Philippines, 28 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Abalang-abala Bago Lumaban

PhilBoxing.com
Thu, 19 Feb 2009

MANILA?Kumusta na po kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon.

Bago po kami tumulak papuntang Los Angeles kasama ang aking koponan, United Kingdom at New York, marami pa rin po akong hinahabol na mga dapat tapusing tungkulin na naging kasama na rin ng aking buhay bilang isang public figure, estudyante at ama ng tahanan.

Abala po ako na uma-attend ng mga business meeting sa Manila at kasama na rin ang pag-shoot ng isang TV series na pinamagatang "Totoy Bato," na ipapalabas sa susunod na linggo na. Kahit na medyo nakakapagod, enjoy naman ako sa paggawa ng palabas at pag-arte sa harap ng camera. Gaya ng pagboboksing, marami pa rin akong natututunan sa pagharap sa camera at pagsunod sa director, at sa bawat araw na lumilipas, marami pa rin akong dapat gawin upang maging isang ganap na dalubhasa sa mga sining ng bakbakan sa ring at sa likod ng halos makatotohanang buhay ng show business. At least, nasisiyahan ako at nalilibang sa mga ginagawa ko.

Kabilaan din ang mga parangal na aking natatanggap mula sa mga tao at mga organisasyong kumikilala sa aking kakayahan at mga sakripisyo sa buhay.

Naririyan ang pagbibigay ng Philippine Sportswriters Association sa akin ng isa sa pinakamataas na award, at kahit na nasa rurok pa lang ako ng aking career ay ginawa na nila akong Hall of Fame awardee.

Nagpapasalamat din ako sa pagbibigay ng doctorate degree, honoris causa, ng Southwestern University, isa sa mga award na lubos kong kinalulugdan dahil sa kahit na hindi man ako nagtapos ng pormal na edukasyon, napatunayan kong natatamo rin ng isang tao ang mga mabubuting kaalaman at inpormasyon sa unibersidad ng lansangan at ng pagsisikap.

Pagkatapos nito, sa February 22, bibinyagan na rin ang aking bunsong anak, si Queen Elizabeth, sa General Santos City. Siya namang lipad ko upang mag-promote ng laban at umpisahan na ang training kontra kay Ricky Hatton.

Kabilang sa mga ninong ay sina H.E. Noli De Castro, Gen. Alexander Yano, Gen. Victor Ibrado, Sen. Manny Villar, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Francis Escudero, Sen. Ramon Revilla Jr., Sen. Miguel Zubiri, Sen. Gregorio Honasan, Asec. Luis "Chavit" Singson, Chairman Efraim Genuino, Cong. Monico Puentebella, Cong. Miguel Rene Dominguez, Mayor Alfonso Singcoy, Fiscal Benny Nicdao, Atty. Romeo Macalintal, Atty. Tomas Falgui II, Atty. Rommel Agan, Atty. Giovanni Mata, Atty. Orlando Salatandre Jr., Rex "Wakee" Salud, Charlie Ang, Enrico Pineda, Alexander Santos, Paolo Duterte, Philip Salvador, Dr. Jose Herrera Jr., Melquiades Robles, Antonio Albano, Johnny Domino, Jason Strong at Orville Roque.

Ang mga ninang naman ay sina Sen. Loren Legarda, Wilma Galvante, Korina Sanchez, Redgie Magno, Annette Gozon, Robina Gokongwei-Pe, Vicky Belo, Bing Atienza, Macy Pineda, Regina Bagsic, Lilia Pineda, Olive Soriano, Margie Kho, Annabelle Rama, Trisha Verzosa, Joanna Ramos. Unofficial at incomplete list pa lang iyan at hindi pa final.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.