakasaya ng mga eksena, kung saan nagkaroon pa ng showdown ang dalawang grupo na kinabibilangan ng aking grupo at ng pangkat ni Marian Rivera. Hindi sa siya ang aking nanay, na-impress naman ako sa ipinakitang pagsayaw ng ginang na tinatawag nating lahat na Mommy Dionisia. Natatawa rin ako dahil sa madalang na pagkakataon ay ako rin ay napasayaw.

Pati na rin ang ilan sa aking mga tunay-na-buhay na mga kaibigan at kasama sa Team Pacquiao ay makikitang kasama sa ilang eksena at bakas ko sa kanilang mukha ang kasiyahan.

Opo, ang ilan sa mga karakter ng palabas ay nagngangalang Oscar, Marco Antonio at Erik at talaga namang kinagigiliwan din ang ibang mga kwelang eksena na kinatatampukan ng mga bida sa “Gym Paredes” at “Gym Santos.” Kahit minsan ay talaga namang napupuyat kami sa taping, ang mahalaga ay nagbibigay ako ng kasiyahan sa marami kong fans at kasabay na rin diyan ay ang aking pag-eenjoy sa paggawa ng shows at iba pang pelikula na gaya nito.

Hindi po naman ako nakakalimot sa aking obligasyon sa aking sarili, sa bansang Pilipinas at sa inyong lahat kaya naman sa pagsapit ng ikalawang linggo ng Setyembre ay magpapalit na ulit ako ng costume, ang totoong boxing gloves at uniporme upang paghandaan ang laban sa November 14 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Gaya ng pag-acting ko sa TV, ang boxing ay isa ring uri ng show business, dahil nage-entertain kami ng mga fans sa ibang aspeto. Pero ito ay isa sa pinakamahirap na trabaho sa mundo. Bukod sa walang script na sinusunod maliban lang sa mga pinag-aralang techniques sa training sa loob ng gym, ang totoong boksing ay walang sumisigaw ng “cut” kung nagkakamali. Kapag nagkamali ka sa boxing, malaking parusa ang iyong matatanggap at marahil ay sanhi pa ito ng pagkakatalo.

Kahit na masakit na ang katawan, duguan ang mukha, ang boxing ay hindi nangangailangan ng make-up. Tulad rin ng showbiz, the show must go on, ’ika nga.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Manny Pacquiao (R) with 'Show Me the Manny' sitcom leading lady Marian Rivera.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.