Philippines, 15 Jan 2025
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


BUHAY ANG PHILIPPINE BOXING

PhilBoxing.com
Thu, 23 Apr 2009




LOS ANGELES?Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong tagasubaybay. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man panig ng mundo kayo naroroon.

Excited na po ako sa labang ito at sa paghaharap namin ni Ricky Hatton ng England sa May 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, masasabi kong handang-handa na ako sa anumang pwedeng gawin at dalhin ng kalaban sa sagupaang ito na tinaguriang the ?Battle of East and West.?

Dumating na ang aking pinakakamahal na nanay dito sa America sa kauna-unahang pagkakataon at sa linggong ito, darating na rin ang aking mga pamilya mula sa Pilipinas. Masaya ako at karagdagang inspirasyon ito para sa akin upang lalo kong pagbutihin ang pakikipaglaban.

Inihahanda ko na rin ang lahat ng mga iba?t-ibang bagay-bagay para maayos ang lahat ng maliliit na detalye bago kami tumungo sa Las Vegas sa Lunes. Halos sampung araw na lang at bakbakan na naman! Nakapagtala na kami ng halos 132 rounds ng sparring kontra sa apat na sparring partners at pababa na ang bilang mula sa mataas na 12 rounds noong isang linggo.

Nitong nakaraang Sabado (Linggo sa Pilipinas), napanood ko rin ang laban ng dalawa kong kababayan na nanguna sa isang malaking paboksing sa Manila sa Araneta Coliseum. Masaya ako sa ipinamalas nina Brian Viloria at Nonito Donaire na kapwa nagsipanalo sa kani-kanilang laban.

Natuwa ako sa ipinamalas na panibagong tapang, lakas at gutom ni Brian dahil muli siyang naging kampeon ng mundo nang talunin niya ang kampeon na si Ulysses Solis ng Mexico. Nag-order pa kami ng pay-per-view para mapanood naming live ang kanyang laban at masaya rin lahat ng mga nakapanood dahil may panibagong kampeon ulit na Pilipino.

Congratulations din kay Nonito sa kanyang masining at magaling na pagpapanalo upang maipagtanggol niya ang kanyang korona at ang karangalan ng pinakamamahal nating bansa.

Nakakataba ng puso lalo na nang makita ko ang mga kababayan kong ito na sinadyang bumalik sa kanilang bansang tinubuan upang lumaban at manalo. Si Brian at Nonito, na lumaki sa America, ay talaga naming naging makabayan at mala-bayani dahil na rin sa pagbabalik nila sa Pilipinas.

Para sa akin, ang mga ganitong mga tagumpay ng aking mga kapwa Pinoy ay hudyat ng isang makabagong kilusan ng mga Pilipino sa buong mundo upang matulungan natin an gating inang bayan. I am very proud of you guys and let us all keep up the good work.

Sana po, ipagpatuloy nating lahat ang magandang simulating ito at sama-sama tayong manalangin para sa ikagaganda at ikauunlad ng ating bansa.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2025 philboxing.com.