Philippines, 13 Jan 2025
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Oras ng Bakasyon

PhilBoxing.com
Thu, 18 Jun 2009



BOHOL ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong tagasubaybay, kaibigan at mga kababayan. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Naririto po ako ngayon sa Bohol kasama ang aking pamilya upang ipagpapatuloy namin ang naudlot na bakasyon noong isang linggo. Kagagaling ko lang sa America, sa malaking siyudad ng New York, upang bigyang-pagpapahalaga ang mga importanteng bagay na napapatungkol sa aking boxing career, ang pagsipot sa awards night ng prestihiyosong Boxing Writers Association of America kung saan pinarangalan nila ako bilang 2008 Boxer of the Year.

Sinuportahan ko rin ang aking kababayan na si Rodel Mayol na nagbigay ng magandang laban sa wala pang katalo-talong si Ivan Calderon ng Puerto Rico. Tabla ang kinauwian ng laban ngunit maganda ang ipinakita ni Rodel kaya naman hiniling kong mag-rematch silang dalawa. Pinanood ko rin ang laban ni Miguel Cotto kontra kay Joshua Clottey na nauwi sa isang split decision. Mahalaga rin na mapanood ko ang laban na ito dahil si Cotto marahil ang susunod kong makakalaban, depende sa negosasyon ng aking promoter na Top Rank.

Pero bago ang lahat ng iyan, bago ako sasabak sa matinding paghahanda at ensayo muli, kinakailangan ko munang bigyan pagpapahalaga ang aking pamilya na palaging naiiwan ng matagal dahil na rin sa uri ng aking trabaho. Halos dalawang buwan ako kung mawalay sa aking mga anak kaya naman walang dapat na pumigil sa akin sa ganitong mga sandali dahil minsan lang magiging mga bata ang aking mga pinakamamahal na mga anak.

Lubos na masaya at maganda dito sa Bohol. Sariwa ang hangin at ang karagatan ay malinis. Puting-puti ang buhangin at sariwa ang pagkain. Ito ang pinakamasayang araw pagkatapos ng isang mahirap na laban.

Kahit na nagtapos ng dalawang round lang ang huling laban ko, kontra kay Ricky Hatton, marami ang hindi nakakaalam na ang pinakamahirap na bahagi ng isang pagpapanalo ay ang training. Dahil talagang ibinubuhos ko ang lahat sa paghahanda, nagiging mukhang madali na lamang ang nangyayari sa totoong laban.

Dahil na rin sa ako ang pound-for-pound No. 1 boxer sa mundo, kinakailangan ko ring pagpahingahin ang aking katawan dahil alam ko, maraming mga kalaban ang gustong humarap at maghamon sa akin. Mahalaga na sa pagsabak ko muli sa training, sariwa ang aking katawan, isip at spirit.

Natutuwa ako sa mga nangyari sa New York dahil nakita ko ang pagmamahal ng maraming tao sa akin bilang isang Pilipino at isang boxer. Sa gitna ng maraming Puerto Rican sa Madison Square Garden, nakita ko ang respeto na ibinigay ng mga fans sa akin kahit na hindi nila ako kababayan. Nakita ko rin ang matinding pagpupugay na ibinigay sa akin ng mga manunulat ng America na silang haligi ng aking pagiging matagumpay. Ngayon ko napatunayan na mahalaga ang respeto ng lahat ng tao sa pagsikat at hindi lamang dahil sa taglay mong kagalingan gaya ng pag-aakala ni Floyd Mayweather at Juan Manuel Marquez, na ang kanilang laban ay hindi masyadong sinuportahan ng boxing fans sa takilya.

Bago pa mapunta sa ibang usapin, maliligo muna ako sa dagat at mage-enjoy. Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Pacquiao (L) with wife Jinkee strike a pose with the picturesque Chocolate Hills of Bohol in the background. Photo by Bren Evangelio.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2025 philboxing.com.