|
|
|
Salamat sa Boxing Writers ng America PhilBoxing.com Sun, 14 Jun 2009 NEW YORK?Magandang araw po sa inyong lahat, mga ginigiliw kong kababayan, fans at tagasubaybay. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo. Matapos ang mahabang biyahe mula sa Pilipinas patungo sa New York, the ?Big Apple,? tinanggap ko mula sa Boxing Writers Association of America ang pinaka-prestihiyosong ?2008 Boxer of the Year Award,? ang Edward J. Neil Memorial plaque sa ikalawang pagkakataon sa aking buhay. Opo, direktang flight mula Maynila ang aking kinuha kasama ang aking butihing maybahay na si Jinkee at ang aking mga kaibigan. Bukod sa nagbabakasyon kami ng aking mga pamilya at marami akong pinagkakaabalahan sa Pilipinas, minabuti kong bigyan ng pagpapahalaga ang pundasyon ng aking tagumpay bilang No. 1 Pound-for-Pound boxer sa buong mundo. Dahil ako ang tampok na awardee ng gabi sa parangal na ginanap sa magarang Capitale sa New York, New York, alam kong hindi dapat ipagpawalang-bahala at isnabin ang pagtanggap ng award na ito dahil ang mga manunulat na kinabibilangan ng organisasyon ng mga Amerikanong writers ang tunay na pinanggagalingan ng aking tagumpay sa ibabaw ng ring. Kung wala ang mga writers, walang mga taong susubaybay sa aking bawat galaw, walang mga taong magiging susi sa pagbibigay impormasyon sa lahat ng mga tao sa buong mundo at marahil, walang Manny Pacquiao. Sa ngayon, ako ay isa sa pinaka-aabangang boksingero sa buong mundo. Sabi nga nila, ang respeto ng tao ay pinaghihirapang makuha at hindi tinatanggap, kaya naman talagang hindi ko dapat ma-miss ang ganitong awards ceremonies. Lubos po ang aking saya sa award na aking natanggap sa ikalawang pagkakataon, ang una ay ang 2006 version. Sa ngalan ng aking pamilya, mga kapwa Pilipino, at sa mga kapwa boksingero at atleta, malugod kong tinatanggap ang award na ito. At gaya ng dati, ipinangangako kong lalong pagbubutihin at paghihirapan ko pa lalo ang paghahanda para sa laban. Binabati ko rin si Coach Freddie Roach dahil sa kanyang pagkakamit ng ikatlong Coach of the Year Award at nakumpleto namin ang halos grand slam na resulta sa taong nagdaan. Sa simula ng taon, talaga namang medyo pinalad pa rin tayo dahil sa pagpapanalo natin kontra kay Ricky Hatton ng England. At sana, sa huling yugto ng taon, makakamit pa rin natin ang malaking panalo laban sa susunod kong katunggali. Sa ngayon, wala pang final na makakaharap. Matinding ensayo at paghahanda at iyong tibay ng katawan at pag-iisip ang mga susi ng aking pagiging kampeon at higit sa lahat, ay ang aking takot sa Panginoong Diyos ang nagbigay sa atin ng tagumpay na ito. Sa Kanya ko rin ibinababalik ang papuri at pagpapasalamat. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |