Philippines, 25 Apr 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Painit na Nang Painit

PhilBoxing.com
Fri, 03 Apr 2009




LOS ANGELES?Magandang araw pong muli sa inyong lahat, kayong mga ginigiliw kong tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Habang painit na nang painit dito sa Los Angeles dahil sa pagdating ng fall weather at summer, painit na rin ng painit ang training namin sa Wild Card gym kasama ang aking koponan upang mapaghandaan ng lubus-lubusan si Ricky Hatton ng United Kingdom sa May 2.

Dumating na kami sa yugto ng training kung saan walong rounds na ang sparring namin at nitong Martes ng hapon, walong rounds na ang aking tinapos. Gusto ko lang pong ipaabot sa aking mga kababayan na maganda ang kundisyon ng aking pangangatawan at sa ensayo ko, natutuwa ang aking coaching staff sa aking ipinamamalas. Masaya ang buong team at malulusog din silang lahat.

Siguradong malaking labanan ng mga fans ang nakasalang na mangyayari sa May 2 sa MGM Grand Arena at dahil sa pareho kaming agresibong mandirigma, isang magandang labanan ang inaasahan.

Malamang hindi na pababalikin pa ang isa sa mga naging ka-sparring partner ko dahil na rin sa injuries. Isang Scottish boxer, si Gary Young, ay medyo nasaktan dahil na rin sa mga malalakas na suntok na aking binitawan at naduguan ng kaunti ang ilong ng aking ka-spar.

Medyo importante para sa amin na makapagsanay at makapaghanda sa anumang style na dadalhin ni Hatton sa gitna ng ring at ang ilan sa aking mga sparring partners ay may kanya-kanyang katangian upang gayahin ang style ni Hatton. Medyo payat na rin si Hatton sa aking nakita sa press conference sa tanyag na Hollywood boulevard.

Successful ang press conference dahil nagdagsaan ang lahat ng miyembro ng media, ang mga kinatawan ng radio, TV at internet media. Naging mainit din ang sagupaan ng salita nila Floyd Mayweather Sr., ang maingay na trainer ni Hatton at si coach Freddie Roach.

Natutuwa ako dahil maraming mga celebrities din ang dumalo at sumama sa red carpet reception ng Hollywood sa aming mga boxers. Ang Golden Globe best actor at dating may-ari ng Wild Card gym na si Mickey Rourke ang isa sa mga sikat na Hollywood actors na dumalo.

Masaya ako dahil maraming mga tao na ang sumusubaybay sa bawat kilos namin at umaaasa akong manonood ang karamihan at dadalo silang lahat sa Las Vegas o hindi kaya ay manonood sa HBO pay per view. Inaasahan namin ang inyong suporta.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

Top photo: Four-time world champion pound-for-pound king Manny "Pacman" Pacquiao,General Santos,Philippines trains at the Wildcard Boxing Club in Hollywood Tuesday for his upcoming "The Battle of East and West" World Jr. Welterweight championship fight against Ricky "The Hitman" Hatton,Manchester,England on Saturday,May 2 at the MGM Grand Garden Arena in Las Vegas,Nevada. Pacquiao vs Hatton is presented by Top Rank and Golden Boy and will be available on HBO Pay Per View. --- Photo Credit : Chris Farina - Top Rank copyright 2009.


This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.