|
|
|
SALAMAT, OSCAR DE LA HOYA PhilBoxing.com Thu, 16 Apr 2009 LOS ANGELES ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat mga ginigiliw kong mga kaibigan, pamilya at fans. Mahigit dalawang linggo na lang at magbabakbakan na kaming dalawa ni Ricky Hatton ng England sa Mayo 2 sa ?The Battle of East Vs. West? sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada at handang-handa na po ako. Pagkatapos kong mag-spar ulit ng sampung rounds sa araw ng Martes kontra sa tatlong sparring partners, masasabi kong unti-unti ko nang nakakamit ang halos 100 percent na kundisyon ng pangangatawan at sa tulong ng Poong Maykapal, makukuha natin ang pinakamataas na antas ng kundisyon bago ang araw ng laban, ang una kong assignment sa taong ito. Sa darating na linggo, papasok na kami sa pinakamatinding yugto ng training at mula doon ay magsisimula na akong magpababa ng timbang bago kami magtungo ng Las Vegas, isang linggo bago ang laban. Lingid sa aking kaalaman, may press conference pala si Ginoong Oscar Dela Hoya sa Nokia Plaza sa downtown Los Angeles. Nalaman ko na lang sa gabi ng Martes na nag-retire na pala ang isa sa mga haligi ng boxing sa mga nagdaang taon at isa sa aking mga iniidolong boksingero. Dahil na rin siguro sa laban ni Dela Hoya noong Disyembre, kung saan tayo ay nagwagi sa loob ng walong rounds, kaya nagbigay-pasya na siyang mag-retire sa boksing matapos ang 16 na taong pakikipaglaban. Nakalulungkot man, nirerespeto ko ang pasya ni Dela Hoya na mag-retire sa sport na pareho naming minahal at pilit na pinalalawig. Bilib ako sa mga nakamit ni Dela Hoya na mga parangal at mga titulo. Ang pagiging champion sa anim na divisions ay isa lamang sa mga pinakamalaking record na naitala ni Oscar sa kaniyang buhay. Pero bukod pa sa sampung magkakaibang titulo, alam kong siya ay hindi lang kampeon sa ibabaw ng ring kundi pati na rin sa labas nito, sa pang-araw araw na buhay. Isang karangalan ang makalaban si Oscar Dela Hoya at ang talunin siya ay para pa ring isang panaginip, kung babalikan ko ang aming nakaraang laban. Isa ring karangalan ang makuha mula kay Ginoong Dela Hoya ang simbulo ng pamumuno sa sport na ito at ipinapangako kong gagawin ko ang lahat upang lalong maging tanyag ang boxing. Hindi magbabago ang aking pagtingin sa Golden Boy ng boxing. Sabi ko nga sa kanya pagkatapos ng aming laban, ?You are still my idol,? dahil sa kanyang mga nagawang kabutihan sa sport. Kagaya ko, malapit ang aking puso sa mga taong nangangailangan ng tulong. Alam kong isa sa pinakamahirap na desisyon para sa isang atleta ay ang pagreretiro. ?Oscar, I salute you and I know that you will continue to be with us in your capacity as the head of Golden Boy Promotions. Good luck on your new journey.? Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All. * * * This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2025 philboxing.com. |