Philippines, 14 Jan 2025
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Great Power, Great Responsibility

PhilBoxing.com
Sun, 10 May 2009



MANILA -- Magandang araw po sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan. Kay sarap ng pakiramdam na makabalik sa sariling bayan, sa lupang tinubuan upang makapiling kayong lahat muli matapos ang laban kay Ricky Hatton ng England.

Tagumpay po ang balitang aking hinahatid sa inyo. Sa loob ng dalawang rounds, nagapi natin ang kampeon ng Kanluran, si Hatton, dahil na rin sa ating matinding paghahanda at sakripisyo nating lahat.

Nanalo tayo sa loob ng dalawang rounds lamang sa isang laban na marami ang nagsasabing mabigat na pagsubok dahil si Hatton ay hindi pa natatalo sa 140 pounds na dibisyon sa kabuuan ng kaniyang career. Kahit na dalawang rounds lang ang inabot ng laban, puno pa rin ng panganib ang bawat hakbang na ating tinahak sa gabi ng May 2 sa MGM Grand Arena.

Matagal na panahon ang inabot upang makamit natin ang ganitong klase ng tagumpay. Maraming pawis ang tumulo sa ating mga kilay. Ilang patak ng dugo ang nawala mula sa ating mga ugat at kasindaming luha ang ating ibinuwis upang matamo natin ang karangalang ating nalalasap sa kasalukuyan.

Palagi kong naaalala ang mga katagang naging popular sa pelikulang Spiderman dahil ito ang palaging nagpapaalala sa akin ng aking kahinaan at pagiging isang tao lamang. "With great power comes great responsibility," sabi nga ng mga katagang binitiwan sa palabas.

Sa ngayon, natamo ko na ang ilan sa mga pinakamahirap at pinaka-aasam na panaginip ng isang boxer - ang pagiging Best Pound for Pound fighter in the world at ang pagiging six-time champion at four-division na kampeon.

Malayo na ang ating nararating mula noong nagsisimula pa lang tayong makilala sa daigdig ng boksing. Marami rin ang hindi makapaniwala na matatalo ko sina Juan Manuel Marquez, ang kampeon ng 130-pound division, si David Diaz, ang hari ng 135-pounds division, si Oscar Dela Hoya, ang idolo ng nakararami at pinuno ng 147-pound division at ng pay-per-view at kasama na rin si Hatton, na kumatawan sa lahat ng mga boxers sa Kanluran.

Nitong linggong ito, bago ako dumating sa Pilipinas, nakita ko ang Time Magazine edition na naglalagay sa akin bilang isa sa 100 Most Influential People sa buong mundo at medyo napag-isip ako ng kaunti sa karangalang aking natatanggap sa mga panahong ito.

Malaki ang aking responsibilidad sa bansa at sa aking kapwa Pilipino at dapat kong pangalagaan ang dignidad ng aking natamong mga karangalan. Hindi rin biro na mabigyan ng ganitong mga parangal.

Maraming maraming salamat sa inyong suporta at utang ko sa inyong lahat ang bawat isa sa mga ito dahil sa walang-sawa ninyong suporta at panalangin sa akin mula pa noong ako ay nag-uumpisa.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2025 philboxing.com.